Chapter Twenty-two - (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Is that how you love? Is that how you make yourself happy? Let them torture you and leave you? Kung maibabalik lamang niya ang oras at panahon ay hindi na lamang niya ito linapitan at tinulungan. Iyon na pala ang simula ng kanyang pagkabagsak.

"Feti." Nakaduko lamang siya sa lupa habang tumutulo ang luha at humihikbi. Hindi niya inalintana ang tinig na tumawag sa kanya.

"What have you done?" Sa huli ay napatingin siya sa isang magandang babae na nakasuot ng maputing bestida na humihiyaw ang buong paligid dahil sa presensiya nito. The Lux is here,Jessica is here, and now she needs to accept kung ano ang kapalit ng ginawa niya.

"You made a chaos to the Realm and you have to face the consequence." Sabi nito at unti-unting nawawala. Sa isip niya ay bakit hindi na lamang ito ngayon gawin ng Lux, she wants everything to be done. Gusto na niyang tapusin ang lahat. She is tired, at wala na siyang lakas pa sa mga susunod pa na mga araw.

Sa loob ng palasyo, sa isang espasyo ng isang prinsepe ng Erosia. Magiliw na naglalaro ang amang Hari at ang kanyang anak na si Jomar. Hinubad niya ang kanyang korona at pinahawakan ito sa anak.

"Sa susunod ay ikaw na ang mangangalaga nito anak." Sabi niya sa limang taong gulang niyang anak na magiliw nitong ininspeksiyon ang korona.

"Talaga po ama?" Sabi nito at sinukat ang korona na nagpahalakhak ng hari.

"Hindi pa kasya sayo yan, sa susunod na karapat-dapat kanang mamuno ay magiging sayo na iyan."

"I wish you wouldn't mind if I intrude, uncle." Napalingon ang hari sa may bintana at nadilat ng malaki ang kanyang mga mata. Agad na humanda ang mga kawal na nakabantay lang sa may pintuan ng silid at pinapakiramdaman ang galaw ng lalaki.

"Tahoba, paano ka nakapasok dito? At bakit ang tagal mong nawala?" Sabi niya at dinala ang prinsepeng eros sa likod niya na parang pinoprotektahan. Naglakad ito papunta dito kaya napaalisto ang mga kawal at akmang suusgod ang mga ito ng itinapat niya ang kamay dito na nagpatigil sa mga ito at natumba.

"How dare you? Hindi mo makukuha ang trono, hindi ko hahayaang sirain mo ang kaharian dahil lamang sa iyong pagkaganid sa kapangyarihan." May kalakasan na sambit ni Haring Labnog. Humahalakhak ng malakas si tahoba at malalim ang mga matang tumitig sa hari na nagpalunok nito.

"Nagkakamali ka, hindi ko balak kunin ang nararapat sa akin, kukunin ko ng buong-buo ang elenos." Sabi nito at humalakhak ulit.

Napatingin ito sa prinsepe na nakatago lamang sa likod ng hari. Nginitian niya ito ng nakakaloko na nagpangiwi ng prinsepe at humikbi.

"Magandang araw mahal na prinsepe." Sabi niya dito.

"Huwag kang matakot sa akin." Ngumisi siya ng malaki na nagpaiyak ng tuluyan ng prinsepe.

Biglang bumukas ang pintuan ng silid at may pumasok na isang kawal.

"Mahal na hari, sinasalakay po ang kaharian ng mga hindi nakikilalang mga kawal. Marami po sila mahal na hari."

"Sinira mo ang katahimikan ng buong elenos Tahoba. Hindi ko hahayaang mangyari ang binabalak mo. Scutum terrae!" Sabi nito at gumawa ng shield at naglakad palabas. Ngumiti lamang ang isa at hinayaan ang mga ito.

Dumungaw siya sa bintana ng silid at namangha sa nakita. Mga Eros na nakikipaglaban sa mga kapwa nito mga Eros. Parehong mga anyo subalit magkaiba ang paniniwala at pinapanigan.

"Maghasik kayo ng lagim aking mga Bugad."

The sorroundings turn into a misty fog and the darkness filled the day. Napuno ng kilabot ang buong palasyo at tinig ng mga espada at hiyaw ng mga Eros ang maririnig. Hampas at pagsabog ng kung anu-ano at lahat ay ipinagtatangol ang mga sarili.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now