Chapter 38

1K 32 11
                                    

"Umuwi ka na, miss. Marami pa namang kriminal dito."

Tumingala ako at nakita ko ang isang hindi ko kilalang lalaki sa harapan ko. Imbes na matakot ay tinaasan ko lang siya ng kilay. Nasa labas naman ako ng Fishermall, ah? Safe na safe dito.

"Umalis ka sa harapan ko," kalmadong pagpapaalis ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin. Tumayo ako bigla at sumandal sa poste pero hindi pa rin siya tumigil sa kakakulit sa 'kin. Tumabi rin siya at pasadyang hinawakan ang legs ko!

"Putang inang gagong 'to! Manyak!" sigaw ko sa kanya.

Mabuti na lang at may nagtitinda sa may gilid ng overpass kaya kunwaring nagtusok-tusok na lang ako para makatakas sa kamanyakan niya! Takot na takot ako pero hindi ko pinahalata.

Tanga ko naman kasi. Sinabing umuwi na ako pero hindi pa rin ako umuwi. Gusto ko lang malaman kung babalikan niya ako rito pero alas dose na, wala pa siya.

"Binabastos ka ba no'n?" tanong sa 'kin ng tindera sa tabi na may tindang mga candies, tinapay, cup noodles, gano'n.

Tumango ako at tumawa lang siya. "Baliw 'yon. Huwag mo na lang pansinin," aniya.

Nilingon ko ulit 'yong lalaking hindi ko kilala. Kung baliw siya? Bakit parang lango naman sa droga? Kinabahan ako bigla nang lingunin niya ako at kindatan sabay kagat ng kanyang labi.

Kadiri! Nakakakilabot!

Nag-abot ako ng bayad kay Manong sa kwek-kwek na kinuha ko at kumain sa tabi ni Manong. Napatigil ako sa pagsubo nang may biglang pumisil sa puwet ko!

Napalunok ako bigla at kaagad na itinapon ang binili ko 'tsaka dali-daling umakyat sa overpass para tumawid. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko alam ang gagawin. Pagbaba ko, dali-dali akong pumara ng jeep pero kamalas-malasang nakasakay ang isang lalaking hindi ko na naman kilala!

Hindi ko alam ang gagawin ko nang biglang umandar ang jeep nang mapuno at katabi ko pa 'yong lalaki. Kinakabahan ako at pilit na isinisiksik ang bag ko sa pagitan namin.

Kinilabutan ako nang ipatong niya ang kaliwang kamay niya sa sandalan kaya hindi na ako sumandal pa at niyakap ang sarili. Napapikit na lang ako nang marahan niyang haplusin ang balikat ko pababa sa tiyan ko!

"Kuya, huwag..." nanginginig na sambit ko nang himasin niya ang tiyan ko. "Tang ina ka talaga, e! Kuya, para!" buong lakas na sigaw ko, mangiyak-iyak pa.

Dali-dali akong bumaba ng jeep pero nakita kong bumaba rin siya! Wrong move! Pero laking pasasalamat ko nang makita ko ang isang college student na criminology dahil sa uniform na same university ko rin. Bumaba rin siya kasabay namin ng lalaking manyak!

"I already called the police," bulong niya nang makalapit sa 'kin.

Nagulat pa ako nang bigla niya akong akbayan at hinarap ang manyakis na kanina pa sunod nang sunod sa 'kin! Nasa madilim kaming parte sa gilid ng daan at kakaunti lang ang mga taong dumadaan.

Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaking bastos  at biglang nagpakita sa amin ang kasama niya pang dalawa! At ang isa sa kanila ay 'yong na-encounter ko sa labas ng fishermall kanina!

"Drugs," bulong sa 'kin ng criminology student na nakaakbay pa rin sa 'kin.

"Ibigay mo na sa 'min 'yan para walang magkasakitan dito, oh," sabi ng isa.

Nagulat ako nang bigla akong tinulak ng criminology na kasama ko sa kanila. Taka ko siyang tiningnan at hinampas ko siya sa braso nang bumalik ako sa tabi niya.

"Ipapahamak mo ba ako?!" I hissed.

He chuckled. "Try lang," aniya pa!

Wow!

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now