Chapter 08

85 12 1
                                    

I CAN'T sleep. God. This is so annoying.

    
             
"Fuck you, Lutris."
     
       
        
This is all your fault!
      
     
      
Pagkatapos nang nangyari kanina ay dumiretso ako sa kwarto. Alas onse na ng gabi at hindi pa ako kumakain. Ayaw kong lumabas at baka makita ko siya doon.
    
            
        
Baka may magawa akong mali.
     
      
       
I let out a deep sigh and decided to go out when my stomach groan. Nagugutom na 'ko.
      
      
          
Mahina akong nagmumura habang walang ingay na naglalakad papunta sa kitchen. I won't stop cursing Lutris.
     
     
       
Tangina.
     
     
      
Binuksan ko ang ref at balak na sanang kumuha ng pagkain nang may sumagi sa isip ko. Mula sa pag kakayuko sa ref ay napatayo ako ng tuwid at napangisi. Lumapit ako sa isang bintana at tinignan ang mga tao.
     
       
      
Right.
     
     
      
Hindi naman siguro ako mamamatay kapag uminom ako ng beer nang walang kain. Let's get waisted!!
    
     
       
I saw some foods near the microwave when my eyes roamed. It was covered by plastic wrapper. Kinuha ko 'yun at kinain. Then I realized. He cooked?
    
     
     
Iniwan ko sa sink ang kinainan ko at pumasok sa kwarto ko. I'm wearing my leather tube and pencil skirt. Ang itim na heels na suot ko ay may malaking takong. Hapit na hapit 'yun sa katawan ko. I even put light make up and clear lip gloss to flex my bubbly lips. Hinayaan ko lang na nakabagsak ang makulot kong buhok.
      
      
      
Nilisan ko ang hotel room namin nang mabilis. Hindi ako gumawa ng anumang ingay na ikagigising ni Lutris. Nang tuluyan akong makalabas ay parang nabunutan ako ng tinik.
     
     
       
Rinig na rinig ko ang malakas na tugtug sa loob ng bar at ang mga sigawan nila. I can't wait to enter. Parang kulang ako sa alak.
     
     
      
Papasok na sana ako sa loob nang harangan ako ng dalawang bouncer. Napataas ang isa kong kilay.
     
     
    
"Miss, bawal ang minor dito." Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi 15 pa lang si Kaira?
     
      
     
"I'm not a minor, do I look like one?" Irita kong sabi.
   
    
     
"I. D po miss," nagtiim bagang ako at kukuha na sana ng ginawa kong fake I. D sa bulsa ng palda ko pero wala do'n.
   
          
      
I left it inside the hotel. Nakalimutan ko.
  
    
      
"Tanga nga naman." Nanliit ang mata ng isang bouncer saakin. Tila sinusuri ako kung hindi ba talaga ako minor o minor. Napairap naman ako at nakahanap agad ng paraan.
     
   
      
"Kilala niyo ba kung sino ang anak ng my ari nitong bar?" Napataas ang dalawa kong kilay. I crossed my arms and waited for their answer.
    
     
     
I'm expecting some goose bumps or pagkatamlay dahil sa narinig but then nakita ko ang pagngisi nila. Mukhang kilala ata nila.
   
     
     
"Yes miss," pagkasabi nila no'n ay wala na akong nagawa kundi ilabas ang baril ko. Itinaas ko ito sa ere at itinutok sa kanila. Kita ang gulat sa kanilang mga mukha. Wala namang tao sa labas kaya confident ako.
    
     
    
"Well then, do you know who's the owner of this gun?"
    
    
     
"No miss," sinabi niya 'yun ng natatawa. Tinatawanan ako.
    
     
     
"Saan mo nabili 'yan miss?" The other one laughed. Mukha ba akong nagbibiro sa lagay na 'to?
    
     
      
Pinaputokan ko ang isa. The bullet is just like a small crystal ball, kapag natamaan ka nito at mabasag ang bolang 'yun, natitiyak kong makakatulog ka.
    
    
     
Probably a sleeping gun. I called it, catnap. Walang ganito sa lahat ng bansa.
    
     
     
Napalaki ang mga mata ng isa pang bouncer na agad kumuha ng baril at pinaputok 'yon sa noo ko pero itinabingi ko lang ang ulo ko, nailagan ko.
   
     
     
Bumuka ang labi no'ng bouncer at nanginginig siyang nagsalita.
   
     
     
"S-Sino ka," may takot sa boses nito.
    
     
     
"You don't wanna know," agad kong pinutok 'yun sa noo niya at nakatulog agad siya. Masakit sa balat 'yon.
     
     
     
Nilagay ko ang baril na 'yun sa may inner thigh ko. Mapapansin kasi 'pag sa gilid, dahil naka pencil skirt ako. Nakangiti akong pumasok sa loob na parang walang nangyari. Nagmumukha akong bubbly little girl sa lagay ko.
     
     
     
Inalis ko ang ngiti ko at pinalitan ito nang walang emosyong tingin. Maraming mata ang napatingin sa gawi ko at maraming ulo ang napalingon nang tuluyan akong makapasok sa loob. Binalewala ko ang paghakot ko ng atensyon at dumiretso sa counter.
    
     
     
"One life saver long island," sabi ko sa lalakeng nasa counter bago umupo sa stool.
   
   
    
The guy was looking at me while making my drink. Parang nagpapakitang gilas. I rolled my eyes on him. He's handsome but Lutris is more handsome.
    
     
     
Pinilig ko ang ulo ko nang maisambit ko na naman ang pangalan niya kahit sa isipan ko.
    
     
      
Bakit kaya pumapasok siya sa isipan ko bigla-bigla. Nakakasakit din ng ulo minsan. Ano bang ginagawa niya sa isipan ko at palagi siyang iniisip nito. Mukha ba akong may gusto sakaniya?
    
     
      
Nilapag ng lalaki sa harap ko ang inorder ko. Agad kong ininom ang cocktail. Nalasahan ko agad ang limang klase ng alak na inilagay sa cocktail ko.
    
     
     
Vodka, Rum, Gin, Tequila at Island pucker. Hindi ko namalayang nakalahati ko na ang cocktail. Yes, I'm thirsty for this shit.
      
     
    
I'm hoping, that this shit won't make me go dizzy. Napatingin ako sa mga table nang maramdaman kong may nakatingin saakin.
     
     
    
Weird.
    
     
     
I can feel it. Hinawi ko ang buhok ko sa likod ng taenga ko at ibinalik sa cocktail ang paningin ko. Naubos ko ang cocktail kaya umorder ulit ako. Masarap ang alak, lalo na kapag ganitong mag-iisang buwan na akong walang tikim.
     
    
      
Naramdaman ko ang pag upo ng isang lalake sa tabi ng stool ko dahil nakarinig ako ng mahinang kalabog. Nalaman kong lalaki ang katabi ko dahil sa pabango niya.
    
      
       
"One glass of martini please," sabi niya. Malalim ang kaniyang boses, sakto lang sa lalim.
    
     
     
Napatingin ako sakaniya nang maramdaman ko ang titig niya saakin. Hindi nga ako nagkamali, nakatitig nga siya. Kahit hinarap ko na siya hindi niya parin niya inaalis ang titig niya sa'kin bagkus ay sinalubong niya pa ito.
    
          
      
"I saw you," tumaas ang kilay ko sa mga sinabi niya.
    
    
     
"So?" binalewala ko siya at om-order ng vodka. Wala rin akong pake kung ano ang tinutukoy niya.
     
     
     
"Nothing." He chuckled, "Silly girl." Kumunot ang noo ko dahil doon.

Amour - under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon