Chapter 39

1.1K 34 10
                                    


"Palit tayo ng computer. Ayoko roon sa gilid. Sobrang hirap mag-type sa keyboard!" reklamo ni Ayishi.

Napairap ako at tinaasan ko siya ng kilay. Last day namin ngayon at nabigyan kami ng huling task. Ang ibinigay sa 'kin, isasalin ko raw sa wikang Filipino 'yong gawa ni Edgar Allan Poe, nakalimutan ko lang 'yong title. Mas madali kay dela Merced dahil gagawa lang daw siya ng isang alamat.

"Ayoko nga! Do'n ka na lang," sagot ko sa kanya.

Kung doon kasi ako gagawa, makikita ko si Bridgette dahil malapit lang 'yong puwesto ng computer sa table niya. Mahirap na, baka sabunin ako no'n ng mga tanong kung bakit siya iniiwasan ng best friend niya. Guilty naman ako pero sana marealize niya na hindi lang kay Axis umiikot ang mundo niya. Masiyado na siyang malapit at nakakalimutan na niyang may girlfriend 'yong tao.

"Alam mo? Tang ina ka," inis na aniya at iniwan ako. Bumulong-bulong pa siya at hindi ko na maintindihan 'yon.

Natawa ako sa pagmumura niya. Ang lakas ng loob na murahin ako, hindi naman kami close pero okay lang since si dela Merced naman 'yan. Wala naman siyang atraso sa 'kin kaya okay lang gano'n. Mukha naman siyang mabait at approachable.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa ginagawa ko. Sa halos two weeks na nag-work immersion kami, pinaayos sa 'min 'yong Florante at Laura kung sakto lang daw ba 'yong bilang ng mga syllables. Pinagawa pa kami ng story tapos gagawan ng exam. Medyo kabado pa nga ako noon kasi 'di ko alam gagawin. Na-trashtalk tuloy ako sa kasama ko dahil sobrang bobo ko naman daw kung 'di ko alam ang gagawin. Pinaliwanag na nga raw lahat-lahat, hindi ko pa rin daw nage-gets kaya todo explain siya sa 'kin.

Malay ko ba? Hindi ko naman kasalanan na slow learner ako.

Minsan din, nakararanas ako ng pananakit sa dibdib kapag napapagod ako pero baka siguro, normal lang 'yon. Sinusundo rin ako ni Axis pagkatapos ng oras ng trabaho at 'di niya nga talaga pinapansin si Bridgette dahil daw sa pagkukunwaring may asthma siya at mas pinili niyang ihatid kaysa sa 'kin. Ayaw niya raw sa taong sinungaling.

Kinausap niya rin pala 'yong babaeng kasama ni Bridgette noon na pinagbintangan akong kinuha ko 'yong inhaler niya kahit hindi naman. Hindi ko nga alam kung paano niya napaamin 'yong babae, e.

"Tapos ka na?" tanong ni dela Merced sa 'kin.

Nilingon ko siya at bumaba ang tingin ko sa hawak niyang mga bondpaper. "Hirap magsalin sa wikang Filipino, dela Merced. Edgar Allan Poe pa, oh! Syempre, malalalim 'yung english niyan!" reklamo ko.

Natawa siya. "Tapusin mo na 'yan. Magpapakain daw sila mamaya rito," bulong niya sa 'kin.

"Bilhin mo na lang lahat ng restaurant at fast food chain dito sa Metro, puro ka pagkain, e."

Binatukan niya lang ako ng mahina at bumalik na sa table niya. Sinamaan ko pa siya ng tingin pero lalo niya pa akong inasar. Itinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa ginagawa ko at hindi na niya ako ginulo pa dahil kung hindi, humanda siya mamaya dahil papapuntahin ko si Bautista rito.

Ewan ko ba sa dalawang 'yon, mukhang nagliligawan stage. Kung minsan, nakikita ko pa silang magkasama sa may overpass patawid. Hindi ko nga rin alam kung ba't kinikilig ako. Siguro 'yong thought na parehas silang walang kuwenta makipagrelasyon at iba't ibang babae't lalaki kada araw, at 'yon nga, naging katapat nila ang isa't isa.

"Tapos ka na ba, anak?" tanong sa 'kin ni Ma'am Mae.

Tumango ako at maya pa'y, tinawag niya si Sir Anthony para i-print 'yong gawa ko. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil 4:30 na pala ng hapon. Ngayon ko lang din naalala na University Fair pala ngayon at babalik kami ni Axis doon para manood ng pageant.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now