Chapter Fourteen - (The Gods.)

44 12 2
                                    

Chapter 14

Kakalapag lang ni Fury sa lupa sakay ang prinsesa ng Dreroa. Walang expression na makikita sa mukha nito, malayo ang mga tingin at walang gana na bumaba sa daragon niya. May mga galos ito ngunit parang wala lamang ito sa kanya. Nakatanaw lamang sa kanya ang hari na namumula sa galit dala ng pag-aalala dito. Lubha talaga itong nag-aalala sa pagkawala nito sa palasyo sa kabila ng nangyayari ngayon sa buong Elenos.

Dumeretso lamang si Ellysse sa kwarto niya at nakasunod sa kanya ang kanyang egan na si Angelica. Sa isip ng egan niya ay talagang malalagot ito sa ama niya sa ginawa niyang pagtakas sa palasyo gayong mahigpit nitong pinagbabawal na lumabas siya ng walang kasama.

Pagdating sa silid ay hidni mapalagay si Ellysse at hindi mapigilan ang sarili na mag-alala kay Alex. Siguradong malubha ang natamo nitong sugat na pwede nitong ikamatay. Hindi niya napigilan ang sarili kanina na mapaiyak, hindi niya alam kung bakit pero hindi niya kayang makita ito sa ganoong posisyon na nasasaktan at nahihirapan.

"Ano po bang nangyari, prinsesa? Lubha kaming nag-aalala sayo lalo na ang iyong amang hari."

"Hindi maaari, kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman ang kalagayan niya." Palakad-lakad ito sa paligid at hindi mapakali.

"Ano po? Maupo po muna kayo. Ako ang nahihilo sa inyo eh."

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang hari na umuusok sa galit.

"Where have you been, young lady. Hindi mo ba alam na sumasalakay na ang mga bugad. Yet, umalis ka ng walang pasabi at walang kasama. Paano kung napahamak ka ha?" Napayuko na lamang si Ellysse dahil alam niyang pinag-aalala talaga niya ang ama ng husto.

"Patawad po."

"No sorry, mula ngayon ay hinding-hindi kana pwedeng lumabas sa palasyo, kung saan ka pupunta ay dapat may laging nakasunod sayo."

"What? Para napo akong bilanggo non ama."

"It's better to be like that, Dominique, bantayan niyo siya." Sabi nito at lumabas na agad sa palasyo. Sumunod na lumabas ang dalawang kawal, at siguradong nagbabantay ito ngayon sa labas ng kwarto.

"Ano na ang gagawin ko ngayon?" Parang walang buhay na napahiga siya sa kama niya at nagtalukbong.

"Eh, kasalanan niyo naman kasi prinsesa eh." Napabangon si Ellysse and squat on her bed.

"Tulungan mo'ko please."

"Huh? Ano po iyon?"

"Kailangan ko siyang makita, tulungan mo'kong makalabas."

"Ano? Gusto niyo bang mamatay ako? Pag nalaman ng iyong ama na tinulungan kitang tumakas ay talagang malalagot ako."

"Please, I just have to see him if he is okay tapos babalik agad ako."

Sa kabilang panig, namumuo ang galit ngayon sa buong Sistema ni Louise, muntik ng mapatay ang prinsepe kaya galit na galit siya. Hindi maaaring mamatay ang prinsepe dahil kailangan pa niya ito sa mga balak niya.

"Mga wala kayong silbe! Mga mangmang." Inisa-isa niyang sinakal ang mga bugad na nasa harap niya hanggang sa maabo ang mga ito. Hindi niya mapigilan ang galit niya ngayon dahil muntik ng masira ang mga plano niya.

Nakatanaw lang sa kanya ang isang elenian na manghang-mangha sa nakikita.

"Ano na ang balita?" Tanong ni Louise dito.

"Marami ng namatay na mga elenian subalit ayaw parin nilang pumanig sa inyo."

"Akala ba nila na mapipigilan ng prinsepe ang nakatadhana? Mga mangmang, ngayon palang dapat na silang magpugay sa paghahari ko sa gayon ay magiging ligtas sila." Nakangisi lamang habang nakatanaw sa kanya ang lalaki.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon