Kabanata 25

287 19 3
                                    

Kabanata 25 : 'The Max'

Maximilliana P.O.V

Gusto ko ngayon, kasama ko lang Kuya ko. We used to be, best buddies. At gusto ko lang iyong ibalik, baka kasi mahuli na ang lahat, pero hindi ko padin iyong magagawa.

I glance at him, at saka ko ulit binalik ang tingin sa bintana. May gusto akong itanong sa kaniya pero baka magalit siya. Kaya lang, gusto ko talagang itanong.

"Kuya?" tawag ko. Tumingin naman siya sa akin, sandali, at saka binalik ulit ang tingin sa daanan. Ngumuso ako. "What If, I die?" I ask him. Sa tanong kong iyon bigla, nakuha ang atensyon niya. Ngunit tuloy-tuloy padin ang pagmamaneho niya. Galit Siyang tumingin sa akin, at saka binalik ulit ang tingin sa daanan.

"What the hell are you talking about? Do you fucking know, what are you asking?" galit niyang sagot sa akin. Sabi ko na, e. Dapat hindi ko na lang tinanong. Pero, gusto ko lang naman kasing malaman. Ngumuso ulit ako sa tanong niya. May kasama kasing mura ang mga iyon. Nakakatakot.

"Of course I know. Gusto ko lang naman malaman kong, iyon nga. What if?" laban ko. Hindi naman niya ako sinagot at saka nagtuloy-tuloy lang sa pagmamaneho.

Nanahimik ako, hanggang sa makarating kami sa MALL! Anong ginagawa namin dito?

"Gagawin natin dito?" tanong ko sa Kuya ko. Pero, binabaan lang ako sa kotse at nauna ng pumasok sa loob. Dali-dali ko namang hinubad ang seatbelt ko saka siya hinabol, pero sadyang mahirap siyang abutin gawa nga ng nararamdaman ko.

Bahala siya! Hindi nga kasi ako pwedeng maghabol, e! Masasaktan lang ako!

"Bahala ka! Ang pangit mo, ka bonding!" sigaw ko sa kaniya. Bahala siya, kung hindi niya narinig, wala na akong pakialam don!

Iniwan ko siya doon! Bahala talaga siya. Sa sobrang inis ko, napadpad tuloy ako sa isang bahagi ng Mall, kung saan may tumutogtog na, banda. Mukhang may Mall show. Pero, joke lang.

Ano bang tawag dito? Basta, ganon. Parang entertainer. Ganun.

"Oh My God! Ikaw po iyong nag-viral!" nagulat na lang ako ng biglang may humatak sa akin. Halah! Viral daw! Baka scandal iyon! Ay potangyna, wala ganun! Kaya lang. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya.

Sa hindi ko malamang dahilan. Napadpad ang tingin ko sa mga hawak nilang gitara. Actually wala naman sana akong balak tumingin doon. Kaso hinahatak ako ng mga instrumento.

Weird noh?! Kaso ganun talaga kapag mahilig ka sa musika. Minsan, hindi mo namamalayan sila na mismo ang gumagamot sa mga sakit na nararamdaman mo. And, music is my escape. It was my portal, to escape all my freaking problems.

"Pwede po ba kayong maka-jamming. Kahit isang kanta lang po." sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya, saka tumango. Aangal pa ba ako. Para tuloy akong sikat.

Inabot nila sa akin ang gitara, agad ko naman iyong inabot, saka nagsimulang hanapin ang chords, at tugtugin yun. Napagdesisyunan kong tumugtog muna ng dahan-dahan. Hanggang sa makabuo ako ng pamilyar na tono ng kanta.

Inaral ko pa talaga siya. Para lang ma praktis ko ng maayos, para sa darating ng acquaintance party. Mukha namang epektibo, atleast kahit papano. Dito ko masubukan kong okay na ang boses ko sa darating na Acquaintance Party.

"Game na kayo?" tanong ko. Tumango naman sila. Saka ko, sinabi na ganito ang kakantahin. Nakuha naman agad nila iyon, saka sila nagsimulang gumawa ng tumugtog. Naging sanhi iyon ng kakaibang ingay sa loob ng Mall.

Nakaagaw kami ng atensyon, at malapit na ang lumalapit. Naging centro kami ng mga tao at tunog ng Camera, pati flash lang ang nakikita ko. Ngunit hindi iyong ang pinagtuunan ko ng pansin, kundi sa kantang kakantahin ko. Hanggang sa sinimulan ko iyo.

I Fell Inlove With my Best friendWhere stories live. Discover now