Page 13

26 15 1
                                    


Naglalakad kami pero walang nagsasalita saaming dalwa. Panay ang sulyap ko sa kanya. Tiim bagang sya habang nakatingin lang ng diretso sa daan. Medyo tinulak ko sya. Napabaling sya sakin na may mariing tingin. "Hoy! Galit ka ba? Kanina ka pala walang imik." Sabi ko at napatigil kaming dalawa sa paglalakad.


Pinasadahan nya ng tingin ang buo kong katawan. Medyo nagulat ako.

Bumitaw ako sa pagkakakapit ko sa kanya.

"Bakit ganyan suot mo? Yung totoo san tayo pupunta?" Iritado nyang sabi.

Nag alinlangan ako. "Edi kung san tayo bibili! San ba tayo bibili?" Tanong ko.

Napailing sya. "Hindi yon ang ibig kong sabihin. Ang point ko... Bakit ka nakashorts tapos make up?"

"Ah!... Nagshorts ako para madaling makapagsukat." Ngumisi ako pero napangiwi rin dahil mas lalong dumilim ang ekpresyon ng kanyang mukha! Wow ha parang uulan ng malakas.


Napahilamos ang palad nya sa kanyang mukha "Maraming tumitingin sayo! Kunti nalang hubaran ka nila!" Frustrated nyang anya.

Ay ang OA naman hahahaha... "Ay sus!... Madali lang naman tayo diba? Saka kasama naman kita" ngumisi pako.

Umiling sya "Next time na kasama moko wag ka magsusuot ng shorts! Saka mas lalo kang gumaganda pagnakaayos." Pahinang pahina nyang sinabi. Umuna syang maglakad. Habang ako naman ay napawi ang ngiti. Pinoproseso ang kanyang sinabi. Dati pa naman ganto na ako magsuot. Pero bakit ngayon, nagkakaganyan sya?

Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan at hindi pa sumunod sa kanya dahil naramdaman ko ang paghigit nya sakin. Napasunod naman ako sa kanya. Napatingin ako sa kamay nyang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko.

Napatigil kami sa paglalakad. Tiningnan ko kung anong tinitingnan ni Clein. Laking gulat ko nang makita ang Girlfriend nyang si Jessa. Tumingin sa nakahawak na kamay ni Clein sa aking palapulsuhan si Jessa. Nakita ko ang pait sa kanyang mata kaya pumasok nalang sya sa kanilang bahay. Tatakbo sana papunta ron si Clein pero bumuhos ang malakas na ulan. Nangatog ang binti ko. Basa na kami. Sumulyap sakin si Clein at hinigit ako papunta sa bahay na masisilongan.

"Potek! Umulan pa!" Bwesit kong ani.

Napatingin ako kay Clein na tulala habang nakatingin sa baba. Binitawan na rin nya ang kamay ko. Ako naman ay nagpunas ng sarili dahil sa natamong ulan. Sya naman ay basa rin. Lumapit ako para sana punasan ang mukha nyang may tumatagatak na tubig pero lumayo sya at sumulyap sakin.

"Ok lang ba kayo ni Jessa?" Tanong ko.

"Nagkakalaboan na kami. At nakita pa nya tayong magkasam." Anya.

Nagsalubong ang kilay ko "Ano naman? Bakit?".

"Nakahawak ako sa wrist mo. Malamang nagselos yon." Anya.

"Magpapaliwanag ako. Ichachat ko!" Puna ko at binuksan ang cellphone ko.

"Wag na! Ako na magsasabi."

"Ito na chachat ko---"

"Ako na! Tara na! Humulaw na." Anya at umuna nang maglakad uli sa kalsada.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now