Chapter 23

1K 35 0
                                    


"Natrauma ka ba, anak? Sure ka na bang kaya mo nang mag-kayaking mamaya?" nag-aalalang tanong niya.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok ko at narito kami ngayon sa Bed Parasol at nasa Cabana naman ang mga lalaking kasama namin. Ngumiti ako at tumango-tango.

"Ayaw ko namang sirain 'yong beach outing natin, Tita! Okay na okay na ho ako," masiglang sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang likod ng aking palad. "Thank you for saving my son."

"Hindi ko naman po niligtas, e. Ginawa ko lang po 'yung alam kong gawin."

"You almost died, nuts!" aniya at mahina akong pinalo sa braso.

"Thank you sa anak niyo, Tita."

"Axis knows everything, right?" natutuwa niyang sabi.

Yumuko ako at umiling. "Hindi naman po. Hindi niya nga alam kung paano ako tratuhin ng tama, e."

"Ganoon ba?" malungkot na tanong niya kaya tumango ako. "Sorry sa mga attitude ng mga anak ko ha? Don't worry, magwo-work din kayo ni Axis. It takes time lang. I like you for him."

Tipid ko siyang nginitian. "Talaga po?"

"Yup! Nagustuhan na kita noong unang araw kitang nakita, 'no?" Bumuntong-hininga siya. "Nanghinayang nga ako. Akala ko may girlfriend na ang anak ko," parang batang aniya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Sa madaling panahon at oras na kasama si Tita Gold ay gusto na niya ako agad para sa anak niya. Sobrang nakakatuwa 'yon, hehe.

"Oh, they're ready!" gulat na sabi ni Tita sa nilingon niya kaya napalingon na rin ako.

Umiwas ng tingin sa 'kin si Axis kaya napayuko ako. Hindi ko naman sinasadya 'yong kiss na 'yon, e! Nakagat ko ang labi ko habang nakayuko at ngumiti. Kahit 'di ko sinasadya, first kiss ko pa rin 'yon at first kiss niya ako!

"Okay ka na ba, hija?" tanong sa 'kin ni Tito Art nang makalapit sa 'min.

"O-Opo, si Neutron po?" tanong ko rin kay Tito Art kahit kasama niya si Neutron, baka 'di niya ako kausapin ng matino.

"Alive and kicking!"

Tumawa kaming tatlo maliban sa dalawang anak nila. Psh, kahit kailan talaga. Wala silang saya sa katawan. Ginulo ni Tito Art ang buhok ko kaya napanguso ako. Inalalayan naman ako ni Tita Gold hanggang sa makarating kami sa kayaking activity.

Dalawa lang o isahan ang puwedeng sumakay kaya napagpasiyahan naming hatiin ang apat sa dalawa at 'yong isa ay sa isahang kayak naman. Kasama ko si Neutron, kasama ni Tita Gold si Tito Art, habang si Axis naman ay nag-iisa. Isa-isa kaming nagsuot ng life vest at iginiya kami pasakay sa kayak.

Nagsimula na kaming magpaddle ni Neutron at hindi pa kami nakakalayo habang si Axis ay nasa unahan na namin! Grabe, bilis magpaddle.

"You don't know how to paddle?" inis na tanong sa 'kin ni Neutron.

"I'll try my best," I assured him.

Ginaya ko kung paano siya magpaddle kaya nakausad kami pero nasa hulihan pa rin kami at nauna na sina Tita Gold, Tito Art, at si Axis.

"Ang ganda!" natutuwang sigaw ko habang inililibot ko ang tingin sa tubig at sa paligid.

Hindi umiimik si Neutron kaya napangiti na lang ako. Tahimik niya lang na ina-appreciate ang magandang tanawin pero alam kong natutuwa siya. Sandaling titigil sa pagpaddle si Tita Gold para kumuha ng magandang picture sa tanawin at litatro namin.

Halos isang oras din naming in-enjoy ang kayak at saka napagpasiyahang bumalik na dahil papalubog na ang araw. Maganda raw kasing maglakad-lakad sa puting buhangin habang ine-enjoy ang sunset view.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now