Chapter 2

105 10 2
                                    

Gab's POV

"Anong mas magandang color? Pink or blue?" Jade asked, for the nth time.

We've been here in the same store for ages. She can't choose between two colours with the completely similar design. I don't even know how hard it is for her to pick.

"Pink." Wala ng pake kong sagot. Kanina pa ako nakatayo dito. Hindi naman ako masyadong mahilig sa damit kaya isang shirt lang ang nabili ko habang siya naman ay halos bilhin na ang lahat ng naka-display dito.

"Eh? I don't like the glitter detail. Yung blue nalang, miss." sabi niya doon sa sales lady na nag assist sa'min. Ngumiti lang ito. Pagod na din siguro.

"Hindi ka pa ba tapos? Kanina pa tayo dito oh." Lakas loob na reklamo ko. Natigilan naman siya at tinignan ang mga nasa shopping bag.

"Hmm.." she checked the clothes that were inside the bag, "ok, let's go."

Napabuntong hininga ako at nag unat. Finally. After a very long hours, natapos na din siya. Kumukulo na din ang tiyan ko kaya naman nagaya na akong umuwi na siya namang sinang ayunan niya.

"We're back, tita!" bati kaagad ni Jade ng makauwi kami.

"Hello. How's your day?"

"Oh, I bought clothes." Jade happily answered, showing the things she got.

Itinaas ko lang ang shirt at librong nabili ko. Tumango lang si Mama. "Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa."

"Manners.."

I sighed, "Hindi pa 'PO."

"Maupo na kayo at ipapahanda ko na kay manang ang pagkain." Huling sabi ni mama bago siya umakyat sa itaas. Hindi ko alam kung tapos na ba siyang kumain o may kukunin lang.

Tahimik akong naupo habang si Jade naman ay inayos muna ang mga napamili niya bago ipaakyat kay manang sa kwarto niya. Ang dami niyang nabili at ang mamahalin pa. Nagtatae siguro ng pera ang isang ito.

"Lilipat ka nga pala ng school, Gab." Nabulunan ako sa sinabi ni mama pagkababang pagkababa niya. Agad kong inabot ang tubig at ininom ito. Jade started laughing nonstop. Inirapan ko lang siya.

"Why?" Hindi ko pa naranasang mag transfer sa ibang school dahil simula nung mag aral ako ay isang eskwelahan lang naman ang pinasukan ko.

"For a fresh new start. I'm sure that you'll enjoy there lalo na't kasama mo si Jade." Mama dropped another news. I immediately rolled my eyes in disbelief.

"Po? Kasama ako?" Nabitawan pa niya ang kutsarang hawak. Buti na lang at hindi nabasag yung plato.

"Yes. Your father agreed." Umupo na si mama para kumain.

Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pag transfer ko ng school at kasama ko pa ang pinsan ko. Pero ayos lang naman sa'kin dahil wala naman akong maiiwang mahalagang bagay.

I already lost it.

"Also pack your things. It's a boarding school."

"What?!" Jade exclaimed. She look excited, good for her. Hindi naman sa ayaw ko kaya hindi ako excited. Hindi ako sanay na mabuhay mag isa pero kaya ko naman. Mabuti na siguro 'to. Makakalayo ako dito.

"Why enroll us in a boarding school? Trying to get rid of me?" I smirked.

"Gab! Watch your words." I can see her gripping the spoon while her eyes are glaring at me. "This is for your own good. You will stay there for the whole school year."

Tumayo ako dahil tapos naman na akong kumain. "Gonna pack my things then."

Agad akong dumiretso sa kwarto ko. Hindi naman talaga ako mag iimpake pa. Gusto ko lang tumakas doon dahil alam kong papagalitan na naman ako. She can't blame me for being like this though. Kanino pa ba ako magmamana.

Pagkarating sa kwarto ay napansin kong bukas na naman ang pinto sa balcony ko. The last time I check it was close. Lagi nalang ito bumubukas ng mag isa, mukang sira na ata.

Kumuha ako ng libro bago tumambay sa balcony tutal hindi naman na masyadong mainit sa labas. Umupo lang ako sa upuang nandito at ipinatong ang paa sa railings.

"Akala ko ba you're going to pack your things na." Biglang sabi ni Jade na nasa likod ko na pala. Hindi ko napansing pumasok siya. Masyado akong focus sa pagbabasa.

"Later."

She only rolled her eyes at me then proceeded to sit at the chair in front. "Your view here is a real beaut."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Bahala siya manggulo dito dahil madali lang namang hindi mamansin.

"Ikaw.." Lumingon ako sa kanya upang marinig ang sasabihin. "Napakasuplada mo, 'no?"

"Umalis ka na nga dito."

"What if I don't want to?" Lumapit siya ng kaunti sa akin at nginitian ako. Binigyan ko naman siya ng sarkastikong ngiti pabalik.

"Itutulak kita sa balcony."

"Makaalis na nga. Pack your things na because tita said we will be leaving by 5." Huli niyang sinabi bago pabalibag na sinara ang pinto ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko at napaisip na madilim na kung alas singko kami aalis.

Bumuntong hininga ako at tsaka nag umpisang mag impake. Bahala na sila.

"Kumpleto na ba ang mga gamit nyo? Wala na kayong nakalimutan?" Mama asked when we were putting our things at the back of the car.

"Yes po." Jade answered.

Pumasok na ako sa kotse at naupo sa bandang bintana. Pababa na ang haring araw at ilang sandali na lang ay magtatakip silim na. Mukhang mahaba ang byahe namin kaya naman inaasahan ko ng mangangalay ang katawan ko.

Pagkasakay nila mama ay naglakas loob akong magtanong. "Diretso na talaga tayong pupunta don? No explanations, warnings or even a heads up kung anong dapat naming i-expect?"

"You'll know when we get there." I sighed. I decided to shut my mouth and just took a nap after that. We'll see when we get there then.

"OH MY GOD!"

Nagising ako bigla dahil sa katabi kong sobrang likot. Mukhang mahaba na ang nabiyahe namin. Tinanggal ko ang earphones ko bago humikab at tumingin sa bintana.

My jaw dropped.

This place is not real. We are passing through a beautiful village. Kahit madilim na ang kalangitan ay mararamdaman mong buhay na buhay ang kalsadang dinaraanan namin.

Napupuno ng makukulay na ilaw ang lahat ng punong madadaanan. May mga bata ding naglalaro sa tabi ng kalsada at malayang malaya kahit na gabi na.

"Wait until we pass that bridge." Napalingon kami sa harap. Bumungad sa amin ang isang tulay na sa kabilang dulo ay tila may talon na naghihintay.

Napaayos ako ng upo dahil sa nangyayari. Napakaliwanag ng daan. Pati ang tubig sa ilalim ng tulay ay makikita mo ang mga bato sa ibaba. Hindi ko alam kung paano ito naging posible. It's like this place is glowing.

Jade did not hesitate to take a photo of this place with her camera. Even I am will not be having second thoughts. This village is fascinating.

Papatawid na kami ng tuloy nang makaramdam ako ng kakaiba. Parang bumabaliktad ang sikmura ko kaya naman bigla akong napahawak sa headrest ng driver seat.

"Gab, Jade.." mama gave us a sly smile, "I want you both to keep an open mind, will you?" Kumunot ang noo ko.

"I don't want you guys to freak out but prepare yourselves."

We were about to cross the bridge and the waterfalls. I thought that the water would wreck our car but to my surprise, it didn't. We just passed through it like it was thin air.

Napasinghap ako ng makalagpas na kami ng talon. Hindi ko inaasahan ang nadatnan.

"Holy shit."

The Journey Of The DemigodsWhere stories live. Discover now