Chapter Thirty-Nine

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry... Ayoko nito dark ayoko nito" sabi ni Rilakkuma sa kanya hinagod naman ni dark ang likod nito.

"Shh... Don't be sorry wala kang kasalanan hahanap tayo ng paraan okay? Di ko hahayaan na maging ganyan ka. Hindi ko hahayaan na mawala ka sakin"

Sabi ni dark sa kanya hindi naman mapigilan ni Rilakkuma ang luha nya.  Hinayaan nalang nya na yakapin si dark sa mga sandali na iyon.

Ng mahimasmasan na si Rilakkuma ay humiwalay na sya kay dark at ngumiti dito. Naisip nya na gusto nyang sulitin ang mga araw na kasama pa nya ang binata dahil di nya alam kung ano ang maaring kahinatnan nya sa mga susunod na araw.

"Wag ka ng iiyak okay? Ayokong nakikitang umiiyak ang baby ko. Sabay tayong maghahanap ng Pwedeng pantanggal nyan sayo"  nakangiting sabi ni dark at hinawakan nito ang kamay ng dalaga na ikinangiti nalang din nya. Yung totoong ngiti kahit talaga na anong mangyari ay hindi sya iniwan ng binata kahit na ano pa yan tinatanggap at tinatanggap nito ganon sya kamahal ng binata.

"Tama ka dark. Mag hahanap tayo ng lunassabi nito at nagsimula na silang magbasa ng libro. Ng matapos na ni Rilakkuma ang isang libro ay tumayo sya para maghanap ng iba pang libro at iniwan muna doon si dark.

Habang naghahanap sya sa book shelf  ay mayroon syang nakitang nagliliwanag na libro. Familiar sa kanya iyon. Tumingin muna sya sa paligid nya kung may nakakita ba sa kanya at ng makitang wala ay kinuha nya ito.

Hindi nga sya nagkamali iyon nga yung nakita nya noon nung una nyang punta sa library at ng may sumugod sa kanya.

"Sa pagkakatanda ko natunaw na to?" Takang tanong ni Rilakkuma sa sarili nya dahil tandang tanda pa nya na ipinangharang nya ito sa sarili nya para hindi sya tamaan ng acido na yun. Ngayon sigurado na sya na may something nga sa libro na iyon.

Dahil narin ng hawakan nya itong muli ay nawala na ang liwanag niyon at bumalik sa parang normal na libro.

"Baby?"  Agad napatingin si Rilakkuma kay dark na papalapit na sa kanya. Mukang hinahanap na sya nito.

"Halikana kumain na muna tayo" nakangiting sabi ni dark na ikinatango naman nya ang ginawa nya ay tineleport nya ang libro sa kwarto nya para babasahin nya iyon kapag walang nakakakita. Alam nya na may malalaman sya sa librong iyon.

Lumipas ang ilang araw at ganon palagi ang naging routine ni Rilakkuma at Dark. Palagi silang nasa Library na kung minsan pa nga ay sumasama ang mga kaibigan nila sa kanila kasi ni hindi na sila sumasama sa mga ito na ikinakataka nila.

Sinasabihan panga sila ng mga ito na ginawa daw nila na dating center ang library na ikinatawa nalang ng dalawa dahil kung alam lang nila.

Sa nagdaang araw ay sinusulit talaga ni Rilakkuma ang lahat dahil unti unti na nyang nararamdaman ang kakaiba   sa kanyang katawan kung minsan nga ay kahit nasa gitna sila ng klase o di kaya sa gitna ng pagkain ay mapapapikit nalang sya dahil sa nararamdaman nya. Parang gusto nyang manakit pero pinipigilan nya ang sarili nya.

Kung minsan nga ay napapansin ni dark ang ganong bagay sa kanya kaya hinahawakan nito ang kamay ng dalaga na mabuti at ikinakakuhaan ng lakas ni Rilakkuma at nagagawa nyang kahit papaano ay mapigilan ang bugso ng damdamin nya.

Grabe ang pagpipigil na ginagawa ni Rilakkuma sa sarili nya. Kung minsan nga ay ang sarili pa nya ang sinasaktan nya para lang mailabas ang kagustuhan nya na manakit na ikinagalit naman ni Dark dahil sa sugat nito sa katawan nya.

"H-hindi ko mapigilan dark. Kesa sa iba ko mailabas to sa sarili ko nalang"  nakayukong sabi ni Rilakkuma sa kanya habang si Dark naman ay napasabunot sa sarili nya at nagulat si Rilakkuma ng sinuntok nito ang pader kaya agad nyang pinigil ang binata at napaiyak sya ng makitang umiiyak na rin ito at umaagos ang dugo sa kamay nya.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now