Chapter Three - (The Twig and the Rock)

98 14 1
                                    

Chapter 3

Hindi natin kontrolado ang takbo ng panahon, we cannot predict the things to happen in every single bit of our life. Ang alam lang natin ay linalakbay natin ang daan patungo sa magandang buhay. At the moment we don't know what will happen next, we just know that we intended to do the right things and make the best out of it.

Hindi niya alam kung ano o sino ang naghihintay sa kanya sa lugar na iyon. Ang alam lang niya ngayon ay dapat niyang malaman kung sino siya at kung ano ang totoo. He might think it in a crazy way dahil lahat naman talaga ay parang panaginip lang and he didn't know kung paano gumising mula sa panaginip na ito.

"Blue? Wala kabang napapansin na parang may sumusunod satin?" Tanong ni Alex na nakasunod lang kay blue. Pangalawang araw na ngayon sa kanilang paglalakbay patungong elenos at hindi mapalagay si Rouel dahil pakiramdam niya ay may mga matang nakamasid sa kanila at mga hakbang na nakasunod sa kanila. Si blue ay patuloy lang sa paglelead ng daan at hindi pinansin ang sinabi ni Alex. Alam niya na kanina pa mayroong sumusunod sa kanila at pinapakiramdaman lang niya ang mga kilos nito, hinahanda ang sarili kung sakaling kalaban ito at umataki sa kanila. Alam din niya na ito din ang nagmamasid sa kanila sa nagdaang gabi sa maliit na kweba kaya palaging alisto ang diwa niya sa kahit na anong mangyari.

"Are you even listening to me?" Huminto si Blue kaya huminto rin si Alex. Humarap ito sa kanya at hinila siya nito at dinala sa likod nito.

"Lumabas ka kung ayaw mong masaktan." Humawi din naman ang mga damo at lumabas doon si Beth na hindi din alam ang gagawin.

"Beth?" Napangiti ito ng maasim at itinaas ang kanang kamay.

"Ah, Hi?"

"You were following us here? Bakit, why?"

"I'm sorry, I don't know pero kusa nalang akong sumunod sa inyo at tsaka wala na din naman akong mapupuntahan." Ani Beth.

"I told you to wait someone there. May dadating sayo sa bahay para tulungan ka."

"Just let me go with you please? I know may kinalaman to sa pagkamatay sa mga magulang ko kaya gusto ko din pumunta doon." Pagpupumilit parin nito.

"Hindi iyon maari, isa kang tao at bawal ka doon." Agad na tugon ni Blue dito.

"Look, she's following us from home at ang layo na nang nilakbay natin Blue, can we just let her go with us?" Napailing si Blue. Wala siyang tiwala sa mga tao at hindi maganda ang pakiramdam niya sa dalaga.

"Please, for me." Hindi sumagot si Blue sa halip ay tumalikod ito at nagpatuloy sa paglakbay. Wala siyang balak makipagtalo kay Alex dahil napakatigas ng ulo nito.

"Hey! Blue," tawag niya ditto.

"Magpatuloy na tayo, hindi tayo maaring magtagal sa Bundok na ito dahil delikado dito." Sabi nito habang dinadayo ang daan palayo sa dalawa.

"Is that a yes? Yohooo, Let's go. Hintay!" Napangiti nalang si Blue sa tago pero hindi parin nawawala ang alisto niya para sa dalaga. Gusto lanag niyang maging ligtas ang pagbalik ng mahal na prinsepe sa kaharian na ayda niya. Sa mahigit na dalawampong taon ay ngayon lang niya nakita at nakasama ang ayda niya dahil binalot si Rouel ng kapangyarihan para makapamuhay ng normal sa mundo ng mga tao. Kaya hindi siya nakalabas sa kalooban ni Rouel, nakalabas lang siya dahil ginamit ni Terry ang natitirang lakas nito para makalabas siya at dalhin ang prinsepe ng ligtas pabalik sa Agresia.

Masayang naglalakbay si Alex dahil sa wakas ay hindi na mangangamoy ang bibig niya dahil may nakakausap na siya. Ang tahimik lang kasi ni Blue kahapon at nagsasalita lang ito kapag tinatanong niya. Kaya nababagot siya sa buong araw nilang paglalakbay kahapon at ngayon ay may kausap na siya sa wakas kaya natutuwa na rin siya na nandito si Beth. Binabalot kasi ng kaboringan si Blue.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin