Twenty-two

5K 161 3
                                    

Hannah

Dala-dala ko yung ngiti na iyon hanggang pagpasok ng bahay.

Para lang mabura nang makita ko si Lolo malapit sa bintana. Base sa itsura niya, alam kong nakita niya ang nangyari sa labas. Yung moment na iyon, bigla tuloy nagkaroon ng stain sa memorya ko.

Ang sakit sa tenga ng bawat tama ng tungkod niya sa sahig. Bawat tama ay consistent sa tunog nito, parang tunog ng orasan kapag sobrang aware ka sa movement. Tumigil siya harap ng upuan niya bago magpakakomportable ro'n.

"Dalawang dekada na ang nakakalipas pero nakakasiguro ako sa'yo, apo, nakita ko na ang senaryong iyan. Dito rin mismo sa bahay na 'to." Tinuro niya ang kinatatayuan niya kanina. "Doon din mismo sa bintanang iyon. Alam ko kung pa'no nagtapos ang istoryang iyon."

Napaka-intense ng tingin sa akin ni Lolo. Saka ko naintindihan ang nais niyang iparating. Ang ending. Ako. Tinutukoy niya ang istorya ng mga magulang ko.

Wala akong masabi sa kanya. Wala akong magawa kundi isara ang kamao ko at dito isalin lahat ng galit ko.

"Apo, sinabi ko 'to sa ama mo at uulitin ko sa'yo: Wala kang magandang maidudulot sa kanya. Hindi siya nakinig sa akin. Huwag mong gayahin ang pagkakamali niya." Again with the stare.

At dahil hindi ko na masikmura pa ang manatili sa presensya niya, nag-iwan na lang ako ng mga salitang kasing sakit ng mga binitiwan niya. "Hindi lang naman si Papa ang may kasalanan. Kung naging ama ka lang kay Mama, 'di sana buhay pa siya ngayon." Saka ko siya iniwan. Ngunit nakita ko pa ang pag-iba ng itsura niya from smugness, naging galit. Napansin ko rin na humigpit ang hawak niya sa tungkod niya.

Inakyat ko ang hagdan two at a time. Gusto ko sanang ilagabog yung pinto ko kaya nga lang na-realize ko na ang childish nito tsaka baka biglang magiba ang bahay ng 'di oras. Saglit lang kami ni Lolo sa presensiya ng isa't isa pero nagawa niyang pakuluin ang dugo ko. And I do not like it when I'm angry. Gusto kong maglabas ng sama ng loob pero hindi ko magawa. Natatakot ako dahil baka yung side na iyon ni Papa ay nakuha ko.

Napagdesisyunan ko na lang na magtrabaho kesa magmukmok kaya nagpalit na ako ng damit at dumiretso sa kamalig. Binati ako ng mga katrabaho ko at dahil sanay na sila sa death glare ko kapag dinadaanan ko sila, nginingitian na lang nila ako. Seriously, hindi na ba gumagana ang bitch mask ko?

Paglapit ko sa kamalig ay sinalubong ako ni Ares. Kumakawag-kawag pa ang buntot niya nang tumapat siya sa akin. Gamit ang nguso niya, nilambing niya ang kanang kamay ko kaya napilitan akong i-pat siya sa noo na nag-cause naman ng malakas niyang pagtahol. Sinundan na niya ako pagkatapos no'n.

Palabas si Kalbo kasama si Luna. Tinanguan niya ako saka nagpatuloy sa paglalakad. At dahil wala nang laman ang pwesto ni Luna, doon na ako nagsimulang maglinis.

Mabilis lang na dumaan ang araw dahil pinilit kong mag-concentrate sa ginagawa ko kaysa sa mga pangyayari simula kagabi kasama si Migs hanggang sa kaninang umaga na harapan namin ni Lolo. Dinama ko na lang yung pagsungkit sa dumi ng kabayo kesa intindihin ang gulo ng isip ko. Mabuti na rin siguro na wala dito si Migs kasi for once, nakapag-isip-isip ako nang walang impluwensya niya.

Ayaw kong paghinayangan ang naganap kagabi. Pero kailangan ko ring tanggapin na totoo ang sinabi ni Lolo. Wala akong magandang maidudulot sa kanya. Isa pa, bilang lang ang araw ko rito sa Batangas. Aalis din ako, may Migs man o wala. Kaya kahit na buksan ko ang sarili ko para kay Migs, alam kong wala nang dapat mangyari pang iba. Hindi ko na siya papatuluyin pa dahil sa huli alam kong masasaktan ko lang siya.

Hindi ko naman siya ilalayo ng tuluyan matapos ng effort niya na paaminin ako. Masyado lang kaming nadala sa emotions namin kagabi. I am just going to take a step back. Bawasan ang intimacy and just be... friends.

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now