Twelve

6.5K 169 7
                                    

Hannah

Bakit?

Hindi malinaw kung anong bakit ni Migs ang dapat kong sagutin. Bakit ko ginuhit si Mama? Bakit ko sinasabi 'tong mga ito sa kanya? Bakit ako nandito? Bakit sa dinami-rami ng tao, siya ang napili kong kausapin?

Naaalala ko ang panaginip ko kagabi. Kasama ko raw si Mama at nagpunta kami dito sa Batangas para bisitahin si Lolo. Sinalubong niya kami sa rancho na may isang malaking ngiti sa labi niya tapos yinakap niya kami ni Mama nang mahigpit. It was the life I could have had kaso biglang dumating si Papa at gaya ng ginawa niya sa halos lahat ng bagay sa buhay ko, sinira niya ang panaginip ko. Hindi ko maalis sa isip ko kung paano bumagsak ang ngiti ni Mama ng makita niya si Papa. Kung paano namatay ay ningning ng mga mata niya. Ilang beses kong nakita iyon sa tunay na buhay maging sa mga huling oras niya sa mundong ito. Mas hindi ko kinaya noong nakita ko iyon sa panaginip ko. Ang pangyayaring matagal ko nang pilit na kinakalimutan ay kusang nagpaparamdam. I can never be free of it.

Iyon ang akala ko. Kasi noong panahon na akala ko magiging worse ang panaginip ko, biglang nandoon si Migs, suot ang mahiwaga niyang ngiti habang binubuhat niya ako palayo sa mga nagdudulot ng kasamaan sa panaginip ko. Unang beses ko siyang mapanaginipan at unang beses ko ring nalabanan ang takot.

Nagising ako kanina nang maramdaman ang dampi ng mga labi sa noo ko. Nang ibinuka ko ang mga mata ko, wala namang tao sa kwarto pero ramdam ko ang bigat ng dampi ng halik na iyon sa noo ko. Somehow in between sleep, may guardian angel na pumasok sa kwarto ko para samahan akong labanan ang panaginip ko. Hindi na ako naniniwala sa guardian angels at kung ano pang katulad noon pero for a moment, I believed.

Ewan ko kung bakit pero iba ang gising ko kanina. I was filled with... dread. All these years I've been living in the darkness and now that I can see the light, hindi ko alam kung paano ako aalis doon. Masyadong malaking impact ang liwanag ni Migs. Hindi ko kayang i-handle. Nakakasilaw. Nakakabulag.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng 'to. Pero hindi pwede. Buong buhay ko naging identity ko ang isang pagiging mataray at "confident" na babae. Yung babaeng hindi natatakot na tatakan ng label ng ibang tao. Yung babaeng mataray, bitch, indestructible at kung anu-ano pa. Kaso deep down, alam kong akto lang ang lahat ng 'to. Being thick skinned and wearing a mask... isa iyon sa mga kinailangan ko simula pagkabata ko. At kapag lumaki kang meron nito, hindi mo na rin matutukoy ang tunay na mukha sa likod ng maskara. Matatag ako kapag may maskara pero alam kong ilusyon lang ito. Without the mask, I'm just the opposite: I'm weak, afraid and not worth anything. Kung bibitawan ko ang mask, kung aalisin ito sa hawak ko, ano nang mangyayari sa 'kin?

Imbis na sagutin siya ay nagtanong din ako. "Bakit ka naging veterinarian?"

Nasorpresa siya sa tanong ko. "Bakit gusto mong malaman?"

I rolled my eyes at him. "Ayaw mong sagutin? Fine. Itatanong ko na lang kay Barney."

Tatayo dapat ako kaso pinigilan niya ako nang ipinatong niya ang kamay ko na naka-support sa akin sa lamesa. Simpleng hawak lang iyon, hindi tumagal ng isang minute pero sapat na para mapabilis ang tibok ng puso ko. Kung marunong pa siguro akong kiligin, kinilig na ako. "Pupunta ka pa kay Barney, wala namang alam 'yon."

"Kaya nga sa'yo ako nagtatanong."

Bumuntong-hininga siya. "Gusto mo yung totoong istorya?"

"Bakit, may peke ba?"

Siya naman ang nag-eye roll. "Ang alam kasi ng lahat, kaya ako naging vet ay dahil gusto ng Lolo mo na mapunta sa akin ang rancho kasi walang magmamana nito. Pinakuha niya rin kasi ako ng ilang units sa Business Management kaya naghinala na ang mga trabahador."

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now