Chapter 35🌟

49 5 0
                                    


"Bakit sila nandito?" Tanong ni Vanessa.

"Malay ko...ano susundan pa ba natin?" Tanong ko kay Vanessa.

"Oo, kahit saan pa sila magpunta susundan natin sila...pero anong ginagawa nila dito?"

"Malay ko, baka magsasaya sila ano pa ba gagawin nila dito?"

"Halika na sundan na natin sila"

"Teka lang"

Sumunod na kami at inintay sila makapasok.

"Ate isang ticket nga po"

"Bakit isa lang?" Tanong ko sa kanya.

"Sari-sariling bili ng ticket noh"

"Ako nga din ate isa"

Kinuha na namin yung tickets at pumasok na.

"Asan na sila?" Tanong ni Vanessa.

"Ayun oh nakapila"

Tumingin kami at bigla nalang lumakad si Vanessa at pumila.

"Sure ka sasakay ka jan?" Tanong ko sa kanya. "Wala naman akong choice diba"

Ilan minuto at sumakay na rin kami. Kumapit si Vanessa ng mahigpit.

"Kala ko ba hindi ka takot"

Bigla nya tinanggal nya ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hindi nga"

Nagsimula na yung rollercoaster at...

"Putangina!"

"Ayoko na!"

"Gusto ko na bumaba!"

"Ano ba kase pumasok sa utak ko?!"

"Tangina di sila bagay!"

"Ang panget nung babae!"

"Ang oily nya!"

Lahat na ata isinigaw nitong babae na toh.

Natapos na yung ride at eto ako nagiintay sa harap ng cr.

"Ano tapos ka na ba?"

"Oo, asan na sila?" Tumingin sya sa paligid.

"Ayun oh" tinuro ko kung nasaan sila.

"Kanina pa ba sila jan?"

"Oo, napakatagal mo kaya sa cr"

"Paalis na sila"

Sinundan ulet namin sila at may dala na teddy bear yung babae.

Pumila sila sa ferris wheel. Pumila din kami.

"Halika sumakay nadin tayo" hinila nya ko at umupo kami sa tigkabilang dulo.

"Sabihin mo...hindi sila bagay diba? Hindi diba? Panget si gurl diba? Sabihin mo oo"

Tumingin sya sakin at may mga luha na sa kanyang mga mata.

"Oo diba?" Sabi nya habang may luha na tumulo mula sa mata nya.

"Oo, hindi sila bagay. Hinding hindi, Oo, panget sya" niyakap ko sya at dun tumulo na ang mga luha nya.

Hinigpitan ko ang yakap ko dahil alam ko na eto naman ang kailangan nya ngayon.

"Ok lang yan"

Bumitaw sya sa pagkakayakap at inayos ko ang buhok nya na nasa mukha nya.

Bumaba na kami at nakita namin na umalis na si Minjun.

Sumakay na kami sa sasakyan at tulala si Vanessa.

Dinala ko nalang sya sa isang fast food restaurant.

"San mo gusto pumunta?" Tanong ko kay Vanessa pero tulala lang siyang kumakain.

"Vanessa" tinawag ko ulet sya. "Huh? Oo, busog na ko" ngumiti sya.

Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman mo nakukuha mo parin ngumiti.

"Sabi ko kung meron ka pa ba gusto puntahan"

"Wala na...sa bahay nalang...ok na ko dun" pinipilit padin nya ngumiti.

"Ok lang, wag mo na pilitin ang ngiti mo sa harap ko...alam ko yung sakit na nararamdaman mo, wag ka na magkunyari pa, basta tawagan mo nalang ako pag meron kang kailangan"

"Oo nga pala Colten, lilipat na ko ng school para mag senior high at siguro sayo ko lang sasabihin kung saan ako lilipat"

"Bakit ka naman lilipat? Pano na si Monique? Lawrence? Ako? Si L-laurene?"

"Siguro papahinga muna ako sa mga problema"

"Si Minjun? Hihiwalayan mo na ba sya?"

"Hindi muna, iintayin ko na sa kanya na manggaling yung mga salita na yun...dun siguro handa na ko"

"Papaalam mo ba toh kanila tita?"

"Hindi, kung lilipat man ako pede ba na wag mo sasabihin sa iba kung saan ako mag-aaral at siguro condo muna ako para wala talagang maka-alam tas uuwi nalang ako pag meron akong time...naniniwala parin naman ako na balang araw mabubuo ulet yung squad natin"

Natapos na kami kumain at ipapakuha nalang daw nya kotse nya. Hinatid ko nalang sya dahil delikado na baka wala padin toh sa sarili baka ano pa mangyari.

"Tawagan mo nalang ako pag meron kang kailangan" bumaba na sya sa kotse at nanghihina parin siya dahil hindi naman nya iniisip na mangyayari lahat ng ito.

Eto yung Vanessa na kilala ko handang masaktan para maging masaya ang ibang tao.

365 DAYSWhere stories live. Discover now