PAGE 16

36 15 0
                                    

—SPG!😗😆

Alas tres palang nasa Manlapaz nako. Gabi sana ako pupunta dito kala Mary kaso bihira ang dumadaang tricyle sa Calabasa paghapon nang masyado. Nadatnan ko silang nagluluto sa kusina, tumutulong sya para sa Medya Noche.

Nasa sala nila ako at nagcellphone nalang ako para mawala ang hiyang nararamdaman ko sa kanilang pamilya. Bata pa kami para mag inom pero ok lang sa mga magulang nya basta paminsan minsan lang.

Chinat ko ang ibang barkada at sabi nila bumibili lang sila ng iba't ibang klase ng alak.

Me into Group Chat:
   Bakit iba ibang klase?

Ben:
   Para matikman natin lahat hahahaha.

Rogue:
    Para matikaman rin kita hahahaha joke.

Nag init ang pisngi ko sa nabasang yon. Chinat ko si Clein na pumunta na dito kala Mary dahil wala akong kasama.

"Bb, tikman mo kung ok na." Nilahad ng Mama ni Mary ang sandok sakin na may kunting sabaw. Nagluluto sila ng pansit.

Kinuha ko yon at nang tikman ay sakto lang at lasap mo ang sarap.

Ngumiti ako "Ok na po! Ansarap hehe".

Narinig ko ang ingay sa labas. Tumayo ako at tumungo sa balcony nila Mary. Don nako umupo. Nakita ko ang barkada naming paparating. Nakaakbay si Clein kay Jessa habang nagyoyosi at si Rogue, Ben, Albao, Josh at ang iba pa naming barkada ay may dalang tig dadalawang klase ng alak.

Ang ingay nila pagmagkakasama. Lalo na siguro kung nandon kami. Pinakita nila sakin ang dala.

"Sobrang lasing tayo nito! Hahahaha" si Albao.

Pinakain muna kami ng gabihan ng mga magulang ni Mary. Nagkwentohan kami at nagkayayaaang maglusis sa labas. May mga paputok sila Mary na pinapaputok ng mga Tito at Papa nya sa labas. Maraming picture ang ginawa namin. Napapatalon kami sa bawat putok na naririnig namin. Tumatawa kami sa nangyayari. Kahit di pa alas dose ay nagsisimula na kami.

10pm na at napagkasundoan naming magtable na sa balkonahe para sa gaganaping inoman. Kami lang minor de edad ang nag iinoman. Habang ang matatanda naman ay nasa kabilang bahay ng Tito ni Mary.

Dim ang lights namin para hindi kami mahuli ng pulis o tanod. Minor kasi.

Nagsimula kaming uminom. "CHEERS!" sigaw naming lahat.

Sabay sabay namin yung ininom at naramdaman ko ang pag agos ng alak sa lalamonan ko. Kahit sanay na ako sa alak parang una ko pa rin tong inom dahil nalalasing nako kahit kunti palang naman. Nanggirahaw ako nang maramdaman ko yong init sa batok ko. Pota! Minsan lang to kaya lubosin na! Sa January 7 ay pasokan nanaman kaya hindi na namin alam kung kelan ang sunod.

"NINONG! YUNG PAPASKO MO SAKIN! NEW YEAR NA OH! DI MO SAKIN BINIGAY." Pasigaw na ani Ben sa Kapitbahay nina Mary.

"INAANAK KITA? D NGA KITA KILALA" sagot ng matanda.

"AKO YUNG INAANAK NYO."

"PAKITA MO SAKIN LIST NANG NINONG AT NINANG MO! BAKA NASA NINANG AKO NAKASULAT NA DAPAT AY SA NINONG. NAGPATRANSPLANT AKO LAST YEAR!"

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon