39 ¦ thirty-nine

1K 61 74
                                    

ROSÉ'S POV

Panandaliang nanlaki ang mga mata ko sa gulat pagkababa ko dito sa kusina ng mansyon nila Taehyung at bumungad saakin si Jimin na umiinom ng tubig sa harap ng ref.

Buong akala ko ay nagbibiro lang sila Namjoon at Yoongi kanina nung sinabi nilang nandito daw si Jimin at nakikipaglaro ng video games kanila Jungkook at Jisoo dito sa isa pang kwarto sa first floor.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong pake kung nandito sya o wala. Hindi ko naman na sya kinikibo ng ilang linggo kaya nasanay na rin ako. Kumbaga nagkikibuan lang talaga kami pag kailangan.

Nakatalikod sya saakin kaya malamang hindi nya alam na andito ako. Pumunta ako ng di-kalayuan sa gilid nya at kumuha ng baso sa lalagyanan.

Nagulat ako nung biglang nai-buga sa sahig ni Jimin yung tubig ni iniinom nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Humarap sya saakin at nanlaki ang mata nya nang makita ako.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at umarteng walang nakita sa nangyari.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, kita parin sa peripheral vision ko ang ginagawa nya.

Nilapag nya ang baso sa breakfast table at sinarado ang ref ng hindi inaalis ang gulat nyang tingin saakin.

Bakit ba ganyan ang reaksyon nya?

"Excuse me."

Mahinang sabi ko at dumaan sa gilid nya para kumuha ng iced tea na tinimpla namin kanina.

Umusog sya ng onti kaya naman binuksan ko na yung ref at nagsalin ng inumin doon. Sinarado ko yun pagkatapos at humarap na sa kanya.

Kumunot ang noo ko. "May sasabihin ka ba?"

"Ah, hinde, w-wala." Sagot nya kaya tumango na ako at lumakad na palayo.

"Uhm... Rosé!"

Natigilan ako sa paglalakad nung bigla nyang tinawag ang pangalan ko kaya muli ko syang hinarap. "Bakit?"

"Okay ka lang ba?"

I blinked exactly three times right after I heard his question. "Oo naman." Sagot ko at napilitang ngumiti.

"Ah, s-sige." Sabi nya at bahagyang napahawak sa batok nya. Mukhang pinagsisihan nya kung bakit pa nya ako tinanong. Tss...

Bago ko sya tuluyang talikuran, sinabi ko na sa kanya yung mga salitang gusto ko nang sabihin na halos ilang araw ko ring pinag-isipan kung sasabihin ko pa ba o hinde.

"Congrats nga pala." Sabi ko.

"Ha? Anong congrats? Saan?"

"Congrats dahil nagkabalikan na pala ulit kayo ni Seulgi."

JIMIN'S POV

"Tangina, sinong siraulo ang nagsabi ng fakenews na yun sa kanya?" Iritadong sabi ko kay Taehyung na katabi ko dito sa sofa.

Maingay ang paligid namin dahil malakas ang tugtog sa speaker na sinamahan pa ng ingay ng bunganga nila Jisoo, Jin, at Jungkook na naglalaro ng ml sa kabilang sofa dito sa guest room na tutulugan namin nila Jin at Jungkook.

"Kung ako si Rosé, iisipin ko rin nagkabalikan na kayo ni Seulgi."

"Kase?"

"Kase lagi na kayong magkasama at nag-uusap. Tss..." Inirapan nya ako.

Totoo namang okay na kami ni Seulgi ngayon. Nakakagulat lang na bigla na lang sya nangamusta saakin noong isang linggo. Mag-kaibigan na kami ulit ngayon pero hindi ibig sabihin na kami na ulit.

Free Fall Where stories live. Discover now