Chapter 17

1K 39 14
                                    

"Tang ina. Ang bigat pota," reklamo niya.

Napabalikwas ako ng bangon dahil pagkatapos ng gulong session namin, nasa ibabaw na niya ako. Nag-iinit ang pisngi ko at pakiramdam ko namumula na sa kahihiyan. Bakit ba kasi ang lampa ni Cuevas?!

Nilapitan kami ng kapatid niya. "Oh my gosh! Earl, you okay?" nag-aalalang tanong ni Pearl at saka tinulak ako para tulungan ang kapatid.

Medyo sumakit din ang katawan ko pero nawala rin ang pagkahilo ko kanina. Tiningnan ko si Axis na kunot noong nakatingin sa 'kin. Hindi ka ba nag-aalala sa 'kin? sabi ko sa isip ko.

Nang makarecover ako sa kahihiyan, tinulungan ko na rin si Pearl na ibangon si Cuevas. Mukhang siya ata ang napuruhan at hindi ako!

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

Pinilit niyang tumayo pero hindi niya maitayo ang sarili. Kaagad na tinulungan kami ni Axis hanggang sa maupo siya sa couch at namimilipit sa sakit ang paa. Mukhang na-sprain ata!

"RICE it," kalmadong utos ni Axis.

"Kumuha ka raw ng bigas, Pearla," utos ko rin sa kambal ni Cuevas.

She raised a brow. "Anong bigas at anong Pearla?! My name is Pearl, okay?!"

Inirapan lang ako ni Axis. "May ice pack kayo, Pearl?" tanong ni Axis kay Pearla, okay, Pearl.

"Kuha lang ako. Oh my gosh, pati clean cloth na rin," nag-aalalang maarteng paalam niya sa 'min.

Ini-rest muna ni Axis ang injured ankle ni Cuevas. Nadulas siya pero parang natapilok ata sa hagdan, ewan ko. Basta ang alam ko, siya ang napuruhan at hindi ako. Hindi ko rin naman kasalanan, in the first place! Nadamay lang ako sa kamalasan niya 'no.

Bumalik si Pearl na may dalang malinis na tela, ice pack, at compression bandage ata 'yon? Inirapan niya lang ako at pumunta sa kambal at kay Axis. Hindi na ako nakisawsaw pa sa kanila at pinanood ang sumunod na ginawa ni Axis. Inilagay niya 'yong ice pack sa malinis at manipis na tela at saka inalagay sa injured ankle ni Cuevas.

Naghintay muna ako ng sampung minuto bago niya inilagay ang compression bandage. Nagsimula siya sa taas ng joint para i-secure 'yong bandage at inikot 'yon with a figure of 8 around the injury. Inulit-ulit niya iyong pag-ikot sa injured ankle ni Cuevas hanggang sa maubos ang bandage at sinecure niya 'yon ng dalawang tape 'tsaka naka-elevate na rin ang paa.

Ah, akala ko bigas talaga 'yong RICE method, e. Bagong kabobohan na naman ang naipakita ko ngayon. Nakakahiya!

Rest
Ice
Compression
Elevate

Tumango-tango pa ako kahit wala akong sinasang-ayunan. Nilingon ako ni Axis at sinenyasan na lumapit sa kanya. Napanguso ako at nilapitan siya at saka ko tiningnan si Cuevas na nakapikit na ngayon.

"We're going," paalam niya kay Pearl at hinawakan niya ako sa braso.

Hindi na nagawang makapagsalita ni Pearl nang hilahin na ako ni Axis palabas ng bahay nila. Binitiwan niya ako at blankong tiningnan lang ako. Kumunot ang noo ko at napanguso. Pagagalitan ba niya ako sa nangyari kanina? Hindi ko naman kasalanan 'yon, e!

"I saw what happened earlier," panimula niya.

I looked away. "Hindi ko naman kasalanan 'yon."

"Are you okay?"

Gulat akong napatingin ulit sa kanya. "A-Aray! Sakit ng ulo ko, sakit ng bewang ko, lahat ng parte ng katawan ko!" kunwaring pagpapanggap ko kahit medyo masakit din naman talaga ang katawan ko.

Napangiti ako nang mabilis niya akong alalayan. Umawang ang labi ko nang lumuhod siya patalikod sa 'kin. "Get on," utos niya.

"H-Huh?" takang tanong ko.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now