Twenty-one

5.3K 157 4
                                    

Hannah

Pagkagising ko, alam kong nagbago na ang mundo. At least, yung mundo ko.

Paano ko nasabi? Maraming factors. Una na siguro ang dreamless sleep ko. Lagi akong nananaginip. Hindi ko man maalala ang mga panaginip ko, alam kong mayroon nangyari sa pagtulog ko dahil hanggang sa paggising ko, nasa gilid ng isip ko ang mga damdaming dala ng panaginip na iyon, kadalasan ay takot. Pero ang gising ko ngayon ay payapa. Yung tipo ng gising na napapanood sa mga commercial na didilat na lang yung mata ng character tapos bigla siyang ngingiti at haharapin na niya ang mundo ano mang pagsubok ang hatid ito. Hindi ko ikukunsidera na simula ngayon ganito na ang tulog ko. Posibleng isang exception lang ang ngayon dahil sa exhaustion-physical, mental, at emotional. Lahat ay dahil kay Migs.

Siya ang ikalawang factor. Hindi ako natutulog sa tabi ng lalaki kahit kailan. To blindly trust someone when you are unconscious? Iyon ang pinakamalaking no-no ko. Ngunit heto ako, kulang na lang ipulupot ko ang sarili ko sa kanya.

Nakaunan ako sa kanang braso niya. Iyon lang ang parte ng katawan namin na magkadikit but still it felt too intimate, too raw. Lalo na matapos ang mga nasabi at nangyari kagabi. Sa konting gestures, sa konting salita, para akong isang mataas na house of cards na pinatumba ng hanging si Migs. At wala akong paraan para maisalba ang sarili ko. Ang pwede ko lang gawin ay ang pulutin lahat ng nagkalat kong parte at buuin ang sarili ko.

Kaso hindi niya ko binigyan ng chance na gawin 'yon. Tila nababasa niya ang iniisip ko dahil iminulat niya ang mata niya at hinawakan niya ang titig ko. And then he smiled at me.

So hindi lang pala sa commercials yung character na bigla-biglang ngumingiti pagkagising. At kung uso ang special effects, I swear, nagningning yung ngipin ni Migs nang i-flash niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung saan hinuhugot ni Migs lahat ng positive energy niya pero para siyang liwanag kahit saan siya magpunta, at pinakanagniningning sa dilim. He always had been.

"Good morning," bati niya.

Bumara ang "Good morning" na sagot sa lalamunan ko. Para kasing hindi ko kayang tapatan yung lambot ng bati niya. Bakit ba ang hirap nito? Why do real emotions have to be so devastating? Heto ako, tongue-tied dahil lang 'di ako makapag-good morning sa kanya. Kaya ginawa ko ang bagay na ginagawa ng mga matinong tao.

Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. "Ang baho ng hininga mo, 'wag mong idirekta sa 'kin. Baka masira ang araw ko."

"Sus. Kunwari ka pa. Magising ka lang sa tabi ko, buo na ang araw mo." Umupo siya at nag-inat ng buto. Itinaas niya ang kamay niya para mag-stretch na nagsanhi ng pag-angat ng suot niyang damit at nasilip ko ang kaunting balat niya at ang pag-ripple ng muscles doon.

Yep. Buo na ang araw ko.

Kinagat ko ang labi ko kasi nararamdaman kong may namumuong ngiti sa labi ko. Ikatlong factor. Hindi ako ngumingiti ng ganito kaaga. In fact, 'di ako ngumingiti, period.

Ibabalik ko na sana ang neutral face ko bago pa man ako mahuli ni Migs pero it's too late. Nang inangat ko ang tingin ko sa mukha niya, nakakunot ang noo niya. Nasorpresa ko ata siya sa pagiging open ng expression ko. Nasabi ko na ang lihim ko-hindi man lahat dahil hindi ko pa rin kayang isiwalat iyon-pointless na kung magtatago pa ako sa kanya.

Hindi ko sinabi sa kanya lahat kasi wala naman talaga akong pinagkukwentuhan ng tungkol sa sarili ko. Mas gusto ko na ganoon. Mas kailangan ko na gano'n. Mas madaling lunukin ang ilang pirasong katotohanan kesa sa kabuuan nito at kung hahayaan mo mang gawin iyon ng ibang tao para sa'yo ay paniguradong may nakaambang sakit. Isa pa, ako lang ang may kayang lumunok ng buong katotohanan ko. Ang kaunting naibahagi ko kay Migs ay tama na para pagaanin ang loob ko. Enough to ease the choking.

The Sweetest EscapeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz