80 ¦ eighty

1K 65 103
                                    

WARNING
May pagka-SPG ang chapter na'to
so, read at your own risk.







-don't forget to vote and comment
for this chapter. thank u ♡



ROSÉ'S POV

Bumaba na ako sa sala namin bitbit ang maliit na maleta ko pagka-receive sa text ni Jimin na nasa labas na raw sya ng bahay namin.

After naming magkaroon ng away noong Wednesday, hindi na kami gaanong nag-uusap. Kumbaga mag-uusap lang kami kapag may kailagan o kung may importanteng sasabihin sa isa't-isa. Of course hindi ako okay sa ganito naming set-up kaso wala akong magawa dahil alam kong galit parin sya saakin hanggang ngayon.

"Alis na ako, ate." Sabi ko sa kasambahay namin.

"Ingat po kayo, ma'am." Aniya at tumango na lang ako.

Lumabas na ako sa bahay namin at nung tumingin ako sa sasakyan ni Jimin, nakita ko syang nakasandal doon. Nakasuot sya ng dark green na beach polo at itim na shorts na hanggang ibabaw ng tuhod nya.

"Hi..." Sabi ko sabay beso sa pisngi nya.

"Hi." Nginitian nya lang ako saka kinuha ang maleta ko para ilagay sa likod ng sasakyan nya.

Sumakay na lang ako sa passenger seat at hinantay syang makabalik.

Grabe..... Hindi man lang ba nya papansinin na blonde na ulit yung kulay ng buhok ko?

"Seatbelt mo." He reminded.

Tumango na lang ako bago mag-seatbelt.

Kaagad kong hinawakan ang isa nyang kamay na nakalagay sa gilid nya kaya napatingin sya saakin.

"Galit ka parin ba?" Malumanay kong tanong.

He just gave me a small smile and softly carresed my cheeks. "Hindi na." Sagot nya.

Pinaandar na nya ang makina ng sasakyan nya kaya umayos na ako ng upo. Tinuon ko na lang sa labas ng bintana ang tingin ko pero muli akong napatingin sa kanya nung nagsalita sya.

"Blonde really suits you better, babe."

JIMIN'S POV

Binaba ko na ang mga gamit namin ni Rosé pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Namjoon.

Kumpleto na kaming lahat at mukhang kami na lang talaga ang kulang kanina kaya hindi parin sila nakaka-alis.

Nasa loob na rin silang lahat ng van dahil excited na raw silang bumiyahe.

"Wow late." Bungad ni Taehyung sa gilid ko.

"Nagpa-vulcanized pa kasi ako ng gulong ng sasakyan. Sorry naman."

"Alam ko, pre. Nabasa ko sa gc." Aniya at tinulungan ako sa mga dala ko.

Sumakay na kami ni Taehyung sa van at nakita kong nasa harap sila Yoongi, Hoseok, at si Namjoon na magda-drive. Nasa unang upuan naman sa likod sila Jin at Jisoo na magkatabi. Sa pangalawa naman umupo si Taehyung at syempre katabi nya si Jennie.

Sa pinakalikod, nandoon naka-upo sa gilid si Lisa katabi kay Jungkook habang nasa isa pang gilid ay doon naka-upo si Rosé kaya doon ako naupo sa gitna nila.

Mas lalo lang umingay lahat sa van nung nagsimula nang mag-drive si Namjoon.

Puro kami tawanan at asaran kahit magkakalayo ang iba saamin. Hindi ko mapigilang hindi lingunin si Rosé na kahit hindi pa nakakalayo ng biyahe, kumakain na agad.

Free Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon