Chapter 44

1.2K 35 3
                                    

Sobrang bilis ng phase sa love life ko noong highschool ako. Akala ko naman siya na, hindi pala. Hanggang highschool lang pala talaga minsan umaabot. Immature, toxic,  puppy love.

Parang kailan lang noong naghahabol-habol pa ako ng ilang taon pero ilang buwan lang na naging akin, nawala na agad. Sana hindi na lang niya ako ginusto, sana hinayaan niya na lang akong habulin siya hanggang sa mapagod ako.

"Stress ka na ba sa plates mo?" tanong ko kay Justin habang hinahaplos ang buhok niya. 

Dito kami sa bahay ngayon para mag-bonding pero hindi ko naman alam na ibang bonding pala gusto niya. Dinala ba naman lahat ng plates at nagpatulong pa sa 'kin sa ibang mga drawing. Siya na raw sa floor plan dahil hindi ko naman alam 'yon.

He smiled widely. "Stress but manageable. Tinutulungan mo naman ako kaya oks na." He gestured a thumbs up. 

Itinigil ko ang paghaplos sa kanyang buhok at ipinagpatuloy ang ginagawa naming dalawa. Rest day ko dapat sana ngayon kaso ang kapal ni Justin na ipagawa sa 'kin requirements niya. Okay lang naman. Marunong pa rin naman ako gumuhit at magpinta. 

Nang matapos, tinulungan ko na siyang mag-imis ng mga kalat dito sa living room. Ipinagluto ko rin siya ng gabihan dahil inabot kami ng gabi sa plates niya. Hindi pa rin kasi umuuwi si Vanessa dahil duty niya pa rin ngayon. 

"Alam mo, hindi ko gets 'yong mga babaeng may toyo," Justin said out of nowhere. 

Taka ko siyang tiningnan habang hinihiwa ang manok. "Bakit naman? 'Yong mga babae bang nagagalit bigla nang walang dahilan?" Natawa ako, naalala ko kasi 'yong classmate kong isa. 

"Hindi naman cute ang pagiging matoyo-in, 'di ba? Kung magkakaroon ako ng girl friend na gano'n, rekta break na kaagad," sagot niya. 

Pasimple akong natawa. "Lahat ata ng mga babae may ganoong side."

"Ah, talaga? May ganoong side ka ba?"

Sunod kong iginisa ang bawang at sibuyas. "Hindi ko alam. Wala kasi akong boyfriend," sambit ko habang ang paningin ay nasa ginigisa. 

Hindi na siya umimik at umalis na lang sa may kusina. Taka ko siyang sinilip sa may living room at doon nga siya humiga kaagad. Anong trip na naman no'n? Bigla na lang akong hindi kinausap. Siya ata itong may toyo, e. 

Lumipas ang gabing 'yon na puro tawanan lang kaming dalawa. May mga corny siyang banat at mga jokes pa. Sumasaya na rin ako kahit papaano kapag kasama siya. Sana hindi pa matapos ang gabing kasama siya pero kailangan na niyang umuwi. Platonic love.

He kissed me on my forehead. "Stay healthy, Elisha. Sunduin kita bukas. Alis na 'ko!" paalam niya at naglakad na palabas ng subdivision. 

Nakangiti ko siyang sinundan ng tingin pero napawi rin 'yon nang magtama ang paningin namin ni Bridgette. Kinawayan niya pa ako bago siya pumasok ng bahay ng mga Silverio. Halos araw-araw o kahit gabi, nakikita kong nalagi siya roon sa bahay nila at gets ko naman 'yon. 

Long-term best friend kasi o baka sila na? Kumusta kaya 'yong si Natalie? Wala na sila agad? Noong nakaraan lang, magkasama pa raw sila sa labas ng subdi ah? Bakit itong si Bridgette na naman.

I immediately shook my head. Ayaw ko nang isipin 'yon. Ang mahalaga, masaya na ako sa kung anong meron sa 'kin ngayon. 

Lalo akong sumimangot nang maalala ko ang kalagayan ng puso ko. Ang sabi ng doctor, hindi raw ako gagaling unless magpapa-heart transplant ako. May in-explain pa siya sa 'kin na baka raw bigla akong atakehin sa puso at natatakot ako na baka mangyari 'yon kaya ingat na ingat sina Vanessa at Justin sa 'kin. 

Iniingatan ko rin naman sarili ko pero hindi ko maiwasang mapagod minsan. 

"Ang ganda mo naman," komento ni Justin nang sunduin niya ako rito sa bahay. 

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now