Kabanata 11

314 21 3
                                    

Kabanata 11 - ' Shocked not Shock'?

Maximilliana P.O.V

Nagulat ako! Bakit? Jusko, hindi ko inaasahan na papalakpak ang babaeng iyon. Kaso, hindi para sakin, kundi para kay Bro! Akala mo naman kung ano!

Ito namang kaibigan ko, akala mo kung sinong maka 'you did it great!', pero sa iba naman nakatingin, habang kumakanta ako!

Akala mo talaga!

"Badtrip sila!!! Kung hindi ko lang kaibigan iyon baka nasapak ko pa iyang crush niya!" anak ng ano! Akala mo siya iyong kinantahan!

"Ang bitter mo, Lianna!" oo, tomboy tomboy ako, pero Brad, may nararamdaman din ako! Hindi naman ako manhid, hindi tulad niya. Excuse me, bitter ako? Ako? Talaga. Hah! Hindi ako bitter!

"Hindi, ah. Badtrip lang! Ang manhid kasi!" Naiinis kong sabi! Itong Miya na ito, akala mo kung sinong hindi umirap kanina, nung narinig niyang pumalakpak iyong babae.

"Hindi daw baka kasi---"

"Baka kasi, iyong crush mo, mahal din siya?" diretso kong banggit. Totoo naman! Di ba? Si Sam, crush niya.

Sino ba naman kasing hindi maiinis kong makita mo iyong mga crush mong nakatingin sa iba, tas ikaw pasimpleng umiirap! Edi, talagang tataas dugo mo!

"Ano? Magsasalita ka pa? Kita mo? Pati crush mo, may gusto din sa crush ng kaibigan ko!" dagdag ko pa.

"Oo na, kainis ka! Ipaalala mo pa!" di ba? Sakit sa apdo.

Kung nasaan kami ngayon pagkatapos nang subject namin na iyon, nasa tambayan namin, iyong lugar saan umiyak iyak si Kellay kasi, pinagpalit siya ng jowa niya. Doon.

"Tama na, pwede? Iba na lang pag-usapan natin, iyong hindi kasali ang babaeng iyon!" ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo ko sa babaeng iyon! Lumalabas tuloy na parang kaaway ko siya! Excuse me, I'm not mean. Sadyang ano lang, may nararamdaman lang aking kakaiba.

"How's the preparation for the upcoming Party? Natapos niyo nang pinag-usapan iyon?" tinutukoy ko iyong Acquaintance Party, next month.

"Oo, kunting kunti na lang." bakit ba pakiramdam ko, double meaning nanaman iyon! Saan ba tumitingin ito? Hanggang sa mapadpad din ang tingin ko sa, tinitingnan niya!

At doon ko nakita na, nakatingin pala siya sa kabilang lamesa. Hindi nga pala iisa ang lamesa dito, actually round table kasi talaga ito, iyong itusrang kahoy pero sa semento gawa. Bawat puno kasi dito, may ganung klaseng lamesa, parang ganun. Maganda daw tignan.

"LIANNA!" may sumigaw!

Hindi ba pwedeng wag na lang isigaw ang pangalan ko! Pwede naman kasi, kapag nakalapit na lang!

"Bakit!" sagot ko. Aba't mukha siyang masaya. Hindi kasi ganito yung mukha niya lagi. Ang saya niya. Pero, hindi ko alam kong anong dahilan.

"Sige, bhe. Alis muna ako. Punta lang ako magpalamig." paalam ni Miya. Lumingon ako sa kanya, at tsaka tumango at binalik ang tingin sa taong naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ito kdrama or teleserye pero bakit masyadong marahan at mabagal ang paraan nang paglakad niya. Masyadong cringe pakinggan pero siya lang iyong taong nakikita ko.

Walang kahit sinong tao ang nakikita ko, tanging siya lang. He's walking slowly and here I am, watching him from a far. Hindi ko hawak ang oras, pero kapag titingin ka talaga sa kanya, tumitigil ang mundo ko.

Bumabagal ang mundo
Pagngumingiti ka, para bang may iba
Pagtumitingin sakin,
Mapupungay mong mga mata
Wala akong takas,
Sa nakakalunod mong ganda, ah.

I Fell Inlove With my Best friendजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें