49 ¦ forty-nine

1K 59 53
                                    

ROSÉ'S POV

Friday na ngayon at kakatapos lang ng klase namin kaya ibig sabihin lang non ay wala nanaman kaming pasok kinabukasan kaya naman ngayong araw namin naisip ni Jimin na mag-date.

Medyo marami pa ang kasama namin dito sa loob ng classroom at kasama doon ang mga kaibigan namin kaya naman naghihintay muna kami ni Jimin hanggang sa maka-alis na sila bago kami lumabas.

"Di ka pa ba uuwi?" Tumabi si Lisa saakin sa bakanteng upuan na pagmamay-ari ni Taehyung.

"Una na muna kayo, may dadaanan pa kasi ako eh." Nginitian ko sya at inayos ang laman ng bag ko.

"Okay, bye. See you on Monday." Aniya at bineso ako sa pisngi.

Sunod na nakipag-beso saakin ay sila Jisoo at si Jennie na may alam sa totoong dahilan kung bakit hindi pa muna ako uuwi.

"Goodluck sa date nyo, pokpok."

Mahinang bulong nya saakin at nang samaan ko sya ng tingin, natawa lang si gaga at lumabas rin agad kasama sila Lisa at Jisoo.

"Let's go?"

Agad akong tumingin sa liluran ko at nakitang nakatayo si Jimin sa gilid ko. Tinaasan nya ako ng kilay at halatang hinihintay nya ang sagot ko.

"Sige, tara na."

Habang naglalakad kami papuntang parking lot sa university, magkalayo kami sa isa't-isa dahil alam naming marami nanaman ang makiki-chismis pag nakita nila kaming magkasama.

Alam ko namang hindi ko na dapat pinapansin ang mga ganong bagay dahil sa totoo lang, wala naman talaga akong pake sa kung anong sasabihin nila. Ang tanging problema ko lang ngayon, ay baka may makarating na kung anong chismis sa pinsan kong mukhang may balak na makipag-balikan kay Jimin.

Sana hindi totoo iyon...

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkasakay dito sa loob ng sasakyan nya.

"Kahit saan, basta kasama ka." Sabi nya at nginisian ako.

"Corny mo gago." Inirapan ko sya at nagsuot na lang ng seatbelt.

"Na-gago pa ako. Tss....." Sabi pa nya bago simulan ang pagdadrive ng sasakyan.

"Nagtatanong ako ng maayos tapos hindi mo siniseryoso yung sagot."

"Seryoso ako, Rosé."

Napatingin tuloy ako sa kanya.

Minsan talaga hindi ko na maintindihan kung ano ba talagang nangyayari saaming dalawa. Minsan okay kami, minsan mag-kaaway, at minsan para kaming mag-jowa dahil sa mga ginagawa nya.

Sa totoo lang hindi ko rin alam in the first place kung bakit ako pumayag na makipag-date sa kanya.

Buong akala ko, kaya ko syang iwasan ng matagal at kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya, pero bandang huli, lalo lang yata akong nahuhulog sa lalaking 'to...

"Alam mo kung nakakamatay ang tingin, kanina pa siguro ako hindi humihinga dito."

Biro pa nya kaya naman agad kong iniwas ang tingin sa kanya at binaling iyon sa labas ng bintana.

Free Fall Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ