Chapter 13

1.1K 42 19
                                    

"Happy birthday to you..."

Pakanta nilang bati pagpasok ko ng room namin. Si Monica at iyong teacher namin sa Reading and Writing ang nanguna sa kanila. May hawak siyang cake at nakangiti pa sa 'kin. Lahat sila nakangiti bukod kay Amanda na nakakrus ang braso at nakatingin sa malayo. Bumubulong-bulong pa.

"Thank you!" masaya kong pagpapasalamat sa kanila.

Hindi ako naiyak sa little surprise nila. Thankful ako, oo, pero hindi ko magawang umiyak. Hindi talaga mababaw ang luha ko kaya kailangang sugatan mo ang puso ko bago ako maiyak. 

Charot, exaggerated.

"Make a wish and blow out the candle," Monica instructed while holding the cake in front of me.

"Blowing out birthday candles increases bacteria on cake according to research," naks, informative kong sabi. "Since, nasa legal age na ako, ibang blow na lang? Char!"

Pero I'm innocent.

Nagtawanan ang lahat maliban ulit kay Amanda. Kill joy kahit kailan! Pinaupo nila ako sa teacher's table habang katabi ko naman si Sir Reading and Writing. Tumayo si Sir habang ang mga kaklase ko naman ay nakaupo sa gilid. Ngayon ko lang din napansin na nawala sa paningin ko si Monica.

"The 18 roses signify the debutante's coming of age. We have now come to the part of our program that the guys have been waiting for. A chance to hold the hand of our lovely debutante for a short dance. so let us not keep them waiting. Ladies and gentlemen, the 18 roses with our beautiful debutante!"

Kunwaring may proper program na sabi ni Sir kaya natawa ako. Tumayo si Allan Mina nang tawagin siya ni Sir. Ngayon ko lang din napansin na may hawak ang mga boys namin dito sa room na mga tunay na rosas at may speaker din na nakasaksak sa gilid.

[Now playing: You're beautiful by James Blunt]

Nilapitan ako ni Allan at ibinigay ang rosas. I mouthed 'thank you' when he said his greeting. Nagsimula kaming sumayaw sa ritmo ng musika. Natawa pa ako habang nagme-make face siya.

Sunod na lumapit sa 'min si Kevin Hermosa para kunin ako kay Allan. "Happy birthday, Virtucio," sambit niya at ibinigay ang rosas na hawak. Hinampas ko siya nang ilagay niya ang kanyang mga kamay sa balikat ko. "Magbago ka na at sana hindi ka magbago."

"Third rose, Angelo Trinidad," tawag ni Sir kay Angelo.

"Sana humaba pa ang buhay mo."

"Punta kami sa bahay niyo mamaya. Sana may shanghai."

"Mabuhay ka hangga't gusto mo."

Natapos ang kanta at pito pa lang ang nakasasayaw sa 'kin at hawak kong rosas, malamang. Dumating si Monica na hingal na hingal pa pero nanlaki ang mata ko nang makita kong kasama niya ang apat na boys ng STEM AM1. Sina Denim, Rae, Justin, at Asher.

Bagsak ang balikat ko nang hindi ko makita si Axis na kasama nila. Sabagay, sino ba naman ako para paglaanan niya ng oras 'di ba?

[Now playing: My Girl by The Temptations]

I've got sunshine
On a cloudy day
When it's cold outside
I've got the month of May

I guess you'd say
What can make me feel this way?
My girl, my girl, my girl
Talkin' 'bout my girl
My girl

Natawa ako sa napili nilang music, medyo lively ang music kaya medyo mabilis din kaming sumayaw ni Dave. Nakita ko pang umupo ang apat sa bakanteng upuan sa likod.

I've got so much honey
The bees envy me
I've got a sweeter song
Than the birds in the trees

Well, I guess you'd say
What can make me feel this way?
My girl, my girl, my girl
Talkin' 'bout my girl
My girl
Ooo-ooo, hoo-ooo

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now