Update 10: Archi Building

53 2 4
                                    

 Update 10: Archi Building

(A/N: Pakiplay naman po yung video sa gilid. :) Enjooooy)

 Danielle/Meimei's POV

We were so perfect together

Perfect that we both thought that we'll last forever

We both laughed, loved and cared

I wish that it will all come back, because this pain I cannot bear.

Till when this hope will last?

The hope that everything will be back to the perfect us.

Maybe not now, or maybe even never

But I want you to know that our love, I will always remember.

Pagkarating ko sa likod ng Archi building, ay parang biglang sumang-ayon ang panahon sa akin. Biglang kumulimlim at parang kahit anong oras mula sa sandaling ito bubuhos ang napakalakas na ulan.

Parang may malakas na gravity na humila sa akin at bigla akong napaluhod pagkayapak ko sa mala-harding parte ng Archi building.

Dito halos walang tao at pwede kang maglabas ng saloobin mo kung gusto o kailangan mo.

Madalas akong tumambay dito. Lalo na kapag nagaaway kami noon ni JV. Hindi niya alam na dito ako pumupunta kapag masama ang loob ko.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang gustong sumabog ng dibdib ko. Yung mga mata ko eh parang may sariling pagiisip na bumubuo ng mga luhang tila para bang naguunahan sa pagpatak. Kasabay ng pagpatak ng unang luha ko ay ang bigla rin namang pagbuhos ng malakas na ulan.

(Flashback 2 months ago)

JV: I'm sorry Danielle. I'm so sorry.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. H-h-hindi totoo toh. Nananaginip lang ako.

JV: Bhie, please! Talk to me.

Danielle/Meimei: B-bhie, d-diba n-nagbibiro ka lang? Ha-ahahaha! Diba? Joke lang toh?

Nauutal utal kong sabi. Naiiyak na ako at alam kong anytime lalabas na ang mga traydor kong luha. Hindi totoo toh. Joke lng talaga ni Bhie to.

JV: No Danielle. I'm not joking. Hindi ganitong bagay ang dapat jinojoke. This is serious Danielle, I'm breaking up with you. I'm so sorry.

Nagingiyak ngiyak din si JV. yung mga mata niya at ilong namumula na. At Danielle ang tawag niya sakin na ibig sabihin kailangan seryosohin ko ang bawat sinasabi niya. Siguro nga hindi ito joke.

Danielle/Meimei: Pero bakit? H-hindi pwede toh. D-d-diba mahal m-mo ako? D-diba nangako tayo sa isa't isa na panghabang buhay na to? D-diba sabay tayong tatanda? D-diba hanggang sa kamatayan tayo lang dalawa? B-bakit?

JV: Sorry Danielle, Hindi ko matutupad ang mga pangakong iyon. Paalam.

With that, he left me dumb founded. He walked away from me. The man whom I love the most left me.

(End of Flashback)

Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Bakit biglang bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung araw na yun? Parang bawat saksak ng patalim sa puso ko nung araw na yun ay nararamdaman ko ngayon.

I never had the chance to know the real reason why he left me. Why he broke up with me. He never gave me the chance to understand everything. All I know was, he wanted to break the commitment with that.

For All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon