Twenty-five

4.2K 149 1
                                    

Hannah

“Ma, tapos ka na bang maligo?” May halo nang panic ang pagkatok ko sa pinto ng banyo. Alas-siyete na ng gabi. Paniguradong darating na si Papa at aasahan niyang may nakahanda nang pagkain pagdating niya.

Nakapagluto na naman ako pero kadalasan tinitikman pa uli ni Mama ang mga niluluto ko kung may kailangan pang baguhin. Kapag kasi may natikman si Papa na hindi tamang timpla, nag-iiba agad ang mood niya.

Kumatok ako muli. “Ma?”

Ang tagal na niya sa banyo. Bakit ayaw niya pang lumabas? May masakit kaya sa kanya?

“Kailangan niyo ba ng gamot?”

Kinukutuban na ako na may hindi tama. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang ungol ni Mama sa loob ay wala pa akong gagawin. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito. Kaya kinuha ko pa ang susi sa taas ng ref. Hindi ko rin ito mabuksan agad dahil nanginginig ang kamay ko. Finally, pagkatapos ng ilang try, the lock clicked.

Natakot ako sa nasaksihan ko. May hawak siyang bote ng gamot niya. Umiiyak si Mama, tapos may tumutulong laway sa bibig niya. Sobrang dami na tila ba hindi niya kayang kontrolin. Nang makita niya ako ay humagulgol siya. “Sorry, anak. Sorry.”

Umiiyak na rin ako. Hindi ko siya maintindihan pero yung anguish sa mukha niya ay nag-trigger ng reaksyon mula sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong patawarin. Kumuha na lang ako ng tuwalya at pinunasan ang mukha niya.

Habang ginagawa ko iyon ay hinawi ni Mama ang buhok na humaharang sa mukha ko. “Tumakas ka rito. Kapag nakalayo ka, huwag na huwag kang babalik, anak. Naiintindihan mo ba? Ha?”

Tumango ako, naguguluhan sa sinasabi niya.

“Tandaan mong mahal ka ni Mama. Masama man ang ginawa ko, mahal ka ni Mama.”

Tumango na naman ako. Ano bang dapat kong sabihin? At bakit kung magsalita siya parang nagpapaalam na siya? “Gusto niyo na bang matulog?”

Tinulungan ko siyang tumayo at inihiga ko siya sa kama nila. Kapag nakita siya ni Papa na natutulog ng maaga, magagalit iyon. Bahala na. Ako na lang ang haharap sa kanya dahil masama ang pakiramdam ni Mama.

Tama nga ako dahil sa kabuuan ng paghahapunan, sobrang init ng ulo ng ama ko. Sobrang alat daw ng niluto ko. Ang bagal ko raw maghain. Ang dumi pa raw ng kutsara. Lahat ng pagsigaw niya tiniis ko lang para hindi na dagdagan pa ang galit niya. Nang matapos kumain, naghugas ako ng pinagkainan at siya naman ay dumiretso sa kwarto nila. Nang marinig ko ang balisang, “Hilda?” ni Papa ay napatigil ako sa paghuhugas ng plato.

Nabitawan ko ito nang makarinig ng isang malakas na pagdadabog, sinundan ng pag-iyak ni Papa. Ngayon ko lang siya narinig na ganoon ka-distressed kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto nila. At maski ako naiyak sa natagpuan.

Yung gamot ni Mama ay nakakalat sa sahig. Iyon ang una kong napuna. Tapos sa kama, hawak hawak ni Papa ang walang kabuhay-buhay na katawan ni Mama habang patuloy siya sa pag-iyak at pagpilit sa kanya na gumising na ito. Nakakalungkot ang tagpo dahil sobrang lumanay ng pagkakahawak niya. At wala sa huwisyo si Mama para maramdaman pa ito. Ang mas masakit pa, hinila ako ni Papa sa yakap na iyon. Yung dating pinapangarap kong bonding moments, dito ko pa pala mararamdaman.

Noong gabi ring iyon ay dinala namin siya sa ospital. Na-comatose siya pero pagkatapos ng ilang oras ay sumuko rin siya. Nasa labas kami ng kwarto niya nang sabihin iyon ng doktor sa ama ko. Nakapatong ang kamay niya sa aking balikat. At pagkabigkas ng mga salitang kinamumuhian namin ay biglang humigpit ang hawak ni Papa sa balikat ko. Masakit pero alam ko nang huwag mag-react. Kunwari naiyak na lang ako sa balita at hindi sa sakit ng pagkakakapit niya sa akin.

Kaya pala ako sinabihan ni Mama ng ganoon. Naging makasarili siya dahil ayaw niya nang makaramdam ng sakit. Paano naman ako? Iniwan niya ako para sumalo sa lahat ng ginagampanan niya.

Alam niya. Alam niyang iiwanan niya ako sa impiyerno naming dalawa. Bakit hindi na lang niya ako sinama?

Tumakas ka rito. Kapag nakalayo ka, huwag na huwag kang babalik, anak. Naiintindihan mo ba? Sa lahat ng huling sinabi niya ito ang tumatak sa isip ko. Masyado na rin sigurong twisted and pag-iisip ko dahil for years, hindi ko siya sinunod. Nagtiis ako. Nagtiis ako bilang rebellion sa kanya. She deserves it. She deserves more than dying. Pero alam ko rin na kahit gaano karaming blame pa ang ipatong ko sa memory niya, wala na siya rito para tanggapin lahat ng ihahain ko sa kanya.

I truly am alone.

Natatakot akong umuwi. Dahil alam kong pagdating doon, ako na lang ang pagbubuntungan ni Papa ng lahat ng galit niya.

Noong gabing iyon nagsimula ang lahat. And the rest, as they say, is history.

 

----OoOoO----

A/N: Hi. Alam kong sensitive yung chapter na ito (ilang parts ng buong story pa nga ata eh). It shows depression, abuse and suicide. It really is something that should be given attention, especially dahil tumataas yung statistics sa mga isyu na ‘to. Please, let’s not be part of the statistics. Ask for help. Talk to a friend. Talk to someone. Kahit na hindi kayo mismo yung nakakaramdam ng ganitong feelings and you have friends you think has them, lend your hands and ears.

Suicide Prevention hotlines:

Manila Lifeline Centre: Call 02-896-9191 or 0917-854-9191.

The Natasha Goulbourn Foundation: Call 02-804-HOPE (4673) or 0917-558-HOPE (4673). You may also use their toll-free number for all Globe and TM subscribers, at 2919.

 

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now