Kabanata 33

307 19 3
                                    

Kabanata 33 : Him

Alexander Ryan P. O. V

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit kasi sabihin ng buong pagkatao ko, na wala na ang kaibigang madalas kong makasama, hindi ko maiwasan na hanapin pa rin ang presensya niya.

Balik sa batang babae na, akala mo kinulang sa sikat ng araw, na kung tutuusin ay totoo naman. She's the only girl— I can say different.

Ibang-iba sa mga batang babae na lagi kong nakikita. Naka-pig tail ang buhok, naka-terentas, at higit sa lahat puro mahahaba ang buhok. Pero, iba ang batang babae na iyon.

Maiksi ang buhok, laging naka jacket kapag lalabas, nakashorts at higit sa lahat ay  naka-tsinelas lamang. I tried to approach her that day, pero biglang dumating ang kapatid niya.

Nahulaan ko na iyon agad, makikita mo naman sa mukha nila. Sa sobra nga sigurong pagkatitig ko sa kanya ay hindi ko inaasahan na titingin siya sa gawi ko.

Hindi ko tuloy na paghandaan ang bagay na iyon, at bigla na lamang akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

May kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Not until one day, nagkaroon ako ng chance para kausapin niya. Hindi ko din inaasahan. Bigla na lamang kasi siyang inaway ng mga batang dumaan kanina sa kanya.

Nataranta na lamang ako ng bigla siyang umiyak. Nakakuyom na ang mga kamay ko, hindi ko kayang mawala ang mga mumunti niyang ngiti. Pakiramdam ko kasi iyon na lamang ang mayroon siya, bukod sa tinatago niyang kung ano-man.

Malungkot at walang buhay, iyon ang unang napansin ko sa mga mata niya. Walang kasiyahan at punong puno nang hindi ko mabasa na dahilan.

She's fragile, kailangan kong alagaan na kung pwede ay mahigpit ang pagkakahawak para hindi mabasag.

Hanggang sa nagising na lang ako kinabukasan kaibigan ko na siya. Hindi ko maitatanggi na masaya ako tuwing kasama siya.

Sa murang edad kong iyon, alam ko na kung anong nararamdaman ko para sa kanya. I'm happy everytime she's around. I felt like, I'm complete, sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya.

Hanggang sa unti-unti lahat ng mga kalungkutang unang nakita ko sa mga mata niya noong una ko siyang nakiya ay napapalitan na nang kasiyahan.

Nagkakaroon na siya ng dahilan para sumaya araw-araw. Naging malaking bagay ang pagkakaroon niya ng kalaro at kaibigan. At our very young age, nalaman ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kakampi at kaibigan.

A good friend knows all your stories. A best friend helped you write them.

PERO, siguro nga hindi lahat ng masayang simula natatapos din sa masayang kwento.

Kailangan mo ding dumaan sa unti-unting proseso. Unti-unting pagbabago. At doon pumasok ang paglipat namin ng ibang bahay.

Ang masasabi ko lang noon? Masaya sana kung dito lang din sa Pilipinas, at sa ibang bayan lang pero, hindi. The worst thing is that, we need to move from the other country— at doon na magsimula ulit ng panibagong buhay.

Si Ate lang ang tanging naiwan doon dahil nasimulan niya na ang pasukan.

Samantalang ako ay hindi pa. Masyado pa rin dw ksi akong bata para maiwan. Hindi ako kayang alagaan ni Ate. Bukod sa kailangan niyang matutong maging independent, kailangan niya ding mag focus sa pag-aaral niya.

Ang tingin sa akin ng mga magulang ko noon ay magiging sagabal lamang Kay Ate.

——

Maraming taon din ang lumipas. Hindi naging madali, at mas lalong hindi naging ganoon kasaya. Pero, hanggang sa unti-unti nasasanay na akong mamuhay nang panibago, nang wala ang unang kaibigan ko.

Hindi ko itatanggi. Nakahanap ako ng mga panibagong mga kaibigan. At isa na si Iris sa mga taong iyon.

Kagaya ng nangyari sa una, ganoon din ang nangyari sa pagkakaibigan namin. Siya naman ngayon ang umalis.

Nauna siyang bumalik sa akin sa Pilipinas, at tinapos ko muna ang huling semester, susunod na ako sa kanya.

Masyado akong naging masaya sa piling niya. Ngunit may hinahanap parin ang isip ko, pakiramdam ko peke lamang ang ngiting pinapakita ko.

Pakiramdam ko, linoloko ko lamang ang sarili ko. Hindi ko lang siguro maamin sa sarili ko na may hinahanap akong tao. At ang ideyang uuwi ako sa Pilipinas? Siguro rason ko lang si Iris, pero iba at mukhang alam ko na.

——

“Ikaw iyong lalaking lumapit sa akin noong nakaraang araw, hindi ba?” bigla na lamang akong lumingon sa harap ko at nakita ang babaeng kamukha ni Lianna.

PERO, teka lang? Hindi ba siya iyan.

“Ikaw nga! Mommy! Siya iyon! Iyong lalaking sumigaw sigaw sa akin ng mas masahol pa raw ako kay— sino na nga ba iyon?” nakuha niya pang lumingon sa paligid niya at naghahanap ng pwedeng mapagtanungan.

“Iyong tunog mata ba?”

“Uhm? Kilala ba namin iyan?”

“Ahh, ako alam ko. Pero, hindi kita close kaya wag na lang”

“Si Iris” nababagot na sagot ni Miya. Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang pagiging sarkastiko niya nang banggitin niya ang pangalan ni Iris.

“Tama, iyon nga iyong pangalan! Hindi Lianna ang pangalan ko, manong. Baka iyong kakambal ko iyon. Pagkatapos mo kasing magtapat ng narara—” hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin niya nang biglang may lumapit na doktor sa kanila at agad naman nila itong pinagtuunan nang pansin.

Laking pasasalamat ko dahil doon. Gusto ko namang sabihin talaga, aamin naman talaga ako. Pero, hindi pa ngayon. Kapag, pwede na.

PERO, ano nga bang ginagawa nila dito sa Hospital? Sinundan ko lang naman sila Angel at Mae dito. Nakita ko kasi silang umalis na lang bigla, pagkatapos makatanggap ng tawag.

Akala ko pupuntahan nila si Lianna, gusto ko lang naman kung bakit siya umalis kanina, noong nagsimula akong lumapit sa kanya at kantahin ang linyang iyon ng kanta.

Bigla na lamang kasi itong umalis, at hindi na bumalik pagkatapos. Gusto ko lang naman siyang kausapin.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi magtaka kung bakit silang lahat andito. Kaya naman kahit ayaw ng tainga kong makinig hindi naman nakikisama ang katawan at paa ko, at mas lalo pang lumapit.

Hanggang sa naririnig ko na ang sinasabi ng doktor.. Bigla na lamang akong napako sa kinatatayuan ko. No way! Don't tell me!! If can't be happening.

“We need to perform the surgery as soon as possible.....May nakuha na akong donor, ang kailangan na lamang nating gawin ay ilipad siya sa ibang bansa at doon gawin ang operation. At isa pa, kailangan maging malakas ang katawan niya. Kailangan niya rin ng suporta.” What? O-operasyon? Para saan!

To be Continue.

I Fell Inlove With my Best friendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن