Update 16.1: Conflict No. 1 (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang nagsasalita sa amnig dalawa. Alam kasi ni Topher na kapag kinakabahan ako hindi ako makakausap ng matino. I’m an overthinker at alam niya yun. After 10 mins, nasa 7-11 na kami.

Wala pa sila Phoebe at Gladys. Bumaba muna kami ni Topher para bumili ng hot choco dahil may pagkamalamig na din tapos nakashorts pa ako. Bumili na din ako ng hot choco para kay Phoebe para kahit papaano mahimasmasan siya.

Pagkalipas ng 5 minuto, nakita kong dumating na si Gladys. Aba ang babaita, nakaporma. Saan kaya galling ‘to? Lumabas kami ni Topher ng 7-11 at inabutan ng tubig si Gladys.

“Oh girl? What happened to your face?” Tanong ko. “Haahaha! Di nga Glads? San ka galing? Mukha kang pinagsakluban ng langit eh.” Pang-aasar naman ni Topher sa kanya. Siniko ko ng pasimple si Topher. Nakita nang asar yung itsura ni Gladys eh inaasar pa. “Ha-ha! Thanks Tophs! Really!” Sabin i Gladys kay Topher na inirapan niya. “Don’t ask girl. So arrrrghhhh!!!” Inis na pagkakasabi ni Gladys.

Mang-aasar pa sana si Topher nang makita namin si Phoebe na bumaba ng taxi na umiiyak. Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Nagulat kaming tatlo. Hindi ganito si Phoebe eh. Hindi talaga.

“Oy girl, what happened?” Tanong ni Gladys na hinihimas yung likod ni Phoebe. “S-si A-ce. H-hindi ko makontak.” Hikbing pagkakasabi ni Phoebe.  “K-kaninang mga 7 yung huling text niya. T-tapos mga 7:30 tinatawagan ko siya kasi.. k-kasi.. si Pipoy…” Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. Halata ang gulat sa aming tatlo. Walang nakapagsalita agad sa amin at nagkatinginan lang kami.

Sumenyas si Topher na pumunta kami sa sasakyan niya at nagtanguan lang kaming tatlo. Pumunta muna kami kung saan nakaparking si Topher. Doon kami naupo sa hood ng sasakyan niya.

Binigay ko kay Phoebe yung binili naming ni Topher na hot choco para sa kanya. Halata mong hindi niya alam ang gagawin niya. “T-tinatry kong tawagan si Babe kanina para magpasundo. P-pero hindi siya.. nasagot tapos… mga after 3 tries ko… unattended na yung phone niya. H-huling text niya sakin… sabi niya pauwi na daw siya… a-asan na kaya siya? Nag-aalala na ako eh.” Putol putol na sabi ni Phoebe. I can’t figure out kung ano yung mas iniiyakan niya eh. Yung pagkikita ba nila ni Pipoy o yung hindi pagsagot ni Ace ng tawag niya.

“Girl, did you call anyone na alam mong pwedeng alam kung nasaan si Ace? Where was he before he went home ba?” Tanong ni Gladys na halatang nag-aalala na din kay Phoebe. Nakita kong lumayo si Topher saglit at may tinawagan sa cellphone. “W-wala pa akong.. n-natatawagan. I- I don’t know what to do.” At yumakap ulit siya sakin. Ano kayang nangyari kay Ace? Bakit ganito? “Shhh. Tahan na. Mahahanap din natin siya.”

Hinayaan lang namin ni Gladys na umiyak si Phoebe. Kahit naman anong gawin naming pagpapatahan sa kanya hindi tatahan yan eh. Minsan lang kasi umiyak yan kaya isang buhusan. “B-bakit pa siya nagpakita ulit? B-bakit? O-okay na ako eh. T-tapos s-sabihin niyang namiss niya ako? Aba! T*** *** niya!” Paiyak na galit na sabi ni Phoebe.

Pagkasabi ni Phoebe nun, bumalik na din sa amin si Topher. “Tara! Sakay na.” Sabi ni Topher sa aming tatlo. Kahit hindi namin alam kung saan kami pupunta, sumakay nalang kami. Si Gladys at Phoebe ang nasa likod. Nakasandal lang si Phoebe kay Gladys habang tahimik na umiiyak. Tinext nalang din ni Gladys si Mang Jim para mauna nang umuwi. “Saan tayo pupunta Pangs?” Tanong kong nagtataka kay Topher. “Kanila Chi. Tinext ko na din si Joey at Robbie na pumunta dun. Mukang kakailanganin ng back-up eh.” Mahinang sagot ni Topher sakin. “Ano bang nangyari?” Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung ano pang sunod na mangyayari. “Hindi ko din alam. Basta ang alam ko, lasing na si Ace kanila Chi. Ang masaklap, andun din si Kris. Kaya hindi ko na din alam.” Pagkasabi ni Topher nun, wala nang nagsalita. Mas lalo akong kinabahan. Alam naming dalawa ni Topher na hindi maganda ang mga susunod na mangyayari.

Pagkadating naming sa bahay nila Chi, nakita naming nandoon na sila Robbie at Joey. Nakaupo sila sa harap ng sasakyan ni Joey. Mga nakaayos din sila, mukang gumala din.

Pagkababa naming, sinalubong kaagad kami nung dalawa. Nagulat din sila dahil naiyak si Phoebe. Sa aming mga babae kasi siya yung hindi mo makikitang umiyak. She’s a tough girl, sobra! Yung tingin nila Joey at Robbie kay Topher eh parang nagtatanong kung anong nangyari. Topher just shrugged dahil hindi din niya ala kung anong buong nangyari.

“Pare, bakit ba tayo andito?” Tanong ni Joey na parang aburido. Mukang may hindi ring magandang nangyari kay Joey ah. Kung ayus lang ‘to malamang pang-aasar pa ang aabutin ni Phoebe sa kanya. “Si Ace pare, asa loob. Tara na.” Sagot ni Topher at nauna nang naglakad.

Nagdoor bell na si Topher at wala pang isang minute may nagbukas na ng gate. “Oh Topher! Ikaw.. Ayy! Kayo pala. Pasok!” Si Chi yung nagbukas ng gate at halatang gulat dahil anim kaming nasa labas ng gate nila. “Ahh. Pare, si Ace?” Papasok kami ng gate at naiinip na tanong ni Robbie. “Ahh. Andun sa loob. Lasing na. Tara na Pare. Baka ano pang mangyari.” Sagot naman ni Chi.

Yung tatlong lalaki ang nauna, tapos kaming tatlong babae naman ang nahuli. Inaalalayan parin namin hanggang ngayon si Phoebe. Ni hindi na makalakad ng diretso kakaiyak.

Pagpasok namin ng bahay nila Chi, napatigil kaming anim. Pati narin ang mga tao sa loob.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayan ang nangyari. Nakita ko nalang si Ace nakaupo na sa sahig, duguan ang labi, si Robbie nasa harap ni Ace at si Phoebe tumakbo papalabas.

(A/N: Oh. Madami bang tanong? Ako din eh. Dumami din yung tanong ko. :)) Basta kung ano man ang mangyari sa mga susunod na update sana po suportahan niyo parin. Hindi naman mukhang pinilit diba? Kelangan ko kasi ng outlet eh. Baasta. May pinagdadaanan lang. Salamat sa mga nagbasa.

Basahin niyo nga pala yung story nung taong pinagdedicate-an ko ng update na toh. Mag-fan din kayo sa kanya. @iwantyousobad. Click external link para sa sinasabi kong story niya na pinasakit ulo ko. AHHAHA!)

Please Vote, Comment and be a Fan!

-bienpi

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon