Chapter 41🌟

28 3 0
                                    


Monique's pov

"Pakitawag na yung Grade 10, kayo na yung sunod" sabi sakin nung assistant nung photographer.

"Sige po"

Dahan-dahan ko binuksan yung pintuan at dahan-dahan ko rin ito isinara. Tumaas ako para pumunta sa classroom namin. Naglalakad ako sa hallway at nakita ko si Lawrence at Laurene?

Bakit ba magkasama sila? Gusto na kaya ni Laurene si Lawrence tas si Lawrence naman si Laurene?

Nagtago muna ako sa malayo para hindi nila ako makita at tinitignan lang sila. Meron silang pinag-uusapan pero hindi ko ito marinig. Mukang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa pero bakit sila nakatitig sa mata ng isa't isa.

Required ba na pag nag-uusap naka tingin sa mata ng isa't isa? Hindi ba pedeng usap lang at walang tinginan sa mata ng isa't isa?

Magyayakapan na sana sila pero syempre hindi ko yun hahayaan na magyakapan sila ng basta basta.

Tumakbo ako ng mabilis at sinubukan sila pigilan.

"Guys, I-its our t-turn" sabi ko at gumana ito, hindi natuloy ang yakap na muntik na mangyari.

Pero bakit ka na utal?

"Ah sige, sunod nalang kami" sabi ni Lawrence.

"Hindi! I mean hindi pede kase ngayon na, as in ngayon na talaga"

"Ah sige, sila Vanessa pataas na ata" sabi ni Lawrence. "Ah, Lawrence patawag sila Vanessa at Colten tas tatawagin lang namin ni Laurene yung classmates natin at yung iba pa" naghanap ako ng paraan para malayo sila sa isa't isa.

"Sige" bumaba na si Lawrence at pumunta naman kami ni Laurene sa Grade 10 rooms.

Pununta na kami sa room kung saan kami pipicturan.

Dumating na sila Vanessa at umupo na kaming lahat. Inayusan na kami at nagsimula na magpicture.

"Monique, smile" sabi sa'kin nung photographer. Ngumiti ako pero maliit na ngiti lamang. "Bigger smile, Monique" pinilit ko yung ngiti ko at sa wakas ok na.

"Ok, next"

"Beh, anong pic yung gusto mo" tanong sakin nung editor na kasama nung photographer. "Eto nalang po" tinuro ko yung picture na pinaka nagustuhan ko.

Hinubad ko na yung toga at lumabas. Nakita ko na magkausap si Lawrence at Laurene tapos si Colten at Vanessa naman ang magkausap.

Tinignan ko lang sila at maya maya naman tumingin si Vanessa sa'kin. Iniintay ko na tawagin nya ako pero tinignan lang nya ako at tinuloy kung ano man ang sinasabi ni Vanessa kay Colten ganun din ang ginawa ni Lawrence.

Mukang napaglapit ko ulet yung mga taong pilit kinalimutan ang isa't isa kaso mukang ako naman yung nawala.

Lumayo nalang ako sa kanila at umupo sa may bintana kung saan ko nakita si Lawrence at Laurene kanina.

"Ok ka lang?" Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Mark nakatayo.

"Oo, ok lang ako" sagot ko sa kanya.

"Mukang hindi" umupo sya sa tabi ko at sinabing "Sabihin mo kung ano yung kinalulungkot mo nandito lang ako makikinig sayo"

"Feeling ko kase di ako belong sa kanila"

"Huh? Bakit naman? Lagi kayong magkakasama ah"

"Dati yun, ngayon close na ulet si Colten at Vanessa tas si Laurene at Lawrence rin close na ulet...kanina nung nag-uusap sila sa isa't isa tinignan lang nila ako"

"Nafefeel kita kase ako rin dati sa dating school ko halos lahat kaibigan ko tas nung lumipat ako dito meron akong naging kaibigan kaso mukang nakalimutan nya na ko"

"Sino naman yun?"

"Di ko pede sabihin"

"Pero gwapo ka, madaming meron crush sayo dito simula nung naging partner ka ni Vanessa sa prom at nanalo kayo nagbago ka, di mo na sinusuot yung glasses mo tas pati style mo nagbago"

"Tama ka madaming nagbago sa'kin pero masaya na ko at sana ma-alala na ko nung taong dating hinangaan ko at hanggang ngayon hinahanggaan ko"

"Sana nga"




365 DAYSWhere stories live. Discover now