Dapat ako yung tutulong sa inyo para maging kayo pero nabaliktad. Dahil ikaw na yung tutulong samin para maging kami. That's why, i love my bestfriend.

"Nag reses na ba kayo?" Humarap samin si Rujan, nagtatanong.

D ako nakasagot kaya si Carla ang sumagot, sinagi pako dahil sa gulat.

"Malamang! Maglilibot ba kami kung di pa." Mataray na ani Carla.

"Hahahahahaha... Astig nitong... Carla ba to? Rujan." Tanong ng kasama nya, tumango si Rujan "Astig ah hahaha..." Tumawa pa.

"Matalino yan eh... Pilosopo hahaha..." Tumawa pa ang Rujan at napabitaw sya sakin para sugodin si Rujan. Hinampas hampas nya di naman nanlaban. Tumatawa pa. Hahahaaha... Mga gago

Nakita ko si Mam na parating, gusto ko sabihin kay Carla na nandyan na si Mam kailangan na naming pumasok kaso mas gusto ko atang manatili muna dito sa labas para makasama pa namin si Rujan.

Kaso nakita kami ni Mam kaya agad kaming pinapasok "Pasok na Pasok na..." Anya.

"Mam, di pa naman bell eh hehehe..." Ani ko.

"Gusto mo pang makasama crush mo. Mamaya na yan! Pasok na" anya.

Bat alam ni Mam? Ganon ba ako kahalata para malaman nya?

"Ah Mam, bili lang po ako tubig." Pagdadahilan ko.

"Oh sige sige... Dalian na." Anya.

Tumakbo ako sa canteen. Sumilip ako kung nakatingin ba si Mam pero hindi. Don ako dumiretso sa lababo at naghugas lang ng kamay hahahaha...

Sumunod sakin si Carla. Nandyan rin si Rujan at yung kasama nya. Napatitig ako habang papalapit sya. Ang ganda talaga ng pilik. Nabibighani ako sa pilik nyang malantik at makapal para syang may lahi.

Agad akong siniko ni Carla kaya napabaling ako sa kanya. Umiling sya. Gets kona! Natutulala nananaman ako.

Kaso nakakatakot. Kung magiging kami nga, gusto nya rin ba ako? Totoo kayang magtatagal kami tulad ng sinabi ni Carla?

"Sige pasok na kami! Maonline ka ba mamaya Rizavin?" Tanong nya.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. In-off kona ang gripo. Sa unang pagkakataon titingin ako ng diretso sa kanya at makikipag usap ng normal "Oo, uhm... Sige. Pasok na rin kami." Sabi ko at tumalikod na.

Potek! Potek! Gusto ko pa syang makasama. Sana wala nalang lesson. Ano ba naman yan!

Pumasok na kami ni Carla sa loob. May naganap na quizz. Di ako makafucos, hindi kasi ako nagreview kagabi. Umaasa ako sa stock knowledge kahit wala namang knowledge. Pota lang! Kakatamad kasi mag review. Kahit anong review ko sya yung pumapasok sa isip ko! Potek.

Kinagabihan, nakita kong online sya. Nagchat agad sya sakin.

Rujan:
   Oy, may crush ka ba? Para kasing nahihiya ka kanina. Mukhang crush mo barkada ko haha.

Anong haha? Dapat hahahahaha. Para kasing pilit yung tawa na haha. Dapat hahahaha... Nako! Arte ko no? Wapakeys.

Me:
   Crush? Oo naman. Abnormal ang walang crush no! Hahahahaha... Yung kasama mo kanina? Hindi ah!

Rujan:
   Ah! Kala ko gusto mo reto sana kita hahaha...

Para akong binagsakan ng langit! Ikaw yung gusto ko tapos irereto moko sa iba. Ikaw yung gusto kong ireto sakin, hindi yung iba. Kasi ikaw ang gusto ko hindi sya.

Me:
   Ha? Yaw ko don! Hahahaha...

May hahahaha parin sa dulo kahit masakit yong sinabi mo. Tatawa kahit masakit na.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora