59 ¦ fifty-nine

957 66 73
                                    

JIMIN'S POV

At exactly 5:30 pm, dumating ako sa milktea shop na malapit sa university namin kung saan magkikita kami ni Seulgi. Kinailangan ko pang magpahuli ng labas bago ako makarating dito para lang hindi malaman ng mga kaibihan ko na kikitain ko si Seulgi ngayon.

Apat na araw narin ang nakaraan mula nung umamin si Rosé tungkol sa nagawa nya saakin. To be honest, nakaramdam ako ng pagkadismaya at galit kay Rosé dahil doon kaya mula nong araw na yun ay hindi ko na rin sya kinikibo.

Pero unti-unti kong nari-realized na kaya lang siguro ako nadismaya at nagalit, ay dahil may gusto na rin ako sa kanya at nasaktan lang ako sa mga narinig ko sa kanya.

Inayos ko agad ang upo ko pagkakita kay Seulgi na kakapasok lang dito sa loob at agad na dumirecho sa pinaroroonan ko.

"I'm sorry. Nauna ka pa palang dumating dito kesa saakin." Aniya sabay upo sa upuang katapat ko.

"Ayos lang. Hindi na rin naman ako magtatagal." Sumandal ako sa upuan.

"Uhm... Hindi ka man lang ba mag-oorder? Don't worry, I'll pay for our drinks." Sabi pa nya.

"Just order for yourself. Busog pa ako."

"O-okay... Sige, I'll order muna ah? It may take awhile so mamaya na lang tayo mag-usap once I got my drink." Tumayo sya bitbit ang wallet nya at pumila sa counter.

Napasapo ako sa noo ko. Imbis na mapabilis lang ang pag-uusap namin ay mukhang mapapatagal pa. Hays...

Tinuon ko na lang sa labas ng glass window na katabi ko ang tingin para hindi ako gaanong mainip sa paghihintay kay Seulgi.

Binalingan ko ng tingin ang pulang sasakyan na kaka-parada lang sa tabi ng sasakyan ko.

Nagulat na lang ako na makita kong bumaba si Rosé mula sa passenger seat ng sasakyang tinitignan ko. Bumaba narin yung nag-drive at saka ko lang namukaan kung sino yung kasama nya.

Bakit sila magkasama?

Kinailangan ko pa tuloy umalis sa inu-upuan ko at dumirecho sa cr para lang hindi kami magkita ni Rosé dito.

Nagstay ako ng halos limang minuto sa cr para lang masigurado kong hindi nya ako makikita. Pagkatapos kong mag-hugas ng kamay, lumabas na rin ako at muling bumalik sa mesa namin kung saan nandon na si Seulgi.

Tumingin ako sa buong paligid namin at mabuti nalang, hindi ko sila nakita. Probably sa second floor sila umupo kaya hindi rin sila nagkita ni Seulgi.

"May problema ba, Jimin?"

Tumingin ako sa kanya at agad na umiling. "May tinitignan lang ako." Sabi ko pa bago maupo.

After that, we remained silent for almost half a minute before I spoke to her.

"Kaya ako nakipagkita sayo ngayon para-"

"Alam ko na." Pagputol nya sa sasabihin ko.

"Anong alam mo na?"

Tinignan nya ako sa mga mata at sinandal ang likuran sa upuan.

"Do you want me back?"

"Ano?"

"Narinig mo ako, Jimin. Hindi ka bingi." Sumipsip pa sya sa inumin nya bago magsalita ulit.

"Nabanggit saakin ni Rosé noon na may balak kang makipagbalikan saakin. Kaso lang, may nanliligaw na iba saakin noon kaya hindi ka nakaka-tyempo. Ginamit mo pa si Rosé para pagselosin ako and guess what? It worked. Gumana yon, Jimin."

Free Fall Where stories live. Discover now