Chapter 37

1K 28 15
                                    

"Tang ina! Buhay ka pa ba?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Kaagad kong iminulat ang mga mata ko. Nandito sina Vanessa, Monica, at si dela Merced sa kuwarto ko. At anong ginagawa niya rito?

"Buti na lang may binalikan 'tong haponesang 'to," sabi ni Monica.

Nag-aalala akong tiningnan ni Vanessa. "May sakit ka ba? Gusto mo magpa-check up na tayo sa doctor?"

Kaagad akong umiling. "Wala 'to," sabi ko.

"Iniwan lang kita roon kasama ang boyfriend at 'yong babaeng maputi, hinimatay ka na agad. Saan ba 'yong bobong boyfriend mo at iniwan ka?"

Kaagad siyang siniko ni Monica. "Oy! hindi bobo 'yon, 'no? Matalino kaya 'yon!" tanggol niya pa kay Axis.

"Gano'n? Bakit naiwan 'to doon?"  sabay turo niya sa 'kin.

"H-Hinika kasi 'yung babae," sagot ko.

"Babae?" tanong ni Vanessa.

"Best friend niya. Sinumpong ng hika tapos nagpahatid."

"Bobo pala si Axis, e! Hinika lang 'yon, e, ikaw?" sabat ni Monica.

"Bobo ka pala, e," sabi naman sa 'kin ni dela Merced.

Hinawakan ko ang dibdib ko at tinaasan siya ng kilay. "Wow! Close tayo?"

"You're welcome," nakangiting aniya.

"T-Thanks," nasagot ko na lang sa kanya.

Umalis na rin sina Monica at dela Merced dahil gabi na raw kaya si Vanessa na lang ang naiwan sa kuwarto ko. Umupo siya sa kama ko at sinuri ang lagay ko.

"Sure ka na ayaw mong magpacheck-up?" tanong niya.

"Okay lang ako. Wala 'to," I assured her. "S-Si Axis? Pumunta na ba rito?"

Malungkot siyang umiling. Hindi pa ba nakakauwi galing sa best friend niya o baka hindi niya lang alam ang lagay ko ngayon?

"Weh? Hindi niya ba alam?"

"Mmm."

Pagkatapos ng usaping 'yon, dumaan ang gabi nang hindi pa rin niya ako binibisita. Siguro nga, hindi niya alam. Oo, iisipin ko na lang na hindi niya alam para 'di ako mag-overthink na mas pinili niya 'yong kaibigan niya kaysa sa akin.

Hindi ko lang kasi ma-gets kung ba't kailangan pang dumikit-dikit kay Axis. Oo, alam ko namang siya 'yong nauna at hindi dapat pagselosan pero bakit parang hindi niya alam ang dumistansya at limitasyon sa mga kilos niya?

Kung ako naman siguro 'yong may best friend na lalaki, kung may boyfriend na siya, didistansya ako 'no. Kahit ako 'yong nauna, hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para dumikit-dikit ng gano'n kalala.

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapasok ng maaga sa work immersion. Pagkarating ko roon, binati ako ng guard at syempre hindi naman ako masama para 'di bumati 'di ba?

"Good morning din po," bati ko rin at saka tinanguan siya.

Madilim pa lang at hindi pa nabubuksan ang ilaw ng department at kakaunti pa lang ang narito. Mabuti na lang at wala si Bridgette, kailangan kong kumalma. Umupo ako sa puwesto ko at sinimulan nang tingnan ang librong binigay sa 'min.

Ico-correct ko lang naman mga mali 'di ba?

"Good morning," biglang bati sa 'kin ni Ma'am Ann kaya nagulat ako ng kaunti!

"Good morning din po, Ma'am," bati ko rin sa kanya.

"Dapat nagdala ka ng tasa mo. May libreng kape naman doon at mainit na tubig," aniya pa.

Love Me, Chase MeWhere stories live. Discover now