PAGE 5

49 18 1
                                    

Hindi ko akalain na sa sobrang komportable naming magkausap ni Levan ay manliligaw sya. Chinat nya ako kagabi kung pwede ba raw manligaw. Grade na 9 na ako ngayon at nakakasama ko sya sa Manlapaz. Kwentohan ganon.

Nanghaharumentado ang puso ko sa nabasa ko. Agaran akong nagchat kay Carla na liligawan ako ni Levan. Kinilig naman sya. Parang akong kinikilig na ewan. Napakagat labi ako nang sabihin ni Carla na umoo raw ako.

Nanginginig pa ang kamay ko nang nagreply ako ng oo. Pota! Magkakaboyfriend nanaman ba ako? Naalala ko si Jayvee yung first kiss ko nakuha nya. Marami akong naging ka M.U pero sa isang tao lang ako interesado. Makakatikim na ba ng second kiss ang labi ko? Pota! Bat ganon ang iniisip ko? Sama naman.

Days ago... Tinatanong nya ako kung ano ginagawa ko nasan ako. Ang sweet nya lalo na pag pinapaalalahanan nya ako.

Levan:
   Tayo na ba?

Nakawala ata ang mga kabayo sa hawla dahil sa lakas ng kabog ng takbo nila pati dibdib ko ramdam ang bawat padyak ng mga kabayo. Potek! Why naman ganon Levan?

Agaran kong sinabi kay Carla na natatanong na si Levan.

Carla:
   Umoo kana! Bilisss... Mukhang mahal ka naman. Hahahaha...

Halos magkumahog ako sa pagtipa kaya simpleng oo lang ay ii ang nasend ko agaran ko yung denelete at tumipa ng panibago. Oo.

Levan:
   Talaga? Bukas kita tayo. Reses time.

Potek! As in? Magkikita uli kami? Ganon kadali? At ganon ko sya kadali sinagot? Hahaha... Isang grade 8 at samantalang ako'y grade 9.

Kinabukasan, ramdam ko ang paa kong nanginginig palabas ng room. Napahawak ako kay Carla tumawa sya. Simula kasi ng sinabi nyang manliligaw sya minsan ko nalang sya makita at malayo pa. Pero ngayon? Magkakaharapan. Nahihiya pa ako. Ewan ko ba.

"Easy besh. Boyfriend mo naman yon HAHAHA!".

Bumili ako ng valmer at coke sa canteen. Unti unting bumabaling ang ulo ko sa paligid pero di ko sya makita. At nang ako na. Nagulat pa ako ng bahagya dahil katabi ko lang pala sya sa pila.

Tumawa sya at umiling. Maglalakad na sana kami papasok sa room ng bigla akong napatianod sa hila ni Carla palapit kay Levan "Don kayo!" Turo nya sa pang apatang table.

Na estatwa pa ako. Kami lang bang dalwa? Andaming tao. Kakahiya. Maraming nagkakagusto kay Levan at isa na ako don. Gwapo kasi at mabait minsan masungit at mayabang hahaha.

Umupo ako paharap sa canteen at sya naman ay paharap sa room. Ramdam ko ang tingin ng mga tao samin ng iwan kami ni Carla ron. Kumaway pa ang Carla at nakipag asaran sa mga kaklase namin.

"Kainin mo na yan... Baka mag time na." Anya habang nakatingin sa pagkain kong nasa mesa.

Kinuha ko yon at dahan dahang binuksan. Ano na naman yan bat ang hirap. Gusto ko nang wasakin yung plastik pero kakahiya naman sa harap pa talaga nya? Pilit kong binubuksan iyon pero hirap talaga ako.

Napabaling ang tingin ko sa kanya ng kunin nya yon sakin "Ako na..." Mahina nyang ani. Tumango ako. Napaka gentle ng pagbukas nya. Pero nagulat ako dahil ang hinliliit nya ay nakataas. Pinagsawalang bahala ko na lang yon. Ibinigay nya yon sakin. Ngumiti sya ng kunti.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now