Chapter 20- Levi

9 1 0
                                    


      ~Zipporah~

Di ko tuloy nasagutan yung assignment ko. Namaga pa nga yung mga mata ko dahil sa pag-iyak. Bumili na lang ako ng fake eyeglasses para di masyadong halata.

Dumaan yung friday then sunday service. Kinausap din naman ako ni Shekinah. Of course, I assured her na okey lang ako at masaya ako para sa kanila.

Humingi lang ako ng space kay Deu para sa pagmomove on ko.  Pansin ko din namang nag-aalala pa din siya sa akin.

Grabe noh, di ko siya boyfriend pero kailangan kong magmove-on. Pero kahit nasaktan niya ako, bless pa din ako dahil siya ang lalake na nakasakit sa akin.


Ipinagpray ko naman siya lay Lord na sana si Deu na pero God's will still be done.

---

Sunday afternoon. Nakapagdecide ako na ipasyal muna ang sarili mag-isa. Just treating myself and giving myself love para sa pagmomove on ko. Pinromise ko din kay Lord na hindi ko gagawing dahilan yung nangyari para manghina spiritually, in fact, Ikakalakas ko pa yun.

---

Naupo ako sa may bench sa plaza at tinusok yung straw ng milk tea at uminom. By the way, nakadress ako ngayon from church. Yup, nagdidress na ako pag nagsisimba. Nakatitig lang ako sa sapatos ko. Nang mapansin kong may dalawang pares ng sapatos sa harap ko kaya mahina akong napatingala. Natigil ako nang humarang sa harap ko yung box ng dunkin doughnut. Napakunot-noo ako. Mahina naman yung binaba ng may hawak no'n kaya nakita ko yung mukha niya. Nanlake yung mga mata ko nang makita siya.

"Levi." sambit ko sa pangalan niya. Nakangiti lang siya sa akin ngayon.

"Tanggapin mo na, nangangawit na ako eh." sabi niya. Mahina ko na lang yung tinanggap at napatitig ako rito. My heart raised nang umupo siya sa tabi ko at may ininom din. Milk tea din pala.

"Buksan mo na. Kainin na natin." 'ta mo to kung makaasta parang walang nangyari. Binuksan ko na lang at kumain nga kami. Pero tahimik lang kami. Marami akong gustong itanong sa kanya pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Kumusta ka na Zip?" napatingin ako sa kanya na ngayon ay umiinom sa milktea niya at sa unahan lang nakatingin.

"O-okey lang naman." matamlay kong sagot.

"Hmmmh. Di ako kumbinsedo don... Dahil ba kay Shek at Deu?"

Natigil ako don

"Pa'no mo nalaman?"

"Hmmm. Social Media."

So may iba siyang facebook. ~_~

Napailing na lang ako.

"You can make it." yun lang sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako

"Ikaw? Kumusta ka na? Ano'ng nangyari pagkatapos non? Di ka man lang nagpakita. Nagdeactivate ka pa and change your number." he smiled at tiningnan ako sandali.

"Bumalik ako sa Head quarter. Binalita ko kay papa ang nangyari at nakiusap ako na sumuko kami... Nakulong ng anim na buwan." natigil ako't napatingin sa kanya habang siya'y nagsasalita. "Nang makalaya... I tried to get a job at maraming beses nagfail.. sumuko ako. I posted may artwork in social media at kumita din naman, until sunod-sunod na."

Mahina akong tumango. Masaya ako sa narinig.

"Di ba nagalit si Abra?"

"Nagalit pero pumayag din. Sabi niya, narinig niya yung pag-uusap natin nong kinulong nila tayo and he heard us when we sing songs. Dahil don nagkaroon ng puwang ang pagbabago sa puso niya." mahina akong napangiti do'n.

"Masaya ako para sa yo." -sabi ko naman.

He nodded.

"Ba't di ka man lang nagpakita sa kin? You didn't even tried to reach me even through social media. Di mo ko kinamusta. Nakakapagtampo lang kasi ako hinanap kita at alalang-alala ako sa yo. Parate kitang pinagpipray."

"Masaya akong malaman na hinanap mo ko at nag-alala ka sa 'kin. Nag-alala din naman ako sa yo. Takot na takot ako nong mabaril ka at palage din naman kitang binibisita non sa hospital." nanlake yung mga mata ko.

"Pero bat di kita nakita."

"Ayaw kong magpakita."

"Bakit?"

"Sinisisi ko kasi yung sarili ko sa nangyari. Di kita naprotektahan."

"Di mo naman yun kasalanan." He sighed.


"Pa'no mo nalamang andito ako?"

"Actually di ko alam. Hinanap lang kita. Nag-aalala kasi ako sa yo nong malaman ko yung about kina Shek "

"Tssss." yun lang ang tanging nasagot ko. "So ba't ka nga di nangumusta? Ta's nong nagkita tayo sa concert  para lang wala sa yo, lalo na nong sa resto."

Napangiti naman siya don.

"Nawala ka kasi bigla nong sa concert ta's sa resto naman, ikaw naman yung unang nag-ignore sa akin."

Narealize ko nga yun. Ako nga talaga. Kasi naman, sino ba yung babae na yun? Gusto ko sanang magtanong pero wag na lang baka hindi ako handa sa maririnig.


"Mamaya na lang tayo mag-usap sa bahay"

"Huh?!" gulat kong tanong.

"Do'n ka muna magstay ngayong gabi. Nagpiprepare na din ng pagkain si papa ngayon, sinabihan ko na dadalhin kita ngayon "

"B-bakit naman?"

"Wala lang... Gusto ka din namang makita ni papa. Tayo na Zip." nagulat ako nang hilahin niya na ako kaya wala na akong nagawa.

---

Nagulat ako nang pinagbuksan niya ako sa may front seat ng kotse.

Natulala tuloy ako.

"S-sayo ba to?" tanong ko na di makapaniwala.

"Hmhh. Oo. A gift from my client. Second hand lang naman 'to. So you may now come in miss." sabi niya. Napailing na lang ako at pumasok. Grabe yung asenso ah.

"Asenso ah." sabi ko nang makapasok siya.

"Tssss. Regalo lang nga to." pinaandar niya na yung sasakyan.


"Ba't ka naman niya reregalohan? Sobrang ganda ba nong drawing mo? Sobrang yaman ba niya?"

Para siyang natawa sa mga pinagtatanong ko.

"Siguro natuwa siya sa akin. Oo mayaman siya."

"Babae ba siya?"

"Oo. Teka lang ha, baka pinag-iisipan mo na ako ng masama. Ganito kasi yun, mayaman siya na negosyante, ako yung pinagawa niya ng Draft ng hotel and resort niya, marami siyang kotse kaya binigay niya sa akin yung isa. Yun."
napakunot-noo ako.

"Ba't ka naman niya pinagawa ng draft."

Mas natawa siya lalo. Nagulat ako when he pinch my cheek sandali at nagpainit yun sa akin.

"Ang cute cute mo pala. Hahaha." napasimangot na lang ako don sabay hawak sa left cheek ko. "I am a self-employed architect Zipporah." nanlake yung mga mata ko sa gulat.

Pano nangyari yun? 0-0

Kinwento niya naman lahat. He secretly studied college. Di niya pinaalam kay Abra dahil di naman daw ito papayag. Graduated na siya 2 years ago at yun nga lang di siya makapag-aapply because of police clearance kasi nga labas pasok kami ng kulongan. Humanga tuloy ako sa kanya don.


Actually ang nagpush sa kanya na magstudy ng college ay yung nagkita sila ni Shek at inamin niya na gusto niya talaga ito.

Nanliit ata ako bigla sa mga nalaman ko about sa kanya. Nakarating din ako sa bahay nila. Isa itong two-storey na bahay. Di naman ganon kalawak yung lugar at di pa ito tapos, kulang ng finishing pero gusto ko yung bahay. Maganda yung design. At alam ko na na siya yung may design nito.

<END OF CHAPTER 20>

MESSTERPIECE (Soul Snatcher)Where stories live. Discover now