Chapter Eight - (SOZU)

67 11 2
                                    

Chapter 8

Sozu was built to train every elements. The school will molds the abilities of every elenian and teach them how to control their elements. Every Kingdom of elements have different buildings. They are separated to avoid chaos when they are practicing.

"Mag-iingat ka doon anak, ipakita mo sa kanila na mali ang nakasaad sa propesiya." Sabi ni Haring Junhnel sa anak na nakatingin parin sa dalawang malalaking kabayo na may pakpak. Manghang-mangha ito sa nakikita. Napangiti na lamang ang hari sa tinuran ng anak.

"Huwag kayong mag-alala papa, kaya ko naman ang sarili ko. Nakarating nga ako na ako lang dito sa Agresia, I'll be better off with myself there." Saad ni Alex habang nasa hayop parin ang tingin.

"Right, I'm just glad na nandito kana Rouel, Anak." He turn his gaze to his father. He smiled purely to him. He instantly gave his father a warm hug. A hug na ngayon lang niya naranasan sa isang ama.

"Ako rin papa, masaya rin po ako na malaman na may pamilya pa pala ako at ama na katulad niyo." Mas lalong hinigpitan ng ama ang yakap habang hinahagod ang likod niya. He feels warmth. Ngayon lang niya naranasan ang yakap ng isang ama, at ang ganda pala. Sa huli ay bumitaw na sila sa yakap. Hindi maipagkakaila sa mukha ng ama ang saya na nandito na ang anak at nakakapiling na niya. He missed him so much.

"Reniel, protektahan mo siya doon, sayo ko ipagkakatiwala ang anak ko, ang mahal na prinsepe."

"Makakaasa po kayo mahal na hari." Tugon ni Reniel na nakatanaw lang sa kanilang dalawa.

Sumakay sila sa sled na nasa likod ng kabayo at lumipad paitaas. Ganon din ang mga tagapagbantay niya ay naksunod din sakay sa mga Agila nila. How he wish na may agila din siya.

"Whoaah!" Alex was even more surprised. He saw the breathtaking scenery of the whole kingdom.

"Napakalaki pala talaga ng palasyo at ang ganda." Hindi siya makapaniwala na mayroong lugar pala sa buong mundo, kung saan siya isinilang. Ang mundo kung saan siya nababagay. Elenos.

Maya-maya pa ay may nakita silang malalaking mga gusali. Para rin itong isang palasyo. Mga lumilipad na mga dragon at mga agila ang makikita sa paligid ng buong Sozu. Iba't-ibang mga kulay na nagpapaganda ng buong paligid, buhay na buhay. May nakikita rin siyang mga lumilipad na mga elenian na may mga pakpak.

"Wow! Look at them, they have wings." Turo niya sa mga lumilipad na mga Elenian.

"Eros ang tawag sa kanila, mula sa Erosia." Sabi ni Reniel ng makalapag na sa lupa ang mga kabayo.

"They are like fairies." He uttered. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Reniel.

"Welcome to Sozu, mahal na prinsepe." At inilahad niya ang kanyang kamay paitaas turo ang buong Sozu.

Maraming mga Elenian ang napapatingin sa kanya. Nagbubulungan ang mga ito. Napalingon si Alex sa limang tagapagbantay niya na nakasunod lamang sa kanila ni Reniel. Now he knows why.

"Pwede bang pauwiin mo sila Rene? Pinagtitinginan nila tayo oh."

"Hindi maari mahal na prinsepe, Kabilin-bilinan ng mahal na hari na protektahan ka. At saka hindi naman sila ang dahilan kung bakit pinagtitinginan tayo o ikaw. Alam na kasi nila na buhay pa ang prinsepe ng agresia at kita nila iyon sa marka mo." Sabi ni Reniel sa kanya.

"Is it a big deal?" Tanong niya rito.

"Alam ng lahat ang tungkol sa nakasaad sa propesiya. At ngayon na nakabalik ka na ay nababahala ang lahat." Sandali ay lumungkot ang isipan ni Alex. Kinamumuhian ba siya ng lahat ngayon? Hindi niya mawari kung ano ba ang kaya niyang gawin para ganoon na lamang ang takot ng mga ito sa kanya. Is he really a threat to the whole Elenos? What is he capable of? Sandali ay hindi natahimik ang isip niya kung bakit. At the end, he cheered up himself and console her mind from the negative thoughts. Kailangan niyang maging positibo sa ngayon and enjoy his first day of class here in soju.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now