64 ¦ sixty-four

968 66 71
                                    

ROSÉ'S POV

Napatulala na lang ako sa screen ng cellphone ko matapos akong babaan ng tawag ni Jimin.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na'to nang dahil sa sinabi nya. Dapat ba akong kabahan? Matakot? Mahiya? Kiligin? Wala... Hindi ko na alam.

"Sismars!"

Nagulat ako nung biglang sumulpot si Jennie sa likuran ko.

"Ang OA mo ah. Para kang nakakita ng multo." Natatawang sabi nya. "May problema ba? Bakit ganyan itchura mo?"

Hinatak ko ang kamay nya at pumwesto kami sa pantry ng kusina nila Jisoo.

"Huy, bakit? Ano meron?"

"Si Jimin kasi eh....."

"Nanaman?! Bakit ba ginugulo ka na nya ngayon? Diba dapat iniiwasan ka na nya after nyang malaman yung nagawa mo?"

"Yun na nga eh... Hindi ko sya maintindihan. Pero Jennie, hindi yun ang problema ko."

"Ano?"

"Nandito sya ngayon... Tumawag sya saakin ngayon ngayon lang. Ang sabi nya, ihahatid nya raw ako pauwi. Anong gagawin ko?"

"Teka ha... So you mean, nasa labas na sya ngayon sa loob ng sasakyan nya habang hinihintay ka?"

Tumango ako.

"Oh shit..." Nag-aalalang reaksyon nya.

"Anong gagawin ko? Dapat ba akong sumama sa kanya? The last time I checked, sinabi ko sa kanya yung mga kasalanan ko habang nasa loob kami ng sasakyan nya... Paano kung iba na mangyari ngayon?"

"Anong iba na? Gaga! Wag kang mag jump to conclusions, okay?" Aniya.

"Ganto na lang... Mag paalam kana kanila Jisoo at Lisa. Sabihin mo pagod ka na, inaantok, ewan! Basta sabihin mo uuwi ka na. Ako na bahala sa kanila pag nagtanong sila. Puntahan mo na si Jimin para matapos na to, okay?"

At yun na nga ang nangyari. Sinunod ko ang sinabi ni Jennie kaya ngayon palabas na ako sa gate ng bahay nila Jisoo.

Randam ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba sa mga susunod na mangyayari saakin.

Dumoble lang ang kaba ko pagkakita ko sa sasakyan ni Jimin na naka-park ng di kalayuan mula saakin. Tumingin-tingin ako sa paligid at lumakad na palapit sa sasakyan nya.

Bumaba si Jimin sa sasakyan nya at umikot papunta sa shotgun seat. Ni-hindi man lang nagtagpo ang tingin naming dalawa kaya medyo nawala ang kaba ko.

Hindi kami nagsalita sa isa't-isa. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa shotgun seat at pumasok naman ako kaagad. Humingi-hinga na lang ako at hinintay syang makabalik.

"Alam ba ng mga kasama mo sa bahay na ganitong oras ka uuwi?" Bungad nya.

Wow ha? Bakit kung makapag-salita sya, para na syang magulang ko? Gosh!

"Uhm... Wala namang tao sa bahay namin ngayon bukod saakin."

Agad syang napatingin sa gawi ko.

Shocks! Bigla kong naalala yung sinabi nya saakin noon kapag wala akong kasama sa bahay... Oh my gosh! Bakit ko pa sinabi yun sa kanya?!

"Mag-seatbelt ka." Malamig nyang sabi.

Tumango na lang ako at kinakabahang nag-suot ng seatbelt.

Nag-start na syang mag-drive ng sasakyan nya kaya medyo nababawasan na yung kaba ko dahil pauwi na kami.

Mula sa bahay nila Jisoo, papasok sa subdivision namin, siguro mga 15 minutes rin ang aabutin bago kami makarating.

At yun na nga..... Matapos ang ilang minutong katahimikan at awkwardness sa pagitan naming dalawa, nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Salamat sa hatid, Jimin. Wag mo nang uulitin to ah. Sa totoo lang, napilitan lang talaga akong sumama ngayon kasi nakakahiya naman kung tanggihan kita." Sabi ko habang nakatingin sa harapan.

"Kahit na tanggihan mo ako sa susunod na gawin ko'to, ayos lang, Rosé."

Kumunot ang noo ko at agad syang binalingan ng tingin. "Jimin naman... Nag-usap na tayo last week diba? Alin ba doon yung hindi mo naiinti-"

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit alam ko na yung nagawa mo, ikaw parin yung gusto ko..."

So sobrang gulat ko sa mga nasabi nya. Hindi na tuloy ako nakapagsalita.
"Sinabi ko na rin sayo noon diba? Willing akong saluhin ka Rosé... Wala na akong pake kahit ano pa yung nangya-"

"Gusto mo parin ba ako kahit nalaman mo na ang lahat ng ginawa ko sayo noon?" Naiiyak kong sabi sa kanya.

Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko kaya napunta ang tingin ko doon.

"Pag sinabi ko bang oo..... Pwede na ba ulit tayong bumalik sa dati?"

Tumulo agad ang mga luha ko kaya agad ko yun pinawi. Hindi na ako nagsalita pa at bumaba na lang sa sasakyan ni Jimin ng walang sabi.

Grabe..... Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdman ko ngayon.

Bubuksan ko na sana ang gate namin pero natigilan ako nang hatakin ni Jimin ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

His eyes was close to bursting in tears pero alam kong pinipigilan nya lang iyon na bumagsak.

"Rosé please..... Bumalik na tayo sa dati." Malungkot nyang sabi dahilan para muli nanaman akong maiyak.

"Jimin hindi nga tayo pwede... Gustong-gusto kong bumalik tayo sa kung ano man ang meron tayo noon pero mahirap nang gawin yun dahil sa nagawa ko sayo."

"Napatawad na kita, Rosé... Bakit ba ayaw mong patawarin yung sarili mo?"

"Kasi hindi ko kaya..... Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimulang patawarin ang sarili ko. Marami pa akong gustong ihingi ng tawad sainyo ni Seulgi pero ang hirap dahil parehas kayong umiiwas saakin."

"Andito ako sa harap mo oh... Rosé okay na. Pinapatawad na kita. Wag mo naman na akong itulak palayo."

Pinawi ko ang mga luha ko at mabilis na napatingin sa itaas at muli syang tinignan.

"Alam mong gusto kita..... Gustong-gusto kita noon pa, Jimin. Pero hindi talaga eh. Hindi tayo pwed-"

He pulled me closer to his arms and shut me up with his soft and tender kiss on my lips.

Nanghina ang mga tuhod ko ng dahil sa ginawa nyang halik saakin. Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang halik nya habang tumutulo ang luha ko...

Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Bakit ang saya-saya ng puso ko?

Nang maramdaman ko ang pagkawala ng labi nya saakin, dinilat ko na ang mga mata ko at muli syang tinignan.

Ngumiti sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para pahiran ang mga luha ko.

"Pwede tayo, Rosé... Magtiwala ka saakin."

_____________________________

luh? kilig ka dyan bhie? HAHAHAHA

hi mga sismars!!!
so skl, balak ko kasing mag-publish ulit ng bagong epistolary book pero jinsoo naman ang bida... tanong ko lang kung bet nyo ba yun? kasi ako bet ko hihi (penge ako sagot kung gusto nyo rin)

so ayun lang... have a nice weekend mga sismars! labyu ol! (・'з'・)♡

Free Fall Where stories live. Discover now