Chapter Twenty-four - (Forbidden Forest)

Start from the beginning
                                    

"Kailangan po namin ang tulong niyo Ade." Wika ni Rouel. Napataas naman ang mga magagarang kilay nito at tinapunan ng tingin si Rouel. She seems to hate him, or maybe it is just her facial expression.

"Ano naman ang tulong na maibibigay ko sa prinsepeng Agre? Isa lamang akong mangagamot."

"Kailangan po naming pumasok sa hardin ninyo, may mission kaming kailangang gawin para maibalik na sa dati ang buong Elenos, we need your help to save the world." Npalunok ito at napahawi ng buhok at inayos ang kanyang tipido.

"Ah ganon ba? Ano naman ang gagawin niyo sa hardin ko?"

"Nandoon po ang daan patungo sa nakatagong bundok ng mineryang na tinatawag ngayon na Forbbiden forest." Agad niyang tinanggal ang kanyang salamin at napa-ayos ng tayo.

"Paano mo nalaman iyon?" May takot sa mga tinig nito. Napasingkit naman ang mga cute kong mata dahil sa sinabi niya. She knew it.

"Alam po ninyo ang tungkol don?" Wika naman ni Iamae.

"I've been protecting that portal for decades, dahil mapanganib ang lugar na iyon. Sabihin mo kung bakit mo alam ang tungkol doon."

"I was there once, noong pinalibot niyo samin ang buong hardin at nakita ko iyon sa may pader."

"Ade!" Napalingon kami ng biglang bumukas ang pintuan ng silid.

"Honeylyn, bakit anong nangyari?" Humahangos ito at parang natatakot.

"Inaatake po ang mga estudyante ng mga bugad. Nagkakagulo po ngayon sa buong Sozu."

"What?" Katulad ko ay bakas sa mga mukha ng mga kasama ko ang pagkagulat at pagkabahala. Bakit ngayon pa?

"Gawin niyo ang nararapat na gawin. Mag-ingat kayo sa lugar na iyon." Sabi niya at binalingan si Rouel.

"Tayo na." Sabi ng ade kay Honeylyn at lumabas ng silid.

"Magmadali tayo." Wika ni Rouel at agad na binuksan ang pintuan na nasa dulo lamang ng Room. Sumunod kami sa kanya at tumambad sa amin ang malaking espasyo ng hardin. I've been here before, pero parang bago lang sa akin ang tanawin dahil sa ganda nito.

Dumeretso naman si Rouel sa may gilid ng pond at hinawi ang mga dahon na naroon. Tumambad sa amin ang isang tunnel na madilim na nagpakilabot ng buong sistema ko. Pumasok si Rouel dito at sumunod din sa kanya si Ritche. Nagkatitigan pa kami ni Iamae bago sabay na pumasok dito. Ang weird ng lugar na ito.

"Rouel?" sabi ko dahil wala akong nakikita.

"I'm here." Nabigla nalang ako ng may mga kamay ang humawak sa braso ko. Agad akong kumapit sa kanya at hinila ang gilid ng shirt niya.

"Don't worry, kumapit ka lang sakin." Sabi niya at naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa noo ko.

"Sigurado ka ba dito?" Narinig kong tanong ni Iamae. I can't see them dahil sa dilim. Tanging mga tunog lamang ng mga hakbang namin ang maingay at mga insektong siguradong nasa malapit lang. Hindi ba kami madadapa dito? Baka may bangin at hindi namin makita, mahirap na.

"Yes, I can feel the energy." What energy?

"Nararamdaman ko rin iyon, kakaiba ito." Wika din ni Ritche.

"Eh kilabot lang yong nararamdaman ko eh." Sabi naman ni Iamae. Gosh, magkakasundo tayo Iamae. Totoo naman kasi na nakakakilabot yung mga tunog ng paligid at iyon lang nararamdaman ko. I don't know what is waiting for us out there in that forest. Gumawa ako ng apoy sa gamit ang kamay ko kaya nag-aalab ngayon ang kamay ko. Bobo ko rin eh, ngayon ko pa to naisip.

"That's better Ellysse, ba't ngayon mo pa yan naisip." Sabi ni Iamae. I can see them now. Magkahawak kamay sina Iamae at Ritche at nasa unahan namin.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now