17 ¦ seventeen

1K 71 74
                                    

ROSE'S POV

Sinarado ko agad ang laptop ko at inilayo iyon saakin matapos kong mabasa ang mga pinagsi-send na kagaguhan ni Jimin saakin.

Napakamanhid talaga ng lalaking 'yon. Tss.

Tumayo ako sa kama ko at naghanap ng jacket sa loob ng cabinet. Naka itim na sando lang kasi ako at pulang dolphin shorts kaya naisipan kong mag suot ng oversized hoodie.

Ininom ko muna yung tubig at isang tableta ng gamot na nakalagay sa gilid ng counter table ko saka lumabas ng kwarto.

"May naghahanap sayo sa labas, Rosé." Bungad ng kasambahay namin.

"Sige ate papasukin mo." Sabi ko at bumaba na ng hagdan.

Bigla naman akong kinabahan pagkalabas ng kasambahay namin sa pinto. Pakiramdam ko tuloy may kikitain akong matagal ko nang pinagtataguan.

Pinagtataguan ng feelings.

Pumasok si Jimin sa pinto bitbit ang backpack nya. Nginitian nya ako kaagad nang magtama kami ng tingin.

"Hi." Bati nya.

"Hello." Sagot ko.

Tinanggal nya ang suot nyang rubber shoes at medyas saka inilagay iyon sa gilid. "Painom naman ng tubig oh." Sabi pa nya at pinaypayan ang sarili gamit ang tshirt nya.

"Teka lang." Pumunta ako sa kusina namin saka kumuha ng baso at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagulat na lang ako nung biglang hablutin ni Jimin saakin yung baso pagkatapos kong magsalin ng tubig doon.

Dire-direcho nya yon ininom na para bang isang linggo syang na-dehydrate.
Napatingin ako sa adams apple nya at napalunok lang rin ako ng makita ko yun gumalaw.

Nakatulala lang ako sa gilid nya habang hinihintay syang maubos yung tubig. He side-eyed on me kaya mabilis kong nilayo ang tingin sa kanya at sinarado ang ref.

Rosé, umayos ka nga!

"Salamat." Binalik nya ang baso saakin ng nakangisi.

Napa-irap ako sa kanya at nilapag yung baso sa hugasan. Binuksan ko ang ilaw sa dining area namin saka doon umupo. Umupo rin si Jimin sa tapat ko.

"Nilalagnat ka parin ba?" Tanong nya.

"Pake mo? Doctor ka ba?"

Napa-awang ang labi nya sa sinabi ko.

"Galit ka ba saakin?" Natatawa nyang sabi.

"Hindi ah. Bakit mo nasabi?"

"Nagtatanong ako ng maayos tapos ginagago mo'ko ng sagot." Umiling sya at sumandal sa upuan.

"Totoo naman eh. Ano bang pake mo?"

"Hindi kita girlfriend kaya wag mo'kong artehan dyan, Rosé."

Aray ha. Harap-harapan na talaga akong sinasaktan ng lalaking 'to.

"May sinabi ba ako?!" Inirapan ko sya.

"Akin na nga yung mga gamit ko!" Padabog akong tumayo at lumakad papuntang sala. Narinig ko pa ang pagtawa nya sa likuran ko kaya lalo lang ako nairita.

"Oh ayan." Binagay nya saakin yung tatlong notebook at isang libro ko. "Kahit wag mo munang gawin yan. Wala namang pasok bukas eh. Magpagaling ka muna."

"Wow concern." Bulong ko sa sarili ko.

"Concern ako kasi may kailangan ako sayo."

Kumunot agad ang noo ko sa sinabi nya.

"Tungkol doon sa sinabi mo kahapon. Gusto ko na palang gawin yun. Kailagan ko ang tulong mo."

"Anong kailangan mo saakin?" Kinakabahan kong tanong.

"I want Seulgi back."

Parang unti-unting sinasaksak ang puso ko nang dahil sa mga sinabi nya. Buong akala ko naka-move-on na sya sa pinsan ko. Akala ko pa namang kakalimutan na nya yung inoffer ko sa kanya kahapon dahil ang sabi nya hindi na nya gusto ang pinsan ko.

Akala ko may chance na ako.....

"Sabi ko na eh!" Nakangiti kong pinalo ang gilid ng braso nya. "Napakasinungaling mo talaga. Kaya minsan hindi ako naniniwala sayo eh." I even laughed at him to hide my real reaction about what he said.

"So, ano? Tutulungan mo ba ako?"

"Syempre naman."

Nagulat ako nung bigla syang umakbay sa balikat ko. "Buti na lang talaga kaklase at kaibigan kita. Mas mapapadali."

Inalis ko agad yung kamay nya sa balikat ko. "Sige na. Umuwi ka na. Bukas mo nako kausapin kasi magpapahinga ako ng sobra." Palusot ko.

"Sige. Magpagaling ka ah? Sorry talaga dahil nagkasakit ka." Malungkot na sabi nya.

"Sira! HAHAHAHA! Dapat nga pasalamatan pa kita dahil ngayon lang ulit ako nakatulog ng more than 12 hours eh."

"Seriously, Rosé. Magpagaling ka na. Ayokong hindi kita nakikita tulad nung kanina. Nag-alala talaga ako sayo ng sobra."

Lecheng to! Mas lalo lang talaga akong nahuhulog dahil sa mga sinasabi nya. Tss...

"Sige na, umuwi ka na." Sabi ko at hinatak na sya palabas.

Sinuot na nya ang backpack nya pati yung hunubad nyang medyas at sapatos saka lumabas. Hinatid ko sya sa gate namin at nang maka-alis na sya, bumalik na ako sa loob ng bahay namin at sinarado ang pinto.

Kinuha ko ulit yung mga inabot nyang gamit ko saakin kanina at pinagmasdan iyon.

"Ang sakit mo talagang mahalin Jimin." I said to myself.

____________________

sinabi ko naman na sa unang chapter nitong free fall na may halong drama ang librong to. ngayon kung ayaw nyo ng ganun, bye na sis! HAHAHAHA

Free Fall Where stories live. Discover now