Kabanata 31

313 20 6
                                    

Kabanata 31 : What's real reason?

Maximilliana P.O.V

“Hindi ba't iyon naman talaga ang gusto mo? Ang mawala ko! Hiniling mo pa nga! Now tell me? Masaya ka na ba?” nasa harapan ko pa rin siya. Hindi siya umalis.

Nanatili lang siya sa harapan ko. Kung dati, halos hindi niya matagalan ang presensya siya ko, ngayon baliktad naman. Ako naman ang hindi makatagal sa presensya niya.

“Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa iyo! Kahit ako ang sinisisi mo sa pagkawala ng kapatid mo— na kapatid ko rin! Kahit kailan, hindi ko hiniling na sana hindi na lang ikaw ang kapatid ko!” I tried to push him, pero naging tapik lang ang nangyari. Hindi ko man lang nalakasan.

“Hindi mo ako tinuring na kapatid. Hindi mo ako magawang ipagmalaki! Ha—Ha. Ngayon mo nga lang ata natagalan ang presensya ko. Ano? Masaya ka na ba?” sarkastiko pa akong tumawa, habang ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pag-agos.

“I did-didn't know. Hin-hindi ko alam na may sakit ka pala.” iyon lamang ang naging sagot niya sa lahat ng sinabi ko. Malayong malayo sa inaasahan kong isasagot niya.

Sarkastiko akong natawa sa naging reaksyon niya. Tsss.

“Bakit parang awang-awa ka? Hindi ko kailangan ng awa mo!” matigas kong sagot sa kanya. Mapait akong napangiti. Ito na bang sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi.

“Kung hindi ko lang alam ang totoong ugali mo, baka siguro yinakap pa kita. Pero, hindi e. Ikaw pa? Gustong-gusto mo ngang mawala ako!” biglang lumaylay ang balikat niya. Nawala ang maayos niyang tindig, pati ang seryoso niyang reaksyon ay napalitan ng pangungulila at kalungkutan.

“What? Hindi ko kailangan ng awa mo!” sigaw ko sa kanya. Sa sobrang lakas non ay halos sapuin ko ang parte kung saan tapat ang aking puso. “ Nakakapagod din palang umintindi ng rason. Lalo na iyong mga walang kabuluhan. Ilang ulit kong tiniis lahat ng mga pinaparamdam mo Kuya! Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit— kahit hindi mo ako magawang tanggapin! Hindi ko kayang magalit o magtanim ng sama ng loob sayo! Hindi ko galit.” at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.

“I'm dying. Ano pa bang dahilan ko para magalit sa iyo? E, mamatay din lang naman ako.” sabi ko dito. Bigla na lamang akong napako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang lumapit sa akin, at mahigpit akong niyakap.

“Pa-paano ako babawi? Kung mawawala ka na? Hindi ko naman gustong mangyari ito, Lianna. Hindi ko inaasahan. Malakas ka pa e. Kapag naman pinapanood kita sa malayo, masaya ka e. Parang wala kang iniindang karamdaman.” naging bulong lamang ang sinasabi niya. Naging mahina ang pandinig ko, at halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.

Nawalan ako ng lakas, at napahawak na lamang ako sa kanya ng mahigpit. Unti-unting gumuhit ang sakit sa aking dibdib. Hindi ko mapigilan.

“Hindi ko na kaya Kuya.” at tuluyan na akong sinakop ng kadiliman.

Kung huling araw ko na nga ito, masaya ako.  Kasi kahit ganito ang pagtatapos ng kabanata ng buhay ko, may nanatili sa tabi ko na hindi ko inaasahan na tao.

———

THIRD POINT OF VIEW.

Hindi inakala ni Jake na mawawalan ng malay ang kapatid niya habang nakayakap ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaunting takot at pangamba. Nang tignan niya kasi ang mga kamay ni Lianna ay nasa tapat ng puso niya.

Nataranta siya at walang pagdadalawang isip na sinakay sa kanyang sasakyan at mabilis na tinungo ang pinakamalapit na hospital.

Mabilis silang inasikaso ng mga doctor at nurse nang sabihin ni Jake ang dahilan.

Dinala agad sa Emergency Room si Lianna habang naiwan naman si Jake sa labas at kabadong nakaupo.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin, kaya naman tinawagan niya ang pwedeng tawagan para samahan siya sa Hospital at sabihin ang naging kalagayan ni Lianna.

Wala pang isang oras nang dumating ang taong kanyang tinawagan. Nakasuot pa ito ng dress, sa sobrang pagmamadali ay nakapaa na lang itong bumungad sa kanya.

“Don't look at me like that, Jake. Sa sobrang taranta ko ay tinanggal ko na ang Heels ko para lamang maka takbo ng mabilis papunta sa kotse ko!” naiinis na sagot sa kanya ng babae. Pagkakita niya palang sa lalaking nakaupo sa harapan ng E.R ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding pagka-awa. Kaya naman pinipilit niyang pagaanin ang sitwasyon kahit alam niyang mahirap iyong gawin lalo na sa sitwasyon ngayon.

Ngayon lang din kasi nagkalakas ng loob lumapit si Jake sa kapatid niya upang humingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa niya.

Simula ng malaman niya ang totoong kalagayan ng kanyang kapatid ay bigla nalamang itong nagdesisyon na makipag-ayos na sa kapatid niya.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt. At hindi maipaliwanag na kalungkutan at pangungulila.

“Yeah, Clarimay.” sagot sa kanya ng lalaki. “Pwede mo bang tawagan sila Max dito? At pati narin sila Mommy.” paki-usap ni Jake sa kausap na si Miya. Tama, si Miya ang babaeng tinawagan niya.

Biglaan na lang ang naging pangyayari, at ng dahil sa maayos na usapan, nagawang intindihin ni Miya ang sitwasyon ni Jake. Bukod kasi sa pinsan niya ito ay naniniwala siyang may mali lang talaga siyang pinaniwalaan noon kaya ganoon ang nangyari. Pero, sa ngayon maaayos na si Jake sa kanya, at sa ngayon mukhang siya lang din ang maasahan ni Jake sa ganitong sitwasyon.

“Gagawin ko, pero ihanda mo ang sarili mo Jake. Kailangan mong ipaliwanag ang nangyari. The last time na nagkita ko ni Lianna sa Hospital din ang bagsak niya. Wag mo nang pangarapin na magiging mainit ang pagtanggap sa iyo— lalo na si Kuya Max. I try to call Makseane also. Kailangan niya nang malaman, at para magawa narin iyon. Naiintindihan mo?” bilin ni Miya sa kanya. Agad namang tumango si Jake at pinanood siyang umalis.

Mukhang tatawag na siya sa pamilya niya. Sa ganitong mga oras, dalawa lang ang naiisip na paraan ni Jake. Ang magtago o harapin sila at ipaliwanag ang mga nangyari.

Hindi niya naman sinasadya. Tama rin si Miya. Noong huling kita nila ay sa Hospital rin ito sumugod. At sa pagkakataon na ito, sa Hospital siya ulit bumagsak.

Ngumti siya nang mapait. He just remembered the reason why he become like this.

“Mom? Hindi niyo po ba hahanapin si Makseane!” tanong nang batang Jake sa kanyang Ina. Ngunit hindi niya ito pinansin at mas inuna ang kakambal ni Makseane na si Lianna

Maximilliana Alegre. Laging nasa loob ng bahay at buhay prinsesa. Hindi pinapalabas at bawal mapagod. Maraming bawal at kung ano-ano pa. Nagkaroon ng munting awa si Jake para sa kakambal ni Lianna na si Makseane. Sa isip-isip kasi ni Jake ay pinabayaan na nila ang nawawala nilang kapatid at mas pinagtuunan na lang nila ng pansin ang kapatid niyang si Lianna gayong nakikita niya naman itong maayos at walang bahid ng pagkukulang.

Doon nagsimula ang sama ng loob niya. Sa magulang niya, sa kapatid niya, at sa lahat ng taong nagmamahal sa kapatid niyang si Lianna. Mas lalo pa itong lumala nang mahalin niya rin ang babaeng mahal ng kapatid niyang si Max.

Pakiramdam niya, hindi nakiki-ayon ang panahon sa kanya, na lahat na lang ng taong mamahalin niya nawawala, at sinisisi niya lagi ang mga kapatid niya.

To be Continue

I Fell Inlove With my Best friendWhere stories live. Discover now