PAGE 8

39 15 6
                                    

Alam nyo yung feeling na... Tutulongan ko sya para mapalapit sila or maging sila ng gusto kong magkatuloyan? Kasi habang tumatagal ako ata yung nagkakagusto sa kanya. Eh pano ba naman kasi. Ikaw ba naman yung may ka late night talks, joker at napapasaya tuwing kausap ka, hindi ka mahuhulog?

Pagkausap ko sya, nilalagay ko ang besh ko sa topic namin kaso... Sya naman itong iniiba. Pag hindi interesado sayo ang tao kahit anong pilit mo kung ayaw naman sayo, wag kana umasa. Kasi kung patuloy kang aasa. Ikaw yung iiyak ng dugo sa huli. Samantalang sya chill lang kasi hindi ka naman minahal. Parang si Rujan at Carla lang. Pinipilit kong ilagay sa topic namin si Carla kaso iniiba nya. Isa lang ibig sabihin wala syang interest kay Carla.

Napapahawak ako sa dibdib ko sa tuwing kakabog ito ng mabilis kapag kausap ko sya. Hindi alam ni Carla na nakakausap ko sya one week na ang nakalipas. Pag dumadaan kami ni Carla sa room nila, napapatingin ako nakikita ko syang nasa hulihan at minsan ngumingiti sakin. Medyo nabalik ngiti naman ako kaso naiwas din agad baka makita ni Carla.

"Libot tayo!" Sabi ko kay Carla.

Nanliliit ang mata nyang tumitig sakin "Malibot? Teka lang, teka lang. Nahahalata ko! Parang may hinahunting ka nanaman sa grade 8 hahaha..." Anya at tumawa.

Nito kasi mga nakaraang araw lagi ko syang inaayang maglibot sa campus. Ang totoo kasi nyan, gusto ko syang makita. Yung makita ko lang sya buo na agad ang araw ko kahit makita lang kahit hindi makausap pero mas masisiyahan siguro ako kung makaharap ko at makausap. Baka naman mahimatay ako non pagkaharap kona sya hahaha... Char.

"Ge Tara." Anya at hinigit agad ako sa kinauupuan. Dumaan kami sa corridor ng
Grade 8 at napatigil kami ni Carla ng may nagsalita.

"Rizavin!" Nanigas ako sa kinatatayoan ko. Bumaling si Carla sa pinto. Samantalang ako hindi pa nakakaget over sa pagtawag nya ng pangalan ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Agad ko ring tinikom baka makita nya ang bungi ko sa baba. "San kayo?" Anya at tiningnan ako ng diretso. Napaiwas ako ng tingin dahil yung mga tingin nya para kang inaakit na magtanan hahahaha... Potek!

"Libot lang." Iminuwestra ko paikot ang point finger ko sa paligid. Nakita ko sa gilid ng mata kong tumango sya.

"Sama." Anya, Potek! Kinikilig nako ha! "Sama ako!" Anya.

"Sama ba? Sigeeee!!!!" Mahabang ani Carla sa huling salita. Tumingin ako sa kanya. Tumango tango ako at nauna nang maglakad.

Agad humabol si Carla sakin "Hoy! Di ka nang iintay" hinawakan pa braso ko. Binaling ko ng bahagya ang mata ko sa gilid baka sakaling nandyan sya. Agad akong tinampal sa braso ni Carla "Hoy! Ano tinitingin tingin mo dyan? Ayan sila oh!" Turo nya sa unahan namin. Nanlaki ang mata ko at tinikom ang bibig. Potek!potek! potek! End this world naba?

Pinipigilan kong kiligin. Pano ba naman kasi nandito si Carla.

"Crush mo no?" Pabulong na ani Carla. Bumaling ako sa kanya. Nakangisi pa ang Gago.

"H-hindi..." Umiling ako at tumingin na sa unahan.

Tinulak nya ako ng kunti "Ede wow! Halata ka eneng. Oh! Oh!" Turo nya sakin "Namumula pisngi mo kanina pa" sabay tusok nya sa pisngi ko "Tapos hindi ka tumingin sa kanya... At ngayong hindi sya nakaharap sayo panay naman ang titig mo! Natutunaw. Hahahaha... Support ako sayo besh! Tulongan kita!" Anya at kinindatan pako.

Ano daw? Tama ba pagkakasabi ni Carla? Parang nawala ang milyon milyong kaba ko dahil sa sinabi nya. Ok lang sa kanya? Ok lang talaga na yung gusto nya, ay magustohan ko?

"Ok lang sayo?" Tanong ko, tinatansya ko kung totoo ba sinasabi nya.

"I told you... Hindi ko ang mga mas bata sakin. Ayaw ko ng ganon! Ikaw talaga!" Sabay batok nya sakin. "Tulongan kita sa kanya! Mabait yan. Magtatagal kayo nyan." Anya at kumindat pa.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon