Kabanata 3

721 36 9
                                    

Kabanata  3 - “Lunes is Monday”

Maximilliana P.O.V

Bigla na lang akong nagising , dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagtingin ko sa orasan, alas-tres pa lang nang umaga.

Napatapik naman ako sa noo ko, dahil nakalimutan ko palang hindi ako  kumain ng hapunan kagabi, kaya pala ako gutom na gutom. Kaya dali-dali akong bumangon, sabay baba para maghanap ng pagkain sa kusina.

Mabuti na lang at may nakita akong makakain sa baba. Ala-tres pa lang nang madaling araw, pero gising na ako. Mabuti na lang may mga stock ng snack dito sa kusina, kawawa naman ako kung wala, dahil hindi pa gising sila manang. Kahit alam kong magluto, pero minsan talaga, aaminin ko, malakas lang loob kong mag luto-luto kapag kasama ko si Manang.

Hanggang sa naka-kapa ako ng pagkain, na sapat na para makapagpabusog sakin. Hindi ko naman alam kong bakit ngumingiti-ngiti ako sa kinakain ko, pero may halong lungkot. Siguro itong kinakain ko kasing ito, ay nagdala nang alaala ko, tungkol sa pagiging bata ko din noon.

"Pillows"

–flashback

"Lianna gusto mo?" tanong sa akin ng batang Xander.

"Ano ba yan?" may mata naman ako, at nakikita kong pagkain iyon, pero talagang tinanong ko p kung ano yun!

"Pagkain malamang" sarkastiko niyang sagot. Kumunot naman ang noo ko, dahil halatang naiinis siya. Hindi ko alam sa taong ito. E, nagtanong lang naman ako.

"Eh, Bakit galit ka?" inosente kung tanong, kunyaring hindi pa nababasa kong ano ang inaakto niya. Pasimple naman akong umirap sa kaniya.

"Nakikita mo na ngalang kasi na pagkain, tatanungin mo pa kong ano yan! " imbis na makipagsagutan pa sana sa kanya, tumawa na lang ako. Dahil alam ko na kung ano yung prinoproblema niya, sa tono pa lang nang pananalita niya halatang may pinagdadaanan na. Bukod sa, binubunton niya sakin iyang pagiging bugnutin niya, alam ko nang may isa pa siyang problema!

"Sabihin mo nga sakin, binasted ka ng crush mo noh" pang-aasar ko sa kanya. Malay ko ba kung anong isasagot niya.

"Oo, eh! May crush daw kasi siya kay! Sino na ba yung kaklase nating mataba?" Kita muna, ang bata bata pa lang, masyado nang masama ang tabas ng dila, napaka-bully! Tas, bata pa lang kami, pero nanliligaw na siya. Ugali niya ring, kunyari nakalimutan niya yung pangalan ng taong kinaiinisan niya, pero alam kong nagseselos lang kaya ganyan.

"Si Sam,gwapo naman kasi siya kaya hindi malabong mag kacrush si Iris sa kanya..." sabi ko sa kanya. Tinapik tapik ko pa yung likod niya para gumaan ang pakiramdam niya. Pero, iyong totoong pakay ko, ay iyong napabayaan niya nang pagkain, dahil bigla na siyang nagdradrama, kaya't kinuha ko ang tiempo na iyon, para kumuha nang pagkain.

"So, pati ikaw bro,  crush din si Sam?" biglang tanong niya sakin. Hindi na lang ako sumagot. Kasi wala naman akong kailangang sagutin sa tinanong niya.

Kaya't mas ginusto ko na lang na kumuha nang pagkain, tsaka isubo kaysa sagutin iyon tas, iluluwa ko din lang naman. Ganun talaga, mamaya makasagot ako nang mali, tas babawiin ko din lang.

"Alam mo! Lianna, dinadaan daan mo lang ako sa mga hirit mo. " kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Mukhang alam ko na kung ano nanaman ang nasa isip niya. Hindi ko naman inubos, e. Siya itong nag-alok, tas ako lang naman iyong hindi tumanggi, at patuloy padin sa pagkuha.

“Kita mo? Iyong pagkaing, inaalok ko kanina, tas itatanong mo pa kong ano yan? Ngayon ubos na!” para siyang naiinis na ewan, tas ako pangisi-ngisi lang.

I Fell Inlove With my Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon