29 ¦ twenty-nine

1K 68 41
                                    

ROSE'S POV

"Sure ka ba talaga dito?"

Naguguluhan kong tinignan ang buong itsura ko sa tapat ng vanity mirror ni Jennie dito sa kwarto nya.

"Nagrereklamo ka ba, sismars?" Tinaasan nya ako ng kilay.

Napa-buntong hininga na lang ako at umiling. Sa totoo lang, kung hindi sinabi ni Jennie saakin na kasama rin sila Lisa at Jisoo, hindi talaga ako sasama sa party. Ano bang magagawa ko? Kaibigan ko sila kaya kailangan ko silang samahan.

"Hindi. Maganda nga actually."

"Yun naman pala eh! Saka ano bang nangyari sayo? Never ka naman nagreklamo sa mga ayos ko sayo noon ah. Bakit ka nagkakaganyan?"

"Anong bakit ako nagkakaganito?"

"Something's wrong with you this past few days. Hindi ka na katulad ng dati mong sarili you know? Yung masayahin, maingay, at pala-asar na Rosé. Nasan na yun?"

"Hindi naman nawala yun eh. Nakatago lang sya." Sabi ko at natawa.

Binuksan ko ang cp ko para i-chat sila Jisoo na susundo saamin dito at sabihing ready na kaming umalis. Natigilan lang ako nang muling magsalita si Jennie.

"Si Jimin ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?"

Agad kong dineny ang sabi nya.

"Of course not."

"Wow ha, saakin ka pa talaga nagsinungaling eh alam ko lahat ng pinagdadaanan mo sa kanya?" Inirapan nya ako.

"Okay fine... Sya nga."

"Bakit mo ba kasi naisip na tulungan syang makipagbalikan sa pinsan mo? Alam ko namang guilty ka noon, pero tama bang gawin mo yan sa sarili mo? Emotional torture sayo yan Rosé."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya.

"Rosé..." Jennie held my hand and speeze it gently. "I-let go mo na yang feelings mo sa kanya... Alam mo naman siguro sa sarili mo na ikaw at ikaw rin ang magsu-suffer sa dulo diba?"

"Wag kang mag-alala Jennie. Alam ko yun at handa ako doon." I answered and let out a small smile.

"You guys are here! Pasok kayo!" Nakangiti kaming sinalubong ni Suho pagkapasok naming apat dito sa napakalaki nilang bahay. Mansyon, to be exact.

Dim ang mga ilaw at may party lights kaya parang nagmukhang club ang bahay nila kasama nung malakas na tugtog sa speakers nila na nakakabit sa mga pader.

Maraming tao rin akong namumukaan na andito sa loob, karamihan mga schoolmates namin.

Sana lang hindi ko makita dito yung iniiwasan ko.....

"Thanks for having us, Suho." Sabi ni Jennie sa kanya. "By the way, these are my bestfriends. This is Lisa, Jisoo, and Rosé." Pagpapakilala nya saamin.

"Of course kilala ko sila." Tumawa sya at napunta ang tingin nya saakin.

"Rosé Park, right?"

Tumango ako.

"Ikaw yung pinsan ni Seulgi Kang diba?" Tanong nya at tumayo sa gilid ko.

"Oo... Bakit? Andito rin ba sya?"

"Actually I also invited her to come pero nag-back-out sya kanina lang. Masama daw pakiramdam." Sagot nya at tumango na lang ako.

Napunta bigla ang tingin ng mga kaibigan ko saakin. Hinihintay nila akong magsalita pa pero tinaasan ko lang sila ng kilay kaya sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin saakin.

Free Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon