Chapter 8

1.1K 40 5
                                    


"Maganda ba at presentable ba akong tingnan?" nag-aalala niyang tanong.

Inilagay ko ang kamay ko sa aking baba habang tinitingnan si Monica rito sa auditorium. Inikot niya pa ang sarili at inilagay sa likod ng kanyang tenga ang takas na buhok. Magandang babae naman siya at simple lang. 

"Okay na 'yan. Simpleng babae lang naman ang gusto ni Asher," komento ko.

"Maglagay lang ako ng liptint 'no? Blush-on? Huwag na, 'no? Natural na blush on ko mamaya kapag kaharap ko na siya."

Tumango pa ako at nginitian siya. Maganda pa rin siya kahit walang make-up sa mukha. Mapula pa rin ang labi kahit walang tint, matangos at makapal ang kilay. Hindi ko lang alam kung papayag ba si Asher na maging partner niya this coming Senior High ball, ni hindi ko nga alam kung trip ni Asher ang pumunta sa mga gano'ng okasyon, e.

Last school year, hindi siya um-attend ng Valentines ball, formally. Tsk, gumawa pa nga 'yon ng eksena! Pumunta siya pero 'yong attire niya pambahay tapos ako lang ang isinayaw niya! Ang nangyari, siya 'yong naging Valentine's King. Hindi ko rin alam kung anong trip ng mga teachers noon. 

"Tara na!" masayang anyaya niya at hinila ako palabas ng auditorium.

Halos pinuntahan namin lahat ng department para lang makita ang hinahanap namin. Canteen, gymnasium, faculty office, detention room pero hindi pa namin nahahanap si Asher. Hingal na hingal na akong sinundan si Monica na hindi pa nauubos ang energy para lang mahanap si Asher.

"Eli, si Jian Asher!" sigaw ni Monica.

Nilingon ko si Asher, naglalakad siya sa hallway habang nakapamulsa. "Lapitan mo na," utos ko kay Monica.

"E, nahihiya ako!" Parang gusto nang mag-back out.

"Ikaw may balak ayain siyang maging partner, Monica! Ngayong nakita mo, saka ka naman aatras!" inis na sabi ko.

"Tawagin mo siya for me. Please!"

Inirapan ko siya at sinalubong si Asher. Yumuko pa ako at saka tiningnan siya sa mga mata kahit nahihiya ako at nakakaramdam pa ng pagkailang. "Asher, a-ano kasi, 'yung kaibigan ko...may sasabihin," nauutal na sabi ko.

Nakakahiya!

Sinulyapan niya muna si Monica na nasa likod ko 'tsaka muli akong tiningnan. Sa inis ko, hinila ko si Monica at iniharap kay Asher. Kumunot ang noo ni Asher at taka niya kaming tiningnan.

"M-May sasabihin sana ako." Halata ang pagpipigil ng kilig ni Monica. "H-Hindi ka ba magsasalita?" nahihiyang dagdag pa niya. "Okay lang, basta tango lang ang isasagot mo ha!"

Tiningnan lang siya ni Asher, hindi binubuksan ang mapulang labi. Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang eyeglass. Parang dati naman, wala pa 'yon. Nasobrahan ata sa pagbabasa. Lahat ng nakikitang libro kong hawak niya, patungkol sa mga hayop.

"P-Puwede ba kitang maging partner sa Senior high ball?" Batid ko ang garalgal na boses ni Monica.

Umiling si Asher 'tsaka nilampasan kaming dalawa. Hinabol pa siya ni Monica pero agad kong nahila ang kanyang palapulsuhan. "May ibang araw pa para mapapayag mo siya. Sa ngayon, papag-isipan niya pa kung pupunta ba siya o hindi," I assured her.

Bagsak ang balikat niya at ginulo ang buhok. "Nakakainis! Nag-effort pa naman akong ayusin sarili ko tapos mare-reject lang?" reklamo niya.

"Hindi naman kasi 'yon mahilig sa mga gano'ng event at saka hindi ka naman ni-reject," sambit ko.

"Not this time, te. Mapapapayag at mapapapunta ko rin siya," determinadong aniya.

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. "Umuwi ka na tapos mag-practice ka na ng mga lines mo para mapapayag siya. Alam mo naman na 'yung gusto at ayaw niya. Puntahan ko lang si Axis. Bye!" paalam ko at iniwan siya.

Love Me, Chase MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora