PAGE 19

28 14 0
                                    

2 days nang hindi nagpaparamdam si Rogue. Ni hindi sya naonline at nachat manlang. Hindi ko man alam ang cellphone number nya. Baka napano na sya? Anong ginagawa nya? May problema ba?

Mahirap sanayin yong jowa mo sa dati mong ginagawa sa kanya. Mahirap sanayin  ang sarili mong lagi mo syang kausap. Kasi once na hindi na sya magchat. Don ka mapapatanong sa sarili mo. Over thinking kumbaga. 2 days pa lang pero grabe na ako mag isip. Baka nakahanap na sya ng iba? Marami na rin ako napagtanongan about sa kanya. Ang sagot nila hindi rin nila alam dahil hindi naman daw nila nakakausap simula nong umalis sya.

Carla:
   Baka naman nakahanap na besh HAHAHAHAHA! Maraming maganda sa Naga. I mean, hindi ko naman sinasabi na hindi ka maganda. Ang ibig kong sabihin, may mas maganda pa ron.

Me:
   Kung mahal nya talaga ako, hindi sya magkakagusto sa iba.

Carla:
   Kung sa bagay. Batay sa mga kwento mo sakin. Mahal na mahal nyo ang isa't isa. Kami nga ni Damzel nagkakalaboan na eh. Bahala sya hahahaha... Andami naman pogi dito sa Manila. Gusto mo hanapan kita.

Gago talaga tong bestfriend kona to! Naghihingi ako ng advice eh!

Clein:
   Wag ka mag over think. Baka mas lalo kang pumayat hahahaha... Pagdating nya usap kayo. Basta kung kailangan moko, nandito lang ako. Hindi ko man mapapauwi si Rogue. Nandito naman ako para tulongan ka. Wag mo pabayaan sarili mo.

Mary:
   Uwi ka bukas dito sa Manlapaz. Punta ka dito sa bahay.

Bakit naman ako pinapapunta non?

Kinabukasan ay nag ayos ako ng sarili. 10am ay tumungo na agad ako kala Mary. Nakita ko si Marry na kausap ang kapatid nya sa loob. Nakita nya ako at aktong lalapit na nang biglang may tumakip sa mata ko. Napaupo ako sa upuan at tinatanggal ko ang pagkakatakip pero nang mahawakan ako ang kamay ay alam kona kung sino. Alam ko kasi ang lambot at laki ng kamay nya.

"Love?..."

Humalakhak sya at tinikal na ang pagkakatakip. Narinig kopang tumili si Mary. Tumabi sakin si Rogue.

"10 days palang ah? Akala ko 14 days ka ron? Napaaga ka ata? I missed you..." Niyakap ko sya ng mahigpit.

Natatawa sya "I missed you too, Love... Umuwi nako, hindi ko kayang magtagal ng hindi ka nakikita." Anya.

Hinampas ko sya sa braso "Hindi ka manlang nagparamdam ng dalawang araw!".

Napahawak sya sa braso nyang hinampas ko "Damn, Love... Pati hampas mo sakin namiss ko hahahaha..." Anya.

"Weee... Hahahaha..." Sabay hampas ko uli sa kanya.

"Yan! Miss na miss ko yan!" Anya.

Hinampas ko uli sya at napatayo ako sabay takbo. Mariin ng tingin nya sakin. Panay ang dilwat ko sa kanya. Tumatawa ako nakangisi sya.

"Mapa-daet sana tayo kaso ang tagal mong dumating eh! Dapat 8am." Anya.

"Hindi ko naman alam na na dito ka! Set up ba to Mary?" Baling ko kay Mary na tumatawa sa malayo.

Ngumisi lang si Mary.

"Plano to! Hahahaha" puna ni Rogue.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now