Thirteen

6.6K 185 8
                                    

Hannah

Mataas na ang araw nang magising ako. Buong gabi kasi akong paikot-ikot sa kama ko't hindi makatulog nang maayos. Kinakabahan siguro kasi ako na baka magbalik si Miguel doon. Naiinis na nga ako dahil sa bawat paggising ko ay si Migs ang nakikita ko, pati ba naman hanggang sa pagtulog susundan niya ako?

Kaya nga nang iminulat ko ang mata ko kanina, napagdesisyunan kong lumayo muna sa rancho kahit na isang buong araw lang. Sasamantalahin ko na ang sick leave na ibinigay sa akin to clear my mind.

Inabot ko ang cellphone sa may taas ng lamesa sa tabi ng kama ko para tingnan ang oras. Pero na-distract ako nang makita ang: 1 message received.

Napaupo ako sa kama ko. Napahawak sa ulo nang makaramdam ng hilo sa biglaang pagbangon. Napatalon nang marinig na nahulog ang cellphone ko sa sahig dahil nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Alam na kaya niya?

Hindi. Masyado pang maaga. Gaano katagal na ba ako dito? Dapat na ba akong mag-empake?

Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinitigan yung cellphone ko sa sahig na kahit saglit lang akong mag-blink ay baka sunggaban ako. Nang mapakalma ko ang sarili ko, nagpakawala ako ng isang tawang walang halong humor. Bakit ba ang paranoid ko. Telepono lang iyon at walang masamang mangyayari sa akin kung babasahin ko ang text.

Tumayo ako at pinulot ito. Nakatitig pa rin ako sa nakasulat sa screen at nakaposisyon na ang hintuturo ko para buksan ang message. But at the last minute, I paused. Bakit ko babasahin kahit na alam ko namang sisirain lang nito ang mood ko sa buong araw? Ano nga ba yung kasabihan? Out of sight, out of mind. Kung hindi ko mababasa, edi hindi ko iisipin ang mga nakasulat dito. Plano kong linisin ang utak ko mula sa mga problema ko at kukunin ko ang opportunity ng araw na ito para isantabi lahat ng bumabagabag sa akin.

Desidido na hindi ako magpapa-bully kahit kanino- kahit sa iisang text message-binuksan ko ang drawer ko at ibinaon sa pinakadulo nito ang cellphone ko.

Nag-ayos ako ng sarili ko at sinuot ang nag-iisang jeans ko at isang kulay pink na stripped blouse. Nag-apply din ako ng makeup na mas makapal kesa sa inilalagay ko kapag nagtatrabaho sa rancho. Syempre hindi ko naman pwedeng kapalan ang makeup kapag nagtatrabaho kasi malulusaw lahat iyon sa mukha ko kapag pinagpawisan. Kung bakit hindi ko tuluyang lubayan ang pagpipintura sa mukha ko, well, let's just say na parte ng mask ang makeup. Artificial beauty na nga lang ang nagiging sandata ko minsan, bibitawan ko pa ba?

Pagtapak ko sa huling hakbang, narinig ko ang tungkod ni Lolo na naglalakad patungo sa direksyon ng pinto sa harap ng bahay. At dahil iniiwasan ko siya dahil ayaw ko siyang makumpronta kahit kelan, tumakbo ako palabas saka umikot sa bahay papunta sa training pen. Maraming tao doon ngayon kasi simula ng summer riding lessons. Naglakad ako papunta sa may puno ng mangga para malayo sa mga tao at umupo sa duyan doon. Dito muna ako magpapalipas ng oras hangga't sa makaalis si Lolo-kung saan man siya pupunta.

Gamit ang kaliwang paa ko, dinuyan ko ang sarili ko hanggang sa maramdaman ko ang hypnotic na epekto ng duyan. Kahit kakagising ko pa lang, inaantok na uli ako.

Kahit na nakapikit ang mata ko, nakita kong biglang may humarang sa liwanag ng araw na nakadampi sa mukha ko. Hindi ko na kailangang buksan ang mata ko para malaman na si Migs ang sumira ng tahimik na umaga ko dahil alam ko ang amoy niya at alam ko rin ang pakiramdam kapag malapit siya.

"Go away," ang mataray na bati ko.

Nag-chuckle lang siya. Naramdaman kong nawala ang shade na pino-provide niya dahil pumunta pala siya sa may lubid para iduyan ako. Hinayaan ko lang siya kasi napagod na kong itulak ang sarili ko. Nang bumagal ang pag-uga ko ay ibinuka ko ang kanang mata ko bago ko isinunod ang kaliwa.

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now