Chapter 3

1.5K 61 9
                                    


"You may leave now, people!"

People? Ako lang naman mag-isa rito sa detention room, ah. 'Di ba, plural 'yon? Kapag person kasi, iisa lang ang tinutukoy. Kapag people, marami. May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?

Creepy.

I stood up and stuffed my things inside my bag. Hindi ko na kinuha ang self portrait na ginuhit ko at iniwan na lang sa desk. Oo, hindi ko na kukunin!

"Come again," nakangiting wika ng vice president.

"Thank you sa pa-welcome! Babalik ulit ako rito pero sana si Axis na madatnan ko 'no?" masayang sabi ko at nakipag-apir pa sa kanya.

Napanguso ako nang makita ko na naman si Justin na kinakawayan ako. Lumapit siya sa 'kin at tinapik ako sa balikat 'tsaka niya nilingon ang room na pinanggalingan ko.

"Detention room?"

I nodded and looked away. Iyong totoo, hindi man lang ba siya nate-turn off sa 'kin? I heard he's aware about my grades. Ngayon lang ako nagkaroon ng gano'n kalalang grades. Isipin mo, palakol 'yong nasa card ng babaeng gusto mo. Hindi ka talaga magiging proud kapag gano'n. Ganda na lang ang tanging maipagmamalaki niya if ever!

"Nagkita kayo ni Axis?" kuryosong tanong niya.

Tumango ako at sumimangot. Naalala ko na naman 'yong expression niya kanina sa sketch ko. Hindi naman 'yon pangit at kamukha niya pa pero inirapan niya lang ako. Time and effort ko, nasayang. Paano niya ba naa-appreciate ang isang bagay?

"May klase ka?" tanong niyang muli.

"Tapos na," tipid kong sagot.

I walked out but he followed me. Inis ko siyang hinarap.

"Wala ka bang klase?" inis na tanong ko.

"Sa 'yo ako papasok ngayon," pilyong sagot niya.

My brows furrowed. "P-Papasok?"

"Hmm, papasok."

"Bastos ka!" sigaw ko sa kanya.

He scoffed. "Ang bata mo pa para mag-isip ng gano'n, ah!"

Itinikom ko ang labi ko at saka umiwas ng tingin. "Kainis ka!" Hinampas ko ang braso niya at iniwan siya.

Lumingon pa ako at sinigurado ko talagang hindi siya nakasunod sa akin kaya payapa akong nakalabas ng campus. Malapit lang naman 'yong subdivision namin sa school kaya naglakad na lang ako. Nang makarating ako ng bahay, bumungad sa 'kin si Vanessa na sumusulyap sa labas.

"Ginagawa mo riyan?" takang tanong ko at sinilip din kung anong sinisilip niya sa labas.

"Oh, you're here! Sabi kasi ni Aling Marites, may bagong kapitbahay raw tayo."

I rolled my eyes. "Tsismosa ka rin pala, 'no? Vanessa pangalan mo hindi Karen."

"Ngayon daw sila lilipat," sagot niya sa 'kin at 'di pinansin ang sinabi ko.

Umiling lang ako at dumeretso papuntang kuwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama at pumikit. Inisip ko si Axis, sobrang harsh niya sa 'kin pero gusto ko pa rin siya. Iba rin pala ang taste ko sa mga lalaki. Justin's warm but I don't like him. Mas prefer ko 'yong masungit at kunwari, hindi ako gusto o type kasi gusto ko challenging. 

I giggled. What if he likes me too?

Pero nalungkot ako nang maalala ko bigla ang grades ko. Kailan ulit kaya ako magseseryoso sa pag-aaral?

I never like the strand I entered. Hindi ko nga alam kung bakit HUMSS ang napili ko. Siguro, doon ang bagsak ko base sa resulta ng NCAE ko kahit hindi ko naman 'yon sineryoso noon.  Aside from that, I don't want to take STEM and ABM strand. Takot ako minsan sa balancing o sa calculus. Undecided din ako sa course na kukunin ko pero itong strand ang napili ko.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now