Chapter Twenty- (The North Air Tribe of Agresia)

38 9 0
                                    

Chapter 20

Nakatingin lamang siya sa isang babae na nakasoot ng isang magarang besteda na kulay itim, nakatalikod ito sa kanya at nilalaro ang mga gintong palaso sa mga kamay nito. Iniyuko niya ang ulo niya bilang pagpugay dito.

"Mahal na Feti, ipinatawag niyo po ako?" Humarap ito sa kanya in a graceful way. Halata ang pagiging makapangyarihan kapag ito ay tumingin. Parang hinihigop ang hininga niya sa bawat galaw nito.

"Nakakalimutan mo na yata, hindi mo na ako dinadalaw dito Louise. Halatang abala ka sa paghahanap ng prinsepe. Mabuti kung ganoon, para siya na ang mamuno sa buong nasasakupan at mamuno sa buong elenos." Napalunok siya dahil sa sinabi nito, hindi lang dahil sa takot kundi dahil din sa galit.

"Hindi ko po nakakalimutan iyon, Feti." Sabi niya na may pang-uuyam sa sarili.

"Nalalapit na ang araw, hindi na ito mapipigilan pa ng kahit na sino, kahit na ang mga panginoon pa ng mga elemento. Even Allyssia and Jessica."

"Tama po kayo, mahal na Feti, handang-handa na po ang mga tauhan natin."

"Kailangan ko pa ng mga pagpugay at mga dasal para mas lalo pa akong lumakas. Let them praise me, and I will gain more power." Nakakakilabot ang mga salita nito, maging si Louise na siyang kinakakatakutan ng lahat ay tumataas ang balahebo niya sa mga salita nito.

"Masusunod panginoon." Napangiti ang babae at itinaas nito ang kamay hudyat na pinapaalis na siya nito. Agad niyang tinungo ang labasan at inis na iniwan ang lugar na iyon. Hindi maari, hindi niya hahayaan na si Rouel ang maghari sa buong elenos, siya ang karapat-dapat sa posisyon na iyon at hindi ang pipitsuging bata na iyon. Napahinto siya ng makita ang lalaki na patungo kung saan siya galing.

"Ama, anong ginagawa niyo dito." Parang gulat ito ng makita siya na narito. Tinig nan nkiya ito ng may panunuri.

"Ako dapat ang magtatanong sayo niyan Reniel, bakit ka naparito?" Napalunok ang binata sa tanong nito, hindi alam kung ano ang isasagot dito.

"Magbibigay pugay po ako sa mahal na Feti." He smirked to what he said.

"Ganon, kumusta na pala ang prinsepe? Bantayan mo siya ng mabuti, kailangan natin siya sa mga balak natin." Napatango lamang ang binata at napatungo ang ulo.

Sa kabaling bahagi naman ng Agresia, sa tribo ng bahaging Norte. Nakatanaw lang sa itaas ang isang matanda at parang may nararamdaman na kakaibang hudyat. He motioned his hand at isang agre ang lumapit sa kanya at nagtanong.

"Ano po iyon mahal na hari."

"I can feel the whisper of the wind, may paparating tayong mga mahahalagang bisita."

"Sino po ang mga tinutukoy niyo."

"He is the most important elenian of our kingdom and to the whole elenos, gather the sorcerers and open the barriers." Nalilito man ay tumalima agad ang magiting at matapat na agre.

(Rouel Alexis' PoV)

Patungo kami ngayon sa norteng bahagi ng Agresia kung saan naroon si lolo dhen. Natutuwa ako dahil mayroon pa pala akong lolo. Buong buhay ko ay si mama terry lang ang nakakasama ko at hindi man lang ako naging curious noon sa mga kapamilya ko. And now, I'm grateful to know that I still have these older fellow na pinagmulan ng aking ama na siyang pinapangarap ko dati.

Iniisip ko ngayon kung ano ang magiging mukha niya, siguradong puro kulubot na ito gayong mahigit isang daan at limampong taon na ito. Iba nga talaga dito sa mundo ng mga Elenian keysa sa mundo ng mga tao. Iba sa nakasanayan ko, but the people here is no difference with them. Lahat ay may kanya-kanyang motibo sa kapangyarihan at kasakiman. You can have friends and you can have enemies.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now