PAGE 18

31 16 1
                                    


Habang tumatagal, mas lalo ko syang minamahal. Alam nyo yung pakiramdam na makausap mo lang sya, sobrang saya mo na? Pano pa kaya kung makasama at makita mo? Siguro pwede ka nang mamatay! D joke lang HAHAHAHA! Gusto ko pa syang makasama habang buhay.

Sa dami nang tumangkang manligaw sakin. Sya lang ang pinili ko. Hindi naman sa nagyayabang pero pag single talaga ako, marami akong nakakachat na gustong makipagkaibigan kahit gusto naman talaga akong jowain. Maraming tumangkang manligaw, hindi naman sa binabasted ko. Hindi lang ako nareply at umiiba nalang ako ng topic. Feel me? Yung ayaw mong masaktan yong may gusto sayo?


May 16, 2019. Nag ipon talaga ako ng pera pangpamasahe papuntang Manlapaz. And, nakaipon naman ako ng 200. Syempre inaya nya akong kumain sa labas.

Nandito kami sa 7/11 sa labas. Tirik na tirik ang araw. Tanghaling tapat kasi. Maraming tumatambay sa 7/11 libre kasi wifi, kaso sa dami nang como-connect ay humihina na.

Nasa loob sya para bumili ng footlong. Anlaki non baka hindi ko maubos. Pero dahil nga hindi nako kumain ng tanghalian ay maaaring maubos ko yon. Binili nya yon eh, Hehez.

Lumabas na sya at ngumiti agad sya sakin. Umupo sya sa harap ko at nilapag ang footlong at soft drinks sa hapag.

"Kumain ka ba ng tanghalian?" Tanong nya.


Ngumiti ako "Oo naman. Ikaw ba?"

"Syempre naman. Kaso mukhang mabubusog uli ako Hahahaha! Ayaw ko tumaba! Ikaw pa. Dapat tumaba ka naman." Anya at pinisil pa ang braso kong nasa mesa. Nahampas ko yon at humalakhak naman sya.

Agad nyang pinisil ang pisngi ko "Cute mo!".

Tumayo ako at tumungo sa likod nya. Niyakap ko sya mula sa likoran. Nakapatong ang baba ko sa balikat nya. Napahawak sya sa braso kong nakapalibot sa leeg nya papunta sa balikat.

"Happy 2nd Monthsarry, Love... I love you forever!" Sabay kiss ko ng mabilis sa kanang pisngi nya.

"I love you too, Love... Happy 2nd. Hope magtagal pa tayo kahit toyoin ka HAHAHAHA!" Humalagpak sya ng tawa.

Napatayo ako at hinampas ang kanang balikat nya. Actually pagnahampas ako mahina lang.

Agad nyang pinalibot ang kaliwang braso nya sa likod ng bewang ko sabay hapit nya sakin paupo sa kandungan nya. Medyo napatalon ako dahil hindi ko akalaing iuupo nya ko ron. Naipatong ko ang braso ko sa batok nya at ang kamay ko'y nasa kanyang balikat. Nakahawak sya sa mesa para masuportahan ang likod ko.

Humalakhak sya at agad hinawakan ang pisngi ko. Bawat haplos nya ay para akong naiinitan. Mainit nanga panahon mas lalo pa ata akong nainitan. Napatingin ako sa paligid, and Thank God! Wala namang nakatingin samin dahil busy sa kakacellphone.

Hinaplos nya ang gilid ng pisngi ko pababa sa ilong ko papunta sa labi. Napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Para akong maiihi sa kiliting ginagawa nya sakin. Haplos pa lang yon. Pano pa kaya kung bigla nya akong kilitiin sa bewang baka maglupasay ako dito. HAHAHAHA!


Napabaling ang mata ko sa kalsada dahil sa narinig kobg kabog ng bola sa sahig. Medyo napatalon ako dahil si Clein yon. Ngumiti sya sakin at kumaway. Kita ko ang pagkalungkot ng mata nya pero ngumiti pa rin. Siguro dahil sa break nila ni Jessa.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now