Chapter 6🌟

146 6 1
                                    


Arghhhhh!

Nandito na naman ako sa school.

Ayoko na pumasok. Tinatamad ako pumasok. I hate school! Bakit ba kasi kailangan mag-aral e mamamatay din naman.

Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng libro at nakita ko si Colten na nakuha rin ng mga libro n'ya.

"Hi, Vanessa." I do. Hi, hi pa. I do na agad.

"Ano kailangan mo?"

"Wala pansin ko kasi parang lumiit ka." Porket matangkad siya ang dali niyang sabihin na ang liit ko.

"Gago!" 

"Akin na libro mo," binigay ko kay Colten mga libro ko at pumunta muna kami sa garden ng school ini-intay ang first class namin.

"Nasa'n 'yong iba?"

"Simula kahapon 'di ko nakikita 'yong mga 'yon," nakita ko ang lungkot sa mukha ni Colten. Wag ka na malungkot, na'ndito naman ako.

"Tawagan ko si Laurene at Monique," tinawagan ko muna si Laurene.

Phone call

"Laurene?"

"Ano kailangan mo?" bakit ang cold? Ano bang meron? May nagawa ba ako sa kanya?

"Kasama mo ba si Monique at Lawrence?"

"Hindi."  tipid niyang sagot sa akin.

"Ah sige, punta ka rito sa garden please,"

"Sige, hintayin mo ko 'jan." Ibinaba na niya 'yong phone call at pagkatapos sunod ko tinawagan si Monique.

Phone call

"Monique?"

"Ano?" Hala, ikaw din ba? Ano bang nagawa ko sa inyo?

"Asan ka?"

"Nagpa-park ng kotse ko, bakit?"

"Punta ka dito sa garden ng school please Monique."

"Bakit ko naman kailangan pumunta jan?"

"Wala lang bigla kasi kayo nawala kahapon," bakit ba kasi kayo umalis na lang na parang may problema.

"Sige padating na 'ko."

Colten's pov

Ano ba meron dito kay Lawrence ang tagal sumagot.

Phone call

"Hoy, Lawrence!"

"Ano problema mo?" Ano bang nagawa ko sa lalaking 'to? Hindi naman siya ganito a.

"Wala basta pumunta ka na lang sa school garden bilisan mo ha."

"Oo sige." Binabaan niya ako. Bastos 'to a.

3rd person pov

Pagkatapos tawagan ni Vanessa at Colten sila Laurene, Monique at Lawrence.

Sa hallway dumaan si Lawrence habang si Laurene sa second floor galing at si Monique sa shortcut dumaan kasi galing s'ya sa parking lot.

Naunang dumating si Lawrence pero napatigil s'ya nang makita na nagtatawanan si Vanessa at Colten.

Napatigil din sa pagbaba si Laurene gawa na nakita n'ya na masaya si Vanessa at Colten.

Sa bandang kanan ni Lawrence na'ndun si Monique, galing sa shortcut, tinitignan si Lawrence.

Napatigil silang tatlo habang nakatingin kanila Colten at Vanessa.

365 DAYSWhere stories live. Discover now