Chapter 22🌟

67 3 0
                                    


----------<3----------

Nagising na si Minjun at nakita na malapit na sila kung saan sila sasakay papuntang Puerto Galera.

"Vanessa, wake up" ginigising nya si Vanessa. Nagising si Vanessa at sabay ngiti kay Minjun.

Nakita nila na nakarating na sila sa kanilang sasakyan papunta sa beach. Bitch? Beach? Bitch? Ahh beach.

Pumasok na si Ms. Bautista sa loob ng bus para tulungan sila sa kanyang klase.

"Pede nyo na kunin yung tickets para sa students dito nandun kay Ms. Kim" sabi ni Ms. Bautista sa kanilang dalawa.

Mulinh hinawakan ni Minjun ang kamay ni Vanessa at bumaba na sa bus at hinanap na si Ms. Kim. Pagkakita nila kay Ms. Kim ay nilapitan nila ito. Sumunod ng magdatingan ang iba para kunin ang tickets.

Kinuha na nila ang mga tickets at bumalik sa kani-kanilang bus. Pinamigay na nila ang mga tickets at isa isa na silang pinababa para kunin ang mga bags.

《Time skipppppp》

Vanessa's pov

Nandito na kami kung saan kami tutulog or tutuluyan namim at inaassign na ang mga kwarto. Dahil malalaki yung rooms kada room anim na tao ang matutulog.

Putek kaming anim ni Colten, Minjun, Laurene, Lawrence, Monique at ako ang share sa kwarto.

Well wala naman akong choice.

Nauna na kami ni Minjun sa kasalukuyan ay papunta na kami sa amin kwarto. Hindi sya hotel pero maganda sya hindi din sya ganun ka mahalan sakto lamang para sa aming lahat pinili namin toh para makasama ang lahat. Si Minjun ang may dala ng luggage ko at ako naman ang may dala ng backpack namin.

Nandito na kami sa tapat ng room namin at bubuksan ko na ito nang marinig ko si Monique.

"Vanessa!" Sumigaw sya habang tumatakbo. "Ano?" Tanong ko sa kanya dahil para syang batang meron laruan na makikita pagbukas ko netong pinto.

"Wala lang, wala akong susi eh pati makiki third wheel sa inyo baka langgamin kayo" pabiro nyang sinabi. Binuksan ko na ang pinto at papasok na ko nang hinawakan ni Monique at braso ko at binulong sakin na "Vanessa ingat ka please wag ka magtitiwala kahit kaninong nasa paligid mo kase meron isang tao na pinagmamasdan bawat kilos mo ayoko muna sabihin sino yun basta dumikit ka kay Minjun kahit saan ka pumunta kung mag-cr ka man paantay ka sa labas" pagkatapos nya sabihin yun tinignan lang ako ni Monique at pumasok na sya at hinila nya ako sa loob.

Wag ko pagkakatiwalaan ang lahat ng nasa paligid ko? Pero dumikit lang ako kay Minjun. So, ingat at wag ko pagkakatiwalaan kahit sino except kay Minjun. Ibig sabihin pati si Monique na kausap ko ngayon hindi ko pede pagkatiwalaan ngayon.

Umupo ako sa isa sa mga kama sa loob dahil ang kwarto ay meron tatlong higaan kada higaan ay dalawang tao ang pedeng humiga.

Habang iniisip ko ang sinabi ni Monique ay pumasok bigla si Laurene, Colten at Lawrence.

Ewan kung bakit pero nag-iba ang tingin ko kay Laurene nang makita ko sya.

Ano etong nararamdaman ko parang hindi ako mapakali na kasama sya sa iisang kwarto. Hindi lang siguro ako sanay na kasama sya sa iisang kwarto yun lang yun.

"Vanessa...my dear bestfriend" mabagal na pagkasabi ni Laurene.

(O_O)

"Oh Laurene my bestfriend" nabigla ako pero masama naman kung hindi ko ibalik ang kanyan sinabing B-E-S-T-F-R-I-E-N-D.

Ngumisi lang sya at naghanap ng paglalagyan ng luggage nya.

"Oh? Tatlo lang yung bed?" Tinanong nya habang tinitignan yung buong kwarto. "So, sino ang magtatabi?" Tanong ni Lawrence.

"Pede naman kaming tabi ni Minjun tas si Colten at Lawrence then si Laurene at Monique" sabi ko habang nagpapagulong-gulong sa kama.

"Pede naman ok lang ba sa inyo ni Minjun?" Tanong ni Laurene. "Wala naman masama kung magtabi kami" sagot ko sa kanya.

"Well ano pa ginagawa natin" sabi ni Colten at nagtayuan na lahat inaayos yung mga gamit at kung ano ano pa.

"Gusto nyo ba mag-swimming?" Tanong ni Lawrence dahil nakahiga lang kami yung iba nagaayos ng gamit. "Sige palit lang ako" sabi ko. "Vanessa sabay na tayo" kinuha ni Monique ang kanyang damit "ikaw Laurene?" Nabigla ang lahat sa tanong ko na yun kaya kumuha na ng pampalit si Laurene.

Isa isa ko kayong susubukan di ako mapapakali kung sino ang pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

Nasa loob na kami ng cr at nakita ko na naka rush guard silang pareho habang ako naman naka one-piece na swimsuit at naka shorts.

(O_O)

Tingin ni Laurene sakin dahil hindi naman ako ganto dati magsuot ng swim wear.

"V-V-Vanessa yung suot mo" gulat na gulat na pagkakasabi ni Laurene. "Masanay ka na Laurene" sabi ni Monique kay Laurene habang zinizipper nya yung rush guard nya.

Lumabas kami at nakita ko na gulat na gulat din si Colten dahil never pa nya ko nakitang nagsuot ng ganto.

"Is that all you are going to wear?" Tanong ni Minjun. Tumango lang ako. "Ok, better than the last one" sabi ni Minjun.

Someone's pov

Vanessa be careful you never know what's coming ahead.

365 DAYSWhere stories live. Discover now