Chapter 1

3.6K 74 11
                                    

This is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination, and any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Errors ahead.  Expect some typos and grammatical errors so please, bear with me.

Thank you!

———

"Inang 'yan...wala akong maintindihan!"

Kanina ko pa tinititigan ang librong hawak ko ngayon. Math problem ito at hindi ko talaga maintindihan kung paano iso-solve 'yong formula na ibinigay! Pa'no ko ba 'to magagamit sa pang-araw-araw na buhay? X and Y? Variables? Magagamit kaya? Sa palengke, minus at add lang ginagamit doon, e.

Bakit 'di na lang problemahin ng mathematics sarili niyang problema. Sobrang dami ko na ngang problema, dumagdag pa 'to.

"Intindihin mo kasi," mahinang bulong ni Monica, katabi ko.

I raised an eyebrow. "Iniintindi ko nga," iritang sabi ko. "Kailangan kong intindihin dahil may problema," seryosong dagdag ko. 

Kunot-noo niya akong nilingon. "Gago 'to, marinig ka ni Ma'am."

"Virtucio!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang sigaw ni Ma'am Santos sa harap. Dahil sa kaiisip kung paano iso-solve itong punyetang math problem, nakalimutan kong nasa harapan pala siya! Kainis, okay lang sana kung ipinanganak akong math wizard pero hindi naman. 

Hindi ko nga rin alam kung mahina ba talaga ako pagdating sa academics o sadyang bobo lang talaga ako, e. Kahit anong gawin kong pagsusunog ng kilay, wala pa ring nangyayari.

Saktong pagsulyap ko sa labas ng room, nandoon si Axis sa may tapat ng pintuan! Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko siya kaya kumaway ako. Napangiwi ako nang irapan niya lang ako. Ibinulsa niya ang kanang kamay sa bulsa at saka umalis na. 

Ang sungit niya pero okay lang. Mas lalo tuloy akong ginaganahan magpapansin sa poging 'yon.

"Are you listening, Virtucio?!"

Bumalik ako sa reyalidad at saka tumango-tango. Akala mo naman nagtuturo ng maayos. Halos nga lahat ng mga kaklase ko, tinutulugan lang siya. Boring na nga ng teacher, boring pa ng subject. 

Pinatayo niya ako at pinapunta sa harap ng blackboard para sagutan 'yong problema na nakasulat.

Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko alam ang sagot. Sinulyapan ko si Monica para makahingi ng sagot. Naningkit ang mga mata ko nang itaas niya 'yong papel niya pero hindi ko naman makita ng maayos dahil nasa likuran ang upuan namin. 

"Ano?" I mouthed. 

Napakamot siya ng ulo at ibinaba ang papel na hawak at saka isinenyas ang sagot gamit na lang ang kanyang kanang kamay. Nag-thumbs up pa ako sa kanya nang ma-gets ko 'yong isinesenyas niya.

"Elizabeth Shantal, I am so disappointed with you," Miss Santos commented.

Nagtawanan ang mga kaklase ko nang makita nila ang sagot ko. Nag-drawing ako ng kamay na may apat na daliri. Tipid lang akong ngumiti at nawalan ako ng ganang pumunta sa upuan ko. I heard Miss Santos' deep sigh, she's frustrated about my behavior, I guess. Ganito naman lagi ang eksena ko tuwing klase niya.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now